14

26 2 0
                                    

twitter: arakozmoz (formerly babaandpoti)


*TRIGGER WARNING*



I decided to cook this morning dahil maaga ako nagising, around 10am pa naman ang aking klase kaya naisipan kong magluto ng breakfast para hindi na ako magdrive thru papunta sa school.



I just cooked some fried rice and tocino para madaling maluto pagkatapos ay dinagdagan ko ito ng hard boiled egg at timimpla agad ang aking iced coffee.



Naka-off ang mga kasambahay namin kaya ako ang nagluluto ngayon. 


May narinig akong mga yapak galing sa hagdanan kaya agad kong tinapos ang aking paghahanda para batiin si daddy pero si tita Mira pala ang bumaba.



"Aba nandito na pala ang magaling na anak ni Edgar, akala mo hindi kita nakita kagabi? Marunong ka na palang lumanding bata ka!" akusa niya sa akin.



Ibig sabihin hindi pa siya tulog kagabi ng makauwi ako? 


Mas lalong lumala ang kaba sa aking dibdib, I don't want to trigger her today and as much as possible ay gusto ko ng umalis para hindi na siya magwala ulit.



"Kaibigan ko lang po iyon tita, naisipan po akong ihatid para daw po makatipid sa pamasahe." I calmly explained to her.


Yumuko pa ako ng bahagya para magbigay ng respeto tapos aybinigyan ko siya ng isang maliit na ngiti, maybe it might brighten up her day and maybe she might not hurt me... kahit ngayon lang.



"At sumasagot ka na ng pabalang ngayon?!" at agad na hinila ang aking kamay ng madiin.



Napangiwi ako sa sakit dahil sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin. Pakiramdam ko nga magkakapasa ako sa sobrang higpit eh.



Kinakaladkad niya ako papunta sa aming garden at halos mapaluha ako ng mas diinan niya ang pagkakahawak sa aking kamay to the point na nararamdaman ko na magkakapasa ako maya maya lamang.


It sucks to be a sensitive bitch huh? 


"wala kang karapatan sumaya! You family wrecker, pinilit kitang tanggapin sa putanginag pamilyang ito! Pero ito ang ibabayad mo sa akin?! Hayop ka! Mamamatay tao ka!" sabay sampal niya sa akin.



Buong buhay ko pinagbabayaran ko ang kasalanang nagawa ko, hindi pa ba sapat iyon? It still haunts me every night and I think I have to live with this nightmare for the rest of my life? Isn't that enough? Do I really need to experience hell for me to pay for my mistakes?

Mahiwaga, Pipiliin Ka (Araw Araw Duology #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon