EPILOGUE[Someone's POV]
"Susuportahan kita kung sa kanya ka masaya..."
"WE LOVE YOU BANDANG LAPIS!!"
Kasabay ng sigawan at palakpakan ay unti-unting paglapit ng distansya nilang dalawa.
Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya.
Walang bahid ng sakit o lungkot.
Ang liwanag ng paligid,
pero hindi dahil sa mga ilaw,
kung hindi dahil sa ngiti niya
na kahit kailan hindi ako ang magiging dahilan.
Isang successful na naman na performance para sa'min pero bakit may kirot akong nararamdaman?
Pinilit kong ngumiti habang pinagmamasdan siya at bumulong,
"Susuportahan kita... kung sa kanya ka masaya."
kahit na malabong marinig pa niya.
Kasabay ng pagdilim ng mga naglalakihang ilaw ay pagbitaw ko sa gitarang hawak ko..
na animo'y pagsuko sa labang alam kong ako ang talo.
Unti-unti akong humakbang..
Paalis..
Palayo.. sa mundo niya..
na kapiling siya.
The end.
BINABASA MO ANG
Isinulat ng Lapis
Teen FictionPaano kung ang "PAST" mo ay sikat na sa present? Handa ka ba sa nagbabalik? Handa ka bang muling masaktan at sumugal? O pipiliin mo na lang manatiling tahimik na tagahanga? A story of pursuing one's dreams and how it will affect other aspects of li...