Epilogue

78 6 1
                                    

Paalala: Ang kabanata na ito ay naaayon lamang sa mga mambabasa na nasa labing walong gulang pataas.

R-18

Lumipas ang limang taon nakapag pakasal na kami ni Zico at nagkaroon na rin ng isang supling.

"Mama!" Tawag sa akin ng anak ko nang makita ako nito sa cottage na nag hahanda ng kakainin namin.

"Oh' baka madapa ka! Madulas dito." Nag-aalalang sambit ko dito ng tumakbo papunta sa akin.

Binuhat ko ito nang makalapit at kinurot ang pisngi. "Asan Papa mo?" Tanong ko dito. Sasagot na sana ito ngunit may sumingit dito at inunahan siya mag salita.

"Why? Miss mo na ako?" Tanong nito nang makalapit sa amin. Basang basa ang buhok at katawan nito. Mukhang nagbabad ito sa dagat.

"Tsk. Kumain kana, kanina pa kayo 'di kumakain." Naiinis na sabi ko dito na ikinatawa lamang nito.

Natapos sila kumain ng yayain ako ng anak namin na maligo sa dagat. Tinanggal ko naman agad ang suot ko na damit at tinira ang panloob na saplot ko.

"Mama you look beautiful po!" Nakangiting sabi sa akin ng anak ko nang makita nito ang suot ko.

Nginitian ko ito at napatingin sa gilid ko. Nakita ko ang asawa ko na tulalang kumakain ng pakwan habang nakatingin sa akin. Nilapitan ko ito at pinitik ang ilong.

"Sasama ka ba ha?" Tanong ko dito.

Pinikit-pikit nito ang mata nito bago tumingin sa akin. "M-Mamaya." Nauutal na sagot nito. Tumungo na lamang ako at iniwan siya doon.

Lumangoy kami ng lumangoy ni Angelo hanggang sa mapagod na kami kakalangoy. Saktong pag kaahon namin ng anak ko nakita ko kaagad sila Matt at Clark na kakarating lamang.

"Yow. Gelo!" Bati ni Clark sa anak ko nang makalapit kami dito. Nakipag apir ito dito habang si Matt naman ay nakatingin sa akin.

"Ganda..." Wika nito na ikinakunot ng noo ko.

"What?" Tanong ni Zico dito nang biglaan itong sumulpot sa likod ko.

"G-Ganda ng tanawin!" May takot na saad nito bago umiwas ng tingin. Nginitian ko na lamang ito at pagod na dumaretso sa cottage namin.

Sumunod naman sa akin ang asawa ko na ngayon ay mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa, dahil sa kilay nito na magkasalubong.

"Problema mo?" Tanong ko dito nang makaupo ito sa tabi ko.

"'Yang suot mo." May diin na sabi nito na ikinatingin ko sa suot ko. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko na wala naman problema sa kulay black na two piece na suot ko.

Problema nitO?

"Okay naman suot ko, ah! Problema mo?"

Ngumisi ito sa akin. "Wala akong problema, Sia. pero 'yang suot mo may problema."

"Bakit inaano ka ba ng suot ko?" Nakataas na kilay na tanong ko dito.

"You turning me on, Sia. Baka hindi ako makapag pigil at masundan natin si Angelo." Sabi nito bago ako iniwan mag-isa sa cottage na tulala.

Pauwi na kami sa bahay at hindi pa rin kami nagkikibuan ng asawa ko. Alam ko na nagseselos ito kay Matt kanina lalo na ng tabihan ako nito sa Cottage kanina, para sabayan kumain.

"Ma, I'm sleepy na po!" Sabi ng anak ko habang na hikab pa. Inaantok na ito nang lingunin ko ito sa passenger seat. Pumipikit na ang mata nito at onti na lang ay makakatulog na.

"You can sleep there if you want na 'nak. Malapit naman na tayo sa bahay." Malambing na sabi ko dito bago ito nakatulog.

Nakarating na kami sa bahay nang makita ko ang anak ko na binubuhat na ni Zico papasok ng kwarto nito. Kaya naman, dumaretso na lang ako sa kwarto namin ng asawa ko at naligo.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now