Maaga akong nagising para makapaghanda mamaya sa meeting with the architects. Nareview ko na rin ang kanilang mga main ideas. I requested to see their main ideas first para alam ko na kung ano ang aking ieexpect mamaya. Medyo nahihirapan na nga ako ngayon palang dahil lahat sila ay magaganda ang designs. Tita Vivien is not kidding when she told me na magagaling na architects yung pinili niya. Pero syempre, malalaman ko kung magaling talaga sila base sa kanilang presentations.
Pagdating ko sa building ay marami nang tao sa lobby. Siguro ay mga 20 na tao ang nandon at naghihintay. Nakita ko si Kyle sa upuan at nagrereview ng kaniyang report. I was about to walk past him nang makita niya ako. "Sancha? What are you doing here?"
Nagiisip pa ko ng aking isasagot ng sinagot niya na ang sarili niyang tanong. "Ay oo nga pala, nalimutan ko dito ka rin pala nag tatrabaho. Sige," sabi niya at nagpatuloy na sa pag rereview ulit. "Goodluck" tanging sabi ko at umalis na.
Nilapag ko muna sa aking office ang aking gamit. "Margaret?" tawag ko sa aking sekretarya. "Yes ma'am. Kakadating lang daw po si Mr. Santos and si Mrs. Olivar at ang iba pang board members ay nag iintay na sa conference room"
"Ok thanks... Oh and by the way, bakit nga pala sinabi mo ang aking address kay Mr. Navarro?"
"sabi niya po kasi kaibigan mo daw po siya?"
"You shouldnt tell my personal information kahit kanino. If kaibigan ko nga yun, hindi na nila kaylangan lumapit sayo para itanong ang aking address dahil ako na dapat ang magsasabi sakanila yun. Just dont reveal any of my personal information kahit kanino are we clear?"
"Opo ma'am sorry po" Matapos yon ay kinuha ko na ang ibang documents at pumunta na sa conference room. Nagbatian kami ng mga board members at nag usap usap tungkol sa mga criteria ng designs na hinahanap namin para sa runway. Hindi lang kasi talaga runway ang kaylangan namin mula sa mga architect. Kaylangan din ng magarbong showroom, event's place at auction hall. Dito kasi gagawin ang mga meetings with fashion designers pati ang ilang auction events na magaganap sa taon na to. This is the main reason kaya ako ang pina manage ni Tita Vivien dito. Atstaka ako din ang nirecommend ni Tita Marie Olivar na close friend ni mama dati nung nabubuhay pa siya.
Matapos ng ilang minuto ay nag simula na kaming magpapasok. Hindi ko na masyadong inisip si Kyle. I'm just trying to be professional. After mag present ng sampung architects ay nag lunch break muna kami. Sagot na ng kompanya namin ang aming mga lunch kaya't hindi na kami umalis sa conference room. Pinag uusapan namin kung kani kaninong designs ang magaganda.
"Maganda ang presentations ni Ms. Hydee" sabi ni Mrs. Olivar. "Yes I agree pero mas gusto ko ang designs ni Mr. Acosta. It's minimal but it has flare" sabi naman ni Mr. Panganiban. Patuloy lang sila sa pag uusap usap habang ako naman ay nananahimik lang sa aking upuan. Since ako na ang bagong ceo, ako ang nasa pinaka dulo ng oval na lamesa.
Nag resume na ang presentations ng mga architect. Nawawalan na ako ng gana dahil halos pare parehas lang ang ideas ng mga architect sa second batch. Not exactly the same pero magkakatulad sila ng idea. May lagi nagkakatulad, kung hindi theme ay ang design kung hindi design, same ng concept and so on and so forth.
Pero nawala ang aking boredom. Napaayos ako ng upo nang may makita akong pamilyar na mukha na pumasok sa room.
"Goodafternoon ma'am, sir. My name is Christine Beatrice Guerrero and I will be presenting my design ideas today..."
parang naubos ang dugo mula sa aking katawan. That Beatrice. Wala man akong patunay, alam ko na siya ang may pakana ng pagkasira namin ni Kyle. Siya ang nanira sakin kay Kyle at kay Tito Charles. I just can't believe it. This revenge story just gets better and better. Hindi niya ako masyadong nakikita dahil nasisilaw siya sa ilaw mula sa projector.
YOU ARE READING
One and Only
RomanceSi Kyle ang tanging laman ng puso at isip ni Sancha ngunit sa hindi malaman lamang dahilan, bigla nalang siyang sinaktan nito. After so many years, sa pagbabalik ni Sacha, maaalala pa kaya ni Kyle ang babaeng dinurog niya? Paano kung hanggang ngayon...