Si Mark.... Si Mark ang kumatok sa pinto na akala ko si Mommy.
Napatakbo ako sa banyo at mabilis akong nagbihis. Hindi ko alam kung anong itsura ko non, tsak sobrang pula ng mukha ko, dahil sa sobrang hiya...
Ano bang ginagawa dito ni Mark , hindi manlang nagsasabi, ang aga aga pa. Eto namang si Mommy pinapasok tong lalaking to at take note pinayagan pang makapunta sa kwarto ko. Nakakahiya talaga sobra, kanina nakita ko sa mga mata ni Mark na gulat na gulat siya, sana lang hindi niya ko pinagtatawanan ngayon. Hayyy buhay parang life. Magkakaheart attack yata ako sa mga nangyayari sakin dito. My God, My Lord, My Countrymen kung kamatis lang siguro ako bentang benta ako sa pula ng mukha ko.
Bago ako lumabas sa kwarto ay sinigurado ko munang hindi na mapula yung mukha ko at maayos na ang suot ko. Kanina kasi nakashort ako na short na pinashort pa at nakasando lang ako manipis pa, Juicecolored! Hihimatayin na yata ako. Paglabas ko sa kwarto nakita kong nakatitig sakin si Mark, ewan ko lang kung ano iniisip niya mahirap basahin itong lalaking to e.
’’Nga pala bakit ka napunta dito?’’ tanong ko sa kanya. Nag aaya siya ng isang swimming, overnight daw, tinutupad lang daw niya at nila Jim yung pangako nila kay Justin. Nung araw na yon ay natuloy nga yung swimming namin. Nagtatawanan ang lahat pero halata pa ring namimiss nila si Justin .Wala na kasing nagpapatawa, wala ng kumakanta na daig pa lasing, wala ng magnaKnock knock at kung ano ano pa sasabihin at higit pa don wala na yung nagpaparamdam sakin na iba ako sa lahat ng babae sa mundo.Nung kinagabihan katabi kong natulog si Mark, lasing ang lahat, lalong lalo na si Lenard , e lasinggero naman talaga yun e. Bigla akong nagising nung narinig ko yung pangalan ko , tinatawag ako ni Mark , akala ko naman gising siya, nananaginip lang pala, ano kaya napananaginipan niya ngayon? Nakakaconscious naman to. Bakit ako yung tinatawag niya…
Kinabukasan, nagising ako, nakatulog pa pala ako sa lagay na yon. Tumingin ako sa paligid pero bakit wala sila. Nakaramdam ako ng kaba, iniisip ko baka iniwan. nila ko . Sana naman hindi. Tumayo ako sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso bigla itong bumukas mag isa. *Blaaag!* nauntog ako at napaupo . Aray ko naman napakasakit . Pagtingala ko nakita ko si Mark na nakatingin sakin , nakashort lang siya O my god topless o_O , tinakpan ko yung mukha ko , tsak namula nanaman to , My goodness my virgin eyes kalerkey haha. Naramdaman ko na hinwakan ni Mark ang mukha ko at unti unti iniangat niya ito...
’’Huwag mo ng itago yang mukha mo’’ natatawang sabi ni Mark. Tumitig siya sakin habang nakangisi , ngayon ko lang ulit nakita yung mukha na yon. Nginitian niya ko at itinayo . Nakaharap sakin yung matipuno niyang katawag my gosh hindi ko alam kung ano magiging ekspresyon ko, kaya nung tumawa si Mark ay tumawa narin ako.Teka! Tumawa si Mark? Ngayon lang ulit to. Masaya siya ngayon ah , nakakamangha hahaha. Hinawakan ulit ni Mark yung mukha ko nakatitig nanaman siya sakin ’’ang ganda mo ngayon’’ sabi niya. Aba! ngayon lang ako gumanda! Eh kagigising ko nga lang ang haggard ng aking face. Tapos. sinabi niya yon. iniinsulto yata ako ng mokong na to a.
Nang makauwi na kami nagpagulong gulong ako sa kama ko. Di ako makatulog, pasukan na pala bukas. Bigka kong naisip si Justin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagtetext o tumatawag.
Magdamag kong hinintay ang text ni Justin, hanggang sa makatulog ako ng hindi namamalayan.
’’Cause you bring out the best in me
Like no one else can do
That’s why i’m by your side
That’s why i love you’’Nagising ako sa ingay. ng cellphone ko, tumawag pala si Mark. Teka, anong oras na? Ha! 7:00 na pala, hahanapin ko pa yung kwarto ko at kung anong section ako.
Nagmadali ako sa pagligo at nalimutan ko ng dalhin yung cellphone ko. Pagkarating na pagkarating ko nadatnan ko si Jim, Lenard at Mark. Nakatingin sila saken. Huh? Bakit kaya? Nilapitan ako ni Mark at hinawakan ang kamay ko, gayundin si Lenard. Teka san niyo ko dadalhin, nakangisi lang sila. Nasa 2nd floor na kami ng building pero sa fourth floor pa daw yung room namin. Ang saya! magkakaklase daw kaming lahat . Exciting to! hihi
Tapos bigla nalang huminto si Mark at umupo, ’’ano to?’’ napagod yata sila . ’’pasan na?’’ sabi ni Jim, ’’sige na kami ang guard mo sabi ni justin diba’’ sabi naman ni Lenard. Si Mark naman ay nakatingin lang sakin. Pumasan na ako kay Mark , wala na kong nagawa e.
Nakita kong nakatingin lahat samin , tiyak na minumura na ko ng mga babae sa paligid ko pero walang pakialam sila Mark , basta sila dirediretso lang sa kalalakad.
Ilang sandali lang nakarating na kami sa room namin , tinginan ang lahat, yung iba halatang halatang kinikilig at mga naghihiyawan pa. Sino ba naman hindi kikiligin e kaklase nila sila Mark. Pagpasok na pagpasok namin sa room niyakap ako bigla ni Kathy , sobra niya daw kasi ako namiss, itinuro niya kung san sya nakaupo at doon ako pinaupo katabi niya. Matatanggihan ko pa ba tong bestfriend ko, tsak hindi na haha masasakal ako nito kapag tinanggihan ko.
Dumating na yung prof namin , napabuntong hininga nalang ako. Tsak sa lahay ng subject magpapakilala nanaman kami isa isa. Mga maghihiyawan lang naman tong mga classmate ko kapag sila Mark na ang magsasalita , at itong si Kathy kunwari pa ndi hihiyaw pero deep inside kinikilig yan kapag si Lenard na ang magsasalita. May past kasi yung dalawang to. Nakakatuwa. nga silang panuorin kapag nag aaway e haha , para silang mga dagang nag aagawan ng cheese.
Natapos na yung klase , uuwi na sana ko kaso ako pa pinaglinis ni prof, nakita niya kasi na hawak ko yung cellphone ni Kathy nakumpiska nga e kaya itong bff ko naghihimutok. 8:00 na yata akong nakatapos maglinis , pababa na ko sa hagdan ng biglang namatay yung ilaw … o_O ayoko ng ganito......

BINABASA MO ANG
My Friend My Lover
Storie d'amoreMay mga oras na tinatanong ko ang sarili ko kung paano at bakit nangyari ang mga bagay na yon. May mga araw na umiiyak na lang ako sa twing naiisip ko ang mga bagay na nagpahirap sakin. Pero sabi nga ng iba aanhin mo pa ang buhay kung wala kang isan...