Zhailyn’s POV
Isa isang pumasok ang mga kaibigan ko na may dalang roses.Ibinigay nila ito sakin at mayroon namang nagsuot ng kwintas mula sa likuran ko. ’’Happy anniversary’’ bulong nito sakin. Hindi ko naiwasan ang pagngiti at bigla kong hinarap ang lalaking iyon. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo ’’Iloveyou’’ at bigla nalang tumulo ang luha ko.... sa sobrang saya.
Si Justin Reizer III, ang pinakasweet , thoughtful, gwapo at napakabait kong boyfriend. Isa siya sa mga hearttrob sa Sei Yuo Academy, ang school namin. Mga hearttrob, tama marami sila at kabarkada sila ni justin, kinaiinggitan sila ng marami, at halos lahat ng mga babae kahit na mga mahihinhin at diyosa ay nagiging wild kapag nakikita sila ng mga ito. Sa isip isip ko nga napakaswerte ko dahil naging boyfriend ko si justin at naging kaibigan ko sila. Pero dati may point na minsan pagpasok ko bigla nalang may papalibot saking mga kababaihan at babalaking sabunutan ako , eto pa sasabihan pa kong flirt, slut, pilingera, mayabang, pokpok. Pero bago pa man ako masaktan dadating kahit yung isa lang sa magkakabarkada at boom! Save by the boys. Naisip ko na rin noon na hiwalayan siya pero ngayon sanay na ko sa mga babaeng nilalamon ng insecurities nila.
’’Happy anniversary Zhailyn Yu!’’ sigaw ng bff kong si Kathy. Niyakap niya ko na halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit. Lumapit naman si Lenard, Jim , Reniel at Mark -mga barkada ni Justin ’’yung mga heart trob’’ . Binati nila ko isa isa at abot ang pagbatok nila kay Justin. ’’Happy anniversary, congrats napaabot mo ng one year yung samahan niyo,kahit na lokoloko yang barkada namin’’ sabi ni Mark sabay yakap sa akin. Nagulat ako sa sandaling yon, hindi sa mga sinabi niya , kundi dahil sa pagyakap niya. Hindi naman kasi ako niyayakap ng mga yon dahil ayaw na ayaw yon ni Justin. Mabuti nalang at hindi nakatingin ang iba.
’’M-Mark’’ inalis ko ang pagkakayakap niya sakin. Humarap lang siya sakin pero hindi siya nakatingin sa mga mata ko. Tumango lang siya at iniwan ako doon na nakatayo at gulat.
Ano itong nararamdaman ko, biglang bumilis yung kabog ng dibdib ko. Dahil ba ito sa pagyakap sakin ni Mark o dahil sa malamig at malungkot niyang mukha habang binabati ako. Pero bakit, hindu ko maintindihan. Isang taon ko na siya nakakasama tulad ng iba pang barkada bakit parang ngayon ko lang napansin na nagbago siya.
Mark POV
’’Mark Reyn antanga tanga mo! Bakit mo niyakap si Zhailyn , paano kung nakita ka nila Justin! Paano kung ilayo siya sakin’’. Yan ang paulit ulit kong sinasabi habang nasa harap ng salamin. Dapat kasi sakin pinupukulan ng bato sa ulo. Alam kong gf na ni Justin si Zhai pero bakit patuloy parin yung nararamdaman ko sa kanya. Kung sana dati pa man sinabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya, di sana asakin siya ngayon. Mahal na. mahal ko si Zhai pero hindi ko pwedeng sabihin to o ipaalam sa iba dahil masisira ang samahan namin nila Justin at tiyak lalayo sakin si Zhai...
Zhailyn POV
’’Pre antahimik mo ah’’ sabi ni Justin kay Mark. Tumagay lang si Justin ng isang basong alak at ibinigay kay Mark ang isa. Tinagay naman ito ni Mark na tila mo sobrang depress. Bakit parang ang awkward ngayon. isip isip ko, kasi naman nagpaflash back pa sakin yung mga nangyari kanina. Tapos hanggang ngayon ang seryoso ni Mark.
