CHAPTER 10

37 1 0
                                    

Chapter 10

Tuloy tuloy na ang luhang bumabagsak sa mukha ko.

Pero ngumingiti ako sa huling mga sinabi nya. Na alala ko noon na nalaman nya ang name nya sa phone contact ko 'TSS' hahaha, wala syang pakialam non. Para talagang sya yung bad boy sa nakikita ko sa drama.

Oo na stupid ako. Masasama ba mahalin kang hindi mo alam!

Bwiset ka!

Pinatay mo nga ang sarili mo dahil sinaktan mo ako. Hahaha.

"Sorry topher. Hindi ko man lang nasabi kung ano talaga nararamdaman ko para sayo. Ang torpe ko, at hindi ka din umamin! Sana sinabi ko na sayo dati pa. Sana hindi ako nag-ubos ng oras." Tumingin ako sa langit at ngumingiti kahit umiiyak ako.

Sya yung taong akala mo masungit lang. Pero yung mga panahon na hindi ako maka move on sa daddy ko. He helped me and he comforted me. Umiyak ako ng umiyak sa kanya. Na alala ko nga non ang dami nyang sinabi at bigla nya ako niyakap eh. Doon ko lang nalaman na di naman siya ganon kasama. He has a hidden good side.

"Sana maging masaya ka dyan. Don't worry, aalagaan ko ang puso mo. Bwiset ka! Sorry hindi ko matutupad na hindi ako iiyak. Mahal din kita eh. Hindi ako maka paniwalang patay ka na. Dapat di mo na lang binigay yung puso mo sa akin. Mang iiwan ka katulad ni daddy. Mag hello ka sa kanya diyan ah. Sabihin mo sa kanya lahat lahat. Hehehe!"

Sana nakikinig ka ngayon. Kahit nagmumukha na akong tanga dito. Tinignan ko ang cd na may nakasulat na you're it. Naalala ko si topher. Naabutan ko kasi sya sa Music Room nya na nag gigitara habang kumakanta ng you're it by gabe bondoc. Ang ganda nga ng boses nya eh at halatang bihasa siya talaga sa pag gigitara. Nang makita nya ako gulat na gulat sya at halatang nahihiya. Nawala nga ang pagiging masungit nya eh.

Sana hindi ko sinayang ang mga oras na kasama ko sya. Sana sinabi ko na agad sa kanya na mahal ko sya. Pero wala na akong magagawa, hanggang 'Sana' na lang ako. Tama sya. Stupid ako. Kung sino pa yung minahal ko ng lubusan, sya pa yung nawala. Sa tingin ba nya maghahanap ako ng iba. Luh! Asa. Nahihirapan ako mag move on sa kanya. Nahihirapan ako dahil wala na siya. Eto na ba talaga ang mangyayari sakin? Siya lang ang kaya kong mahalin wala nang iba.

Sorry topher hindi na ako maghahanap ng iba kundi ikaw lang. Mahal na mahal kita. Sana maging maayos ka na dyan. Maraming salamat dahil naging parte ka sa buhay ko. Wag mo na akong alalahanin dahil alam kong balang araw matatanggap ko din to pero di na ako aasang magmamahal pa ng iba. Love you, Always and Forever.


~The End~


"Sometimes, losing people is part of our lives"

-In the movie of Lego batman.



© All Right Reserved 2020 

Prank Call (short Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon