Kabanata 27

81 6 2
                                    


Paalala: ang kabanata na ito ay naaayon lamang sa mga mambabasa na nasa labing walong gulang pataas.

R-18

Uminom ako ng uminom ng wine habang ang lahat ay nagsasaya. Hindi ko alam kung bakit sumama pa ako na night party na 'to. Hindi naman ako nag e-enjoy.

"Kaya mo pa ba?" Tanong sa akin ni Daniel na ngayon ay nakaupo sa tabi ko.

"O-Oo!  Ako pa ba!" Mayabang na  sabi ko dito sabay agaw ng Cocktail na hawak nito. Tinungga ko 'yon at binalik ko sa kaniya. Medyo na weirdan ako sa lasa kaya naman uminom agad ako ng tubig.

"HAHAHHA! Ano lasa?" Tumatawang tanong sa akin nito habang natingin pa sa akin.

"P-Panget ng lasa! Ano ba 'yan? Bakal?" Tanong ko rito habang pinupunasan ang labi ko ng tissue dahil nalalasahan ko pa rin iyon.

"Hahahaha mawawala rin 'yan."

"Anyway, where's Zico? 'di ba mag kasama kayo kanina?" Tanong nito sa akin.

"Ewan ko, baka nandyan lang 'yon lumalandi." Walang ganang sabi ko dito habang sumisipsip ng lemon. Hindi na ito nag tanong pa sa akin at nag cellphone na lamang sa tabi ko.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang lalaking hinahanap nito. Nakikipag sayawan ito sa ibang babae habang hawak-hawak nito ang bote na alak na dala niya.

"Puntahan mo kaya." Bulong sa akin ni Daniel na ikina-ikot ng mata ko.

"B-Bakit ko pupuntahan ha? Sino ba siya!?" Mataray na sabi ko habang natungga ng wine bago pumunta ulit sa restroom dahil naiihi na naman ako.

Hilong-hilo ako nakapasok sa cubicle at napaupo sa sahig ng hindi ko namamalayan. Pakiramdam ko nga nakaubos ako ng tatlong bote ng alak sa sobrang pagkahilo ko.

Nakalabas naman ako ng ligtas sa restroom pero sadyang umipekto na sa akin yung alak, kaya hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko. Napadpad ako sa isang hotel room binuksan ko iyon gamit yung binigay na card sa akin ni Ashley ngunit ayaw nito gumana.

"Ano ba 'yan!?" naiinis na sabi ko habang pa ulit-ulit na nag ta-try doon.

"Miss." Narinig ko na tawag sa akin ng isang empleyado ng hotel na ito. Napalingon ako dito at nakita ko itong nakatayo sa gilid ko.

"Hindi po ata connected yung card niyo sa room na iyan." Sabi nito habang tinitignan ang card na hawak ko.

"Sa room 202 po kayo." Sabi nito naikinatungo ko naman.

"Sige, salamat."

"Gusto niyo po ba ihatid ko kayo?  M-Mukhang lasing na po kasi kayo, eh." Tanong nito.

Pumayag ako sa alok nito dahil nahihilo na talaga ako at hindi ko na kaya pa mag hanap ng room dito dahil naduduleng na talaga ako. Mabuti na lamang at dinala ako nito sa room ko at pinagbuksan pa ako ng pinto.

"Salamat ulit." Sabi ko dito na ikinangiti nito sa akin.

"Walang anuman po, ma'am. " Sagot nito bago ito umalis at ibinalik ang card ko.

Tahimik ako na nag lakad sa king bed size ng hotel room na ito at napa upo sa gilid nito. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko na masakit iyon. Medyo naiinitan din ako sa suot ko dahil sa ininom ko na cocktail kanina, kaya naman tinanggal ko ang suot ko at tinira ang panty at bra ko.

Habang tinatanggal ko ang suot ko hindi ko mapigilan ang mapatingin sa malaking bintana ng hotel room na ito. Nakakalula tumingin sa ibaba ng tanawin dahil masyado atang mataas ang floor ng room na ito.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now