kabanata 7

124 29 1
                                    


"Okay ka lang ba? Namumutla ka." Nag aalalang tanong ko kay Ashley na ngayon ay tulala na nakatingin sa pader ng classroom namin.

"Y-Yeah." Pilit na ngumiti ito kahit pa namamaga ang mata nito.

"Umiyak ka ba?" Tanong ni Clark dito ngunit hindi siya pinansin nito dahilan kung bakit napabuntong hininga si Clark sa harap namin pareho.

"Pag ako talaga nainis diyan sa tito mo makakatikim sa akin 'yan." Mayabang na sabi nito sabay pakita ng muscle niya na buto-buto naman.

"Tumigil ka nga diyan, alam mo naman na may pinagdadaanan yung tao nakuha mo pa mag biro." Pagsisita ko rito na ikinatigil nito.

Lumipas ang ilang oras ay na pag-isipan namin ni Clark na pag-usapan si Ashley habang wala ito sa Classroom, nag paalam kasi ito na mag re-restroom muna daw siya, nag alok naman ako na samahan siya ngunit tumanggi siya.

"Ano kayang ginawa ng tito niya sa kaniya?" Tanong ko kay Clark na ngayon ay busy sa pag subo ng cookies na baon niya.

"T-Tinatanong pa ba 'yan? Eh, alam mo naman na sa kaniya ang sisi kapag may nagawang kalokohan yung pinsan niyang ulupong." sabi nito sa akin habang may laman ang bibig niya.

Ano na naman ba kasi ginawa ni Zico?

"Sa tingin mo ano kaya ginawa na naman ng pinsan niya?" nagtatakang tanong ko rito habang nakapalumbaba.

"Pili ka sa choices."

"Ha?"

"A. Hindi umuwi ng bahay."

Eh?

"B. Nakipag-away."

"C. Nagparty kasama si Daniel."

"Or D. Lahat ng nabanggit." habol nito na ikinakunot ng noo ko.

Muli ko naalala yung huling araw na nakita ko si Daniel at Zico sa labas ng school. Ang pagkakatanda ko ay pinag-usapan nila yung about sa party nung araw na iyon...hindi kaya?

"C?" takang tanong ko kay Clark na ikinakabit balikat lamang nito.

Uwian na ng lapitan ako ni Ashley at inaya ako kumain sa labas ng school.

"Ayoko muna umuwi."

"Bakit?" tanong ko rito habang nainom ako ng ice coffee sa harapan nito.

"Tito is always shouting at me then tinatanong kung nasaan ang pinsan ko, you know Sia I'm tired...hindi naman ako yaya para batayan pinsan ko." naiiyak na sabi nito na ikinayakap ko rito ng mahigpit.

"A-Asan ba kasi pinsan mo?" Tanong ko rito na ikinailing nito.

"Hindi ko alam at wala akong balak alamin." Naiinis na sabi nito.

Wala namang mali kung magalit si Ashley sa pinsan nito, dahil nagiging makasarili na ito ni hindi nga pumasok sa isip niya na may naagrabiyado na siyang ibang tao.

"So...saan ka matutulog niyan?" Tanong ko dito na ikinalingon nito sa akin.

"Kung pwede sana sa inyo muna ako matulog." Sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

"S-Sa amin? Sigurado ka ba? Mahirap lang kami tsaka electricfan lang gamit namin sa bahay baka mainitan ka o---"

"I don't care Sia, as long as wala si tito sa paningin ko mas gugustuhin ko tumira sa ganon." Sabi nito.

Inaya ako nito umorder sa counter para daw sa ulam namin mamayang gabi, medyo nahihiya pa nga ako dahil ang dami nitong inorder.

"Nako, dapat hindi kana nag take-out pa may pagkain pa naman kami doon." Nahihiyang sabi ko rito habang bitbit-bitbit ang pinamili namin.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now