27

120 8 7
                                    

twitter: arakozmoz (formerly babaandpoti)



Habang nakatitig ako sa kanila mula sa labas ng classroom ni Zath ay mayroon akong narinig na pagtikim kaya humarap ako para makita kung sino ang nasa aking likod.


"Attorney, Good A-afternoon po."nanlaki ang aking mga mata.


Tinaasan niya ako ng kilay.


"May I speak to you?" striktong tanong niya sa akin.


Napatango naman ako agad, looks like I'm in big trouble. Galene naman! Ano nanamang gianwa mo!?


"Sige po, okay lang po."






===




Kabado akong umupo sa harapan ni Attorney Salazar, nandito kami ngayon sa kanyang maliit na office. Isa din aksi siya sa mga stockholder ng Alfeana Univeristy kaya mabigyan siya ng sariling opisina niya. Walang nagsalita sa amin kaya napatikim siya, napatalon naman ako sa gulat.


"I believe you're Ace's friend or more than that?"


Hindi naman ako nakasagot dahil sa kaba na aking nararamdaman.


"I'm not trying to scare you, I'm basically asking you a question so I think you should answer me. Am I correct?"


Napalunok naman ako bago sumagot. "Yes, Attorney. Kaibigan ko po si Zath" pagkatapos ay napayuko ako sa kahihiyan.


Napaayos siya ng upo ng sumagot ako, napahinga naman ako ng malalim at hinanda ang aking sarili sa kanyang sasabihin.


"Did you know?" pagsisimula niya ng usapan


"alin po?" kabado kong tanong sa kanya.


"You made him live again, Ms." then she smiled.


Hindi yung ngiting nakakatakot, ito yung ngiting masaya at magaan.


"Ano pong ibig niyong sabihin?" she chuckled.


"Oh well, that boy learned to smile and laugh kahit corny pa ang jokes. He looks blooming and fresh kahit in demand ang course niya, you know iha I talked to him last Thursday and I asked him why he suddenly changed" pagkwekwento niya sa akin.


"Bakit daw po?"


"He said na may kakwentuhan special sa kanyang puso and everyday he gets inspired to study and just live in the moment. Sabi pa niya na mas matutunan niyang pahalagahan ang buhay and he said that its better to live in the moment than to regret at the end." madamdamin niyang kwento habang nakangiti.

Mahiwaga, Pipiliin Ka (Araw Araw Duology #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon