Chapter 3

5 0 0
                                    

"Sancha, thank God! Kung hindi dahil sayo baka hindi natin maumpisahan itong shoot na to" sabi ni Vicky. "Ano ka ba Vicky, wala iyon" 

"Osiya, go back to position! Tapos na daw ayusan si Kyle, pwede na tayo mag simula"

Napatingin ako sa gawi niya. Ibang iba na ang itsura ng katawan niya. Well, what do I expect, after so many years, ofcourse mag babago yon. Nagka abs na siya at muscles. Hindi tulad dati na patpatin. Tumangkad na din siya. Syempre, tumangkad din ako. He's 6'6 while I'm only 5'8. Ilang beses kaming nag palit. First shoot is naka formal attire kami at sa event room kami nag shoot. 

I wore the red velvet dress tapos siya naman ay naka tux. Nagbibihis palang kami para sa second shoot pero nagulat ako nang ibigay sakin ang susuotin kong damit. 

"Vicky, bakit ako mag susuot ng lingerie?" gulat kong tanong

"Sa Honeymoon Suite kasi ang second shoot nyo at kaylangan nyong iadvertise yon dahil for couples nga ang target nating customers diba. Ok lang yan, professional naman kaming lahat dito" siguro ang tinutukoy niya ay ang mga camera man. Pero hindi naman ang mga cameraman ang tinutukoy ko. Napatingin ako kay Kyle. Naka suot lang siya ng boxers. Dapat ay topless siya pero naka suot muna siya ng robe dahil malamig. 

"Hey, you dont have to do this kung ayaw mo" nagulat ako sa boses niya. How did he got here so fast. "No, I'm fine. And dont worry, I'm a professional. Gawin nalang natin ang trabaho natin"


Pagdating sa kwarto ay nandon na si Kyle pati na ang set. Ang ganda nga ng suite. May malaking bintana at tanaw na tanaw mo ang buong maynila. Umupo na ako sa kama at tinanggal ko na ang aking robe. "Sige, lumapit pa kayo"

"Kyle, put your hands around her waist" dahan dahang hinawakan ni Kyle ang aking bewang. Ang init ng kanyang kamay. Sobrang nakakapaso. I flinched when his skin made contact with mine. Be professional, Sancha. Trabaho ito. At ikaw ang humingi sakanya ng favor. Panindigan mo

Naka luhod ako while leaning sa isang side. Si Kyle naman ay nasa likod ko, hawak ang bewang ko. 

"Sancha, sumandal ka pa sakanya... Yan, perfect!"


Hinawi niya ang aking buhok at inilagay iyon sa isang side. Sobrang lapit namin sa isa't isa. I can feel his breath on my bare neck. "Your smell never changed... It's still intoxicating. Nakakaadik ka Sancha" kinilabutan ako nang binulong niya yun sa tenga ko. 

"Sancha, you're so tensed. Loosen up!" I shook my head. God Sancha what's wrong with you ba?! Marami naman akong nakatambal na mga male models dati just like this one! Hays. 

Kinalimutan ko na lahat. Kinalimutan ko na kilala ko si Kyle. Inisip ko nalang na he's nothing more than just a co worker. Kinalimutan ko muna saglit ang naging past namin ni Kyle. And it worked. Panay ang puri at palakpak ni Vicky. Dinidikit ko lalo ang sarili ko sakanya. Hinahawakan ko ang iba't ibang parte ng katawan niya. Sobrang lapit na rin ng mga mukha namin ngunit hindi ako nag patinag. I kept a straight face sa buong duration ng shoot after akong pagsabihan ni Vicky. Napansin ko nga na parang si Kyle pa ang naging uncomfortable sa ginawa ko kanina. Napansin ko ksasi na panay ang paglunok niya dahil kanina pa din galaw ng galaw ang kaniyang adam's apple. 

Natapos ang shoot at pumunta na kami sa third and final place ng shoot. Sa rooftop ng hotel ay may swimming pool at bar. Nagbabadya nang lumubog ang araw kaya hindi na ganon kainit sa labas. Pinagasuot naman ako ngayon ng pulang bathing suit sa ilalim ng manipis na puting bistida. 

Pag akyat ko sa rooftop ay nakita ko na agad si Kyle sa may edge. Naka bukas ang puting button down polo niya at tinatangay naman ng hangin ang kaniyang magulong buhok. 

One and OnlyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang