Kabanata 3 : Kung San Ka Masaya

21 4 18
                                    

(A/N: I inserted the Official LV of the song "Kung San Ka Masaya" in this chapter. All credits belong to Bandang Lapis. I do not own the video. Playing it while reading is a must. It's a friendly suggestion. ^_^ )


KABANATA 3


Kinabukasan..

Nagising ako sa amoy ng kape at sinangag. Madalas ko 'yung maamoy nun tuwing maagang pumupunta si Lesther sa apartment para magluto ng agahan at sabay kaming kumain.


Ang aga-aga nananaginip ka, Kaye. Makapagluto na nga lang.


Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko siyang nakaupo sa harap ng lamesa.


"A..nong ginagawa mo dito?!"


"Good morning, Kay!.." nakangiti niyang bati. "..di na ko nakapagpaalam kasi baka maistorbo ka. Uuwi sana ko kagabi kaso naalala ko wala na kong susi ng apartment mo, kaya sa sala na ko natulog para magawa ko 'to.."


Tumayo siya at inatras ang upuan sa harap ko, sign na pinapaupo niya ko. Kahit naguguluhan, umupo na lang din ako.


Nilagyan niya ko ng sinangag, tuyo at itlog sa plato. Napansin kong may tasa na rin ng gatas sa tabi nun.


"Salamat. You didn't have to. Kaya ko naman." nahihiya kong sabi bago nagsimulang kumain.


We were in the middle of eating when he started speaking.


"Kagabi, narealize ko na hindi ko 'to maaayos kung puro salita lang ako kaya napagdesisyunan ko na simula ngayon I'll do everything to win you back. This time, gusto kitang pormal na ligawan."


Muntik na kong mabulunan sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. I took a sip of milk saka siya tiningnan.


"Ikaw ang bahala. Ikaw rin. Baka mapagod ka lang."

"Sa 'ting dalawa, wala ako sa posisyon para mapagod. Hanggang masanay ka na ulit na nandito ako.. hanggang maging parte na ulit ako ng araw-araw mo."


Bago pa ko masamid at tuluyang mabulunan ay tumayo na siya at kinuha ang helmet niya.


"Uuwi na muna ko para makapag ayos ka. Sunduin kita after an hour. May pupuntahan tayo."


Nataranta ako. Escape plan, Kaye.


"Wait, Les! Ahm.. may ano.. may appointment ako. Tama! ngayon 'yun, e."


"Nakausap ko na si Paige. Sabi niya every Saturday, you stay home all day. Weekend ritual mo daw. Tama?" nakangisi niyang tanong.


"At kelan pa kayo naging close, aber?" pagtataray ko kunwari.


"Kagabi lang. I'll go ahead. See you later, ALI!"


He smiled brightly at me before he closed the door. Just wow.


"Ay! I only have an hour. Bat kasi ang bilis? Alam naman niyang 2 hours prep time ko, e."


Isinulat ng LapisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon