CHAPTER 7

30 1 0
                                    

~ 2 weeks later~


Nakipagkita ako sa kanya at nag-bonding na din... tama nga ang hinala ko sya si Tss.. I mean si Cristopher Steinford.

Minsan pumupunta ako sa playground at nandoon din sya yiiieee pero syempre aksidente lang talaga kami nagkikita...

Hindi ko pala alam na nai-inlove na ako sa kanya... syempre kay self ko lang pinapaalam yun.

Araw araw gusto ko syang nakikita.. nalaman ko lang to nung laging bumibilis yung tibok ng puso ko pag andiyan siya.

Gusto kong umamin sa kanya non pero ang daming humahadlang. Who knows di ba? Baka di pala talaga kami meant to be.

Magbibigay sana ako ng letter noon pero.. NAWALA KO! Kakausapin ko na sya pero lagi na lang siya pinag kakaguluhan ng mga babae!!! Bwiset!!!!! Tapos sasabihin ko na.. makikita ko bigla ko na lang makikita yung mga babaeng galit sakin pag kasama ko siya.. kaya lumalayo ako kay Topher. O kaya, ang pinakamalupet don, bigla bigla na lang akong nagiging TORPE.

Minsan lang kami nagala kung saan saan. Nakilala na din ako ng parents nya (as a friend lang) pero nagulat din sila ng malaman nila ang name ko..... Anong kayang problema nila sakin?

So yun na nga, pinayagan ako ni mommy na pumunta kaming EK. Ang saya ko nga ng mga araw na yon eh. Nag picture kami doon at pinag-kamalan magjowa, of course, happy si ate ghorl niyo. Nakita ko na din syang ngumiti at tumawa, best moment ever talaga yon. Yung tipong sasabay ka na lang pag nakita mo siyang ngumiti.

Pumunta kasi kaming roller coaster at sobrang takot na ako non. Takot kasi ako sa heights eh, atsaka feeling ko masisira o mahuhulog ako sa roller coaster. Tawa sya ng tawa. Yung mukha ko kasi daw ay parang stupid. Ang sama no? Hindi lang kasi siya takot sa roller coaster eh. Pagkatapos non, naghanap pa kami ng iba't ibang rides, at di talaga mawawala yung tawa nya pag nakikita nya mukha kong ewan.

May umaaligid nga sa kanyang babae eh, nilalandi yung jowa ko! Ay este si topher. Naiinis kaya ako non! Tapos may nakita akong pervert na lalaki, muntikan pa akong mahawakan sa hinaharap kong pader, bigla ngang sinuntok yon ni topher hindi makarelax halos patayin na yung lalaki. Binantaan pa nga eh. Kinikilig nga ako kasi nag aalala siya sa akin... yyyiiiieeeeee!

Ang bilis nga ng oras eh, di ko namalayan. Nagtago pa nga kami sa kung saan man yon. Hindi ko alam kung bakit. Takot na takot pero sabi nya okay lang daw sya. Nabuang na.

But I never thought I would experience an unexpected event that day.

Nalaman ko hindi pala aksidente ang pagkamatay ni daddy. Sinadyang sirain ng tatay ni topher ang preno ng kotse ni daddy para aksidente talagang namatay.

May nalaman kasi si daddy about sa family ng steinford.. maraming pinapatay ang mga steinford para makuha ang kayamanan at magulo ang pamilya nila. Mayaman ang mga Garcia. Daddy really has a lot of business.

Dahil sa nalaman ko.. galit na galit ako sa kanila, at gusto ko na lang mag-wala at umiyak non dahil sa takot din. Pano ko nalaman? Pumunta ako sa mansion ni topher and I would have surprised him but I was the one who was surprised,

I heard topher and his parents talking about what they actually did to my father and what they were planning to do with Garcia's clans.

Topher seems shocked sa sinabi ng magulang nya dahil sya na daw ang magmamana ng business nila and there he suddenly saw me as well as his parents.

So that's their evil secret why they're so wealthy. Sobrang sama nila na nagawa nila yon sa tatay ko.

Tumakbo ako nang tumakbo noon at biglang sumakit ang puso ko.. maliban sa anemic ako nasakit din ang puso ko paminsan minsan.

May nakita akong kotse na pagewang gewang! At...



~End of Flashback~

Prank Call (short Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon