Chapter 1: HER FAMILY

599 19 5
                                    

AN//: Start each day with a positive though and a greteful heart 💚💚💚





"JOSHUAAAAAAAAAA........ " Kaaga agang sigaw niya sa kapatid niya dahil alas dose pa lang ng gabi. Nakita niya ang maliit na orasan sa loob ng sasakyan niya.

Kahapon siya umuwi sa bahay ng mga magulang niya, ibilin niya kay Joshua na gisingin siya nito six o'clock in the morning. Nakakagago lang kasi hating gabi pa lang tapos siya na kaligo na and ready to go to siya sa bahay ng estudyanteng home school. Tapos malalaman niya na pinafrank naman siya ng kapatid niya, hindi na siya nagabala pang ipark ulit sa garahe nila ang second hand na sasakyan. Tumakbo siya papasok sa loob ng bahay nila ay naabotan ang kapatid na tumatakbo patungo sa silid nito.

"Hali ka dito Joshua, susuntukin talaga kita na hayop ka. Ahhh... nakakainis ka, ginawa mo ako tanga." Galit na galit na pinukpok niya ang pintuan ng kapatid niya habang ito ay tawa ng tawa sa loob.

"Welcome home ate. Sleep well." Halos mangalaiti siya sa galit na tinuran ng kapatid niya.

"Aba't. Ahhhhhhh" sigaw niya sa sobrang inis sa kapatid niya. "Ano ginawa mo sa cellphone ko? Bakit iba na ang time dito? Sabi mo may isesend ka lang na files, bakit pinakakialam mo ako?"

Tumakbo siya sa silid at nakita na pareho ang oras doon sa cellphone niya. Naiinis na tinapon niya ang bag sa kama. Napaisip siya bigla ng pangresback sa kapatid.

Humanda ka sa akin na damulag ka!

Lumabas siya  sa silid at nagtungo sa sampayan ng damit nila sa ikalawang palapag ng bahay. Napangisi siya ng makita ang mga damit nito, umupo siya at inumpisahang tahiin ang neck line ng paborito nitong damit. Nang matapos niya na ay napangiti siyang bumalik sa loob ng silid niya at nahiga ulit ng mahimbing.

Natulogan siya at nagising sa sigaw sa labas ng silid niya. Nangisi siya at nagunat na para bang ang ganda ng pawelcome ng araw na iyon sa kanya. Pasayaw sayaw siya patungo sa pintuan na kanina pa kinakatok at sumisigaw ang kapatid niya sa labas.

Pagbukas na pahbukas niya pa lang ay sinalubong siya ng sobrang kalamig na tubig.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh........... " tili niya dahil sa pagkabigla sa pagbuhos sa kanya ni Joshua ng lamig na tinig.

"Ahahahahhaha.... Ahahahhaha.... " halos napaluha ito sa kakatawa sa kanya.

"Ano ba yan ate at kuya, kaaga aga nagaaway na namam kayo." Ani ng bunso nitong kapatid na si Neyney.

Walong taong gulang pa lang ito Neyney ang tawag nila dito dahil sa pangalan nitong Necollette. Maaga ito laging gumising para mag abang sa nagtitinda ng pandesal sa labas lang ng bahay nila. Nilapag nito ang dalang pandesal at kumain, hindi man lang sila ni Joshua tinawag.

Maya maya ay umiksena ang ina nila na papahikab pa at napapakamot sa ulo.

"Alam niyo kayong dalawa ang ingay niyo talaga."

"Siya ang nauna." Sabay na ani nila ni Joshua at nagturuan.

Inirapan niya ito at ganun din ang ginawa nito sa kanya. Napabuntong hininga na lang ang ina nila, at inayos ang mesa. Maya maya ay nagsilabasan ang iba nilang kapatid, inayos nila ang mesa at pagkain na niluto ng dalawa nilang kapatid na babae.

"Ate pwede ako maghingi ng allowance? May project kasi kami na gagawin." Ani ng ika-lima nila na kapatid.

"Hindi ba binigyan kita noong nakaraang araw pinadala ko iyon. Saan mo naman ginastos ang pera ha? Sandara?" Sandara tawag niya kahit Sandra ang totoo nitong pangalan huling taon niya ngayon sa kolehiyo dahio nagaaral maging guro. "Tigil tigil mo kasi ang pagmemeryenda mo ng pastel lagi. Puro pagkain sa isip mo."

HIS BRAT SERIES 3: KIER RELAN NAVARRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon