(A/N: The lyric video of the song is inserted here. Supposedly, yung official LV ilalagay ko kaso nage-error so credits to Mr. Suave Music for the lyric video used. Enjoy!)
Kabanata 2
Ramdam kong napakalapit na ng mukha namin sa isa't isa dahil sa paghinga niya. Nabalik lang ako sa ulirat nang imbis labi niya ay patak ng ulan ang dumampi sakin.
Ilang segundo kaming natigilan pero nang matauhan ay dali-dali ko siyang hinila papasok.
"Tara sa loob bilis. Baka lumakas pa yung ulan."
Para akong nakuryente nang maglapat ang mga palad namin kahit na ilang segundo lang 'yun.
"Upo ka muna. Kuha lang ako ng towel at extra T-shirt." sabi ko.
"Wag na. Sa bahay na ko magpapalit pag tumila na." pagtanggi niya.
"Sige na. Kasalanan ko naman bakit ka nabasa, e. Baka magkasakit ka, kargo de konsensya ko pa." depensa ko.
"Pero.."
Hindi ko na siya pinatapos at dumiretso na ko sa kwarto. Pagkasarado ng pinto ay halos matumba ako sa panghihina.
Muntik na ko dun.. Muntik na naman akong maniwala sa mga biro niya. Mahal? Tss. Mukha niya.
Binuksan ko na lang ang cabinet ko para kumuha ng towel at t-shirt niya saka ako lumabas.
"Oh, magpalit ka na. Magtitimpla lang ako ng kape."
"Salamat. Teka.. nasa'yo pa rin pala 'tong t-shirt ko? Natatandaan mo --"
"Ibinabalik ko na sa'yo. Di ko na rin naman na sinusuot. Sayang naman." I tried my best to sound cold habang nakatalikod at nagtitimpla ng kape.
I heard him sigh.
"Tama ka. Sabagay. Bakit mo pa nga naman susuotin kung nauna pang nawala yung taong nagbigay nito. Sige, palit lang ako."
Kasunod ng pagsarado ng pinto ay pagkirot ng puso ko sa mga salitang binitawan niya.
[FLASHBACK]
First year college kami unang nagkakilala. Siya yung tipong bad boy/snob ang datingan. Lagi niyang kasama yung anim nun. Si Kuya Mac ahead samin (2nd year siya). Kung may F4 ang Boys Over Flowers, sila naman ang F7 ng university namin. (Lol)
Naging magkakagrupo kami sa isang subject hanggang sa halos lahat na ng projects na "choose your own members" e sinasali nila ko. Instant secretary kumbaga.
BINABASA MO ANG
Isinulat ng Lapis
Teen FictionPaano kung ang "PAST" mo ay sikat na sa present? Handa ka ba sa nagbabalik? Handa ka bang muling masaktan at sumugal? O pipiliin mo na lang manatiling tahimik na tagahanga? A story of pursuing one's dreams and how it will affect other aspects of li...