’’Oh tama na yan magpakasaya tayo ngayon’’ sabi ni Jim, inakbayan ako ni Justin at nginitian. Ilang sandali lamang ay biglang tumayo si Justin at hinila ako.Naghiyawan sila Jim pero si Mark ni hindi lumingon samin. Nagulat ako ng hinalikan ako ni Justin , kumapit ang kamay niya sa likod ko at sa may bandang ulo , ’’mahal na mahal kita ’’ sabi ni Justin , i kissed him back at sinabing mahal namahal ko rin siya. Matapos non ay nagpaalam sa amin si Mark na uuwi na . Pero pinigil siya ni Justin dahil may sasabihin daw siyang mahalaga.
’’Mga pare take care of Zhai , alam kong hindi niyo siya pababayaan habang wala ako’’ sobra ang pagkagulat ko sa sinabi niya, maging sila Jim ay hindi alam yon. Tinanong ng tinanong nila Jim si Justin , at don ko nalaman na pupunta na pala siya ng America , doon siya mag aaral ng college , kinukuha daw siya ng tita niya pero isang taon lang naman daw siya don. Kung kelan magcocollege na kami tsaka siya aalis. Tumulo ang luha ko hindi ko mapigilan. Nilapitan ako ni Justin then he said ’’Don’t worry baby i’ll be back, one year lang naman ako mawawala so wait for me ha, i love you and i will miss you so much’’. Lalo akong naiyak sa sinabi niya hinampas ko ng hinampas ang dibdib niya ’’One year? Hindi yon. maikling oras, napakatagal non *sob* hindi ko alam kung kaya ko na wala ka *sob*’’
Nagulat rin sila sa mga sinabi ni Justin, Pero tinanggap nila to, halatang halata kay Mark na gulat na gulat sya. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.Humagulgol na lang ako sa pag iyak habang yakap si Justin.
Justin POV
Nung hinalikan ko si Zhai, sobrang saya ko non, ayoko na sanang matigil yon. Gusto ko na sanang ihinto yung oras. Yung araw na yon ang pinakamasayang araw sa buhay ko at ng huli ay naging malungkot dahil sa pag iyak ni Zhai. Alam kong iiyak siya kung pwede lang sanang tanggihan si tita pero hindi e , siya ang nagpapaaral sa akin at kailangan ko mag aral para sa kinabukasan namin ni Zhai .
Zhailyn POV
’’Pre kelan alis mo?’’ sabi ni Jim
’’Oo nga pre iiwan mo talaga si Zhai? Paano kung manakaw yan ng iba’’ sabi ni LenardNapahinto ang lahat ng biglang dumating si Mark. ’’Wag kang umalis masasaktan siya’’ napakalamig ng mukha at ng boses. Natahimik lang si Justin at yung iba. Itinigil ko ang usapan at saka ngumiti, yung ngiti ng plastic , niyakap ko si Justin at sinabing ’’Bumalik ka, maghihintay ako’’ at muling tumulo ang luha ko. Napansin kong natahimik ang lahat at nakita kong may pumatak na luha mula sa mga mata ni Mark, agad niya itong pinunasan. Bakit ganon si Mark , di ko maintindihan. Dalawang araw na lang at aalis na si Justin, wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. At nang araw na ng pag alis ni Justin , inihatid namin siya sa airport.
Nag usap usap silang magbabarkada at hindi ko masiyadong marinig yung pinag uusapan nila. Ako naman nakaupo lang sa isang tabi at nanggigilid ang luha, nilapitan ako ni Justin at. nagpaalam, pinunasan niya ang mga luha sa mukha ko at saka pinilit ngumiti. Mag iingat ka.
Nakaalis na ang eroplanong sinakyan ni Justin. Umuwi na kaming lahat at ng araw na yon magdamag akong umiyak.
Ilang oras pa lang pero parang taon na ang tagal ng pagkaalis ni Justin. Ano kaya ginagawa niya ngayon, ano kaya ang iniisip niya ngayon. Naiisip ko siya. Naiisip ko siya. Sana naiisip niya rin ako.
Kinabukasan may kumatok sa pintuan ng kwarto, akala ko si Mommy kaya binuksan ko pero laking gulat ko ng iba ang bumungad sa harap ko ...

BINABASA MO ANG
My Friend My Lover
RomanceMay mga oras na tinatanong ko ang sarili ko kung paano at bakit nangyari ang mga bagay na yon. May mga araw na umiiyak na lang ako sa twing naiisip ko ang mga bagay na nagpahirap sakin. Pero sabi nga ng iba aanhin mo pa ang buhay kung wala kang isan...