Kabanata 5

142 34 2
                                    


Ilang araw na mahigit ng bantaan ako ni Ashley sa pinsan niya, simula nung matapos yung araw na 'yon ay madalas na si Clark na ang nakakasama ko, dahil hindi na masyado pumapasok si Ashley sa klase.

"Sabi ko naman sa iyo, sa una lang magaling yung babaeng 'yon e." sabi ni Clark habang naglalakad kami sa hallway, papunta kami ngayon sa cafeteria upang doon kumain.

"Gaano na ba kayo katagal mag kakilala?" tanong ko dito.

"Matagal na elementary pa lang kami, kaklase ko na 'yung babaeng yon." Sabi nito na ikinatungo-tungo ko.

Kung ganun pala ay matagal na talaga sila mag ka kilala ni Ashley, kaya pala ganun nalang sila mag bangayan sa harapan ko.

"Hey dude! Kamusta?" mabilis na napatigil ako sa pag lalakad ng may humintong gwapong lalaki sa harapan namin.

"I'm fine! I thought nasa states ka? Nakauwi kana pala hahaha." sabi ni Clark dito na ikinatawa rin ng lalaki na kausap nito, hindi ata ako nito napapansin dahil nasa likod ako ni Clark.

"Kakauwi ko lang kahapon, buti nga ikaw agad nakita ko e, nagugutom pa naman ako ngayon." sabi nung lalaki habang na hawak sa tyan nito na para bang nagugutom nga.

"Tsaka kana mag-aya pag may pang libre kana hahaha." natatawang sabi ni Clark na ikinatawa rin ng kausap nito, napatigil lamang ito ng mapansin ata ako nito sa likod ni Clark.

"Girlfriend mo?" Tanong nung lalaking kausap nito na ikinatawa lalo ni Clark.

"Gag*! Kaibigan ko 'yan, anyway si Sia nga pala kaklase namin ni Ashley." Pag papakilala sa akin ni Clark sa lalaking kausap nito, akala ko ay susungitan ako nito at hindi papansinin ngunit nag ka mali ako.

"She's pretty, anyway... Hi I'm Daniel." nakangiting sabi nito kasabay ng pag alok ng kamay nito para siguro sa shake hands, kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa na makipagkamay dito.

Mukha itong mabait base sa itsura nito, chinito ito at maporma dahil sa jacket na suot nito.

"So, tara saan tayo kakain?" Tanong ni Clark na ikinahiwalay ng kamay namin pareho.

"S-Starbucks?" Para ako nahiya bigla ng sabihin ni Daniel kung saan kami kakain.

"A-Ahh s-sige kayo nalang may g-gagawin pa pala ako." Sabi ko sa mga ito, upang sana ay makatakas.

"C'mon Sia, wag kana mahiya, libre naman ni Daniel, right dude?" tanong ni Clark dito na ikinatungo naman ni Daniel.

Nakarating kami sa starbucks ng makita ko kaagad si Zico na nag ce-cellphone kasama ang isang kaibigan nito.

"Pare!" Tawag ni Daniel dito na ikinalingon nito sa gawi namin, ngumisi ito dahilan kung bakit mabilis ko nalunok ang iniinom ko.

SyeT! Ang pOgi!

"It's nice to see you here, akala ko patay kana." Sabi nito kay Daniel na ikinatawa naman nito. Sa katunayan hindi ko makurap ang dalawang mata ko dahil sa sobrang lapit nito sa amin, naamoy ko pa nga ang hininga nito na amoy mint!

"Impossible 'yang sinasabi mo, ikaw dapat ang mauuna sa atin bago ako hahaha." Dahil sa nakatitig nga ako kay Zico nakalimutan ko na ubos na pala ang iniinom ko.

"Gusto mo pa ba? Bibili pa ak---" mabilis ako umiling kay Clark at sinabing wag na.

"Sure ka?" tanong nito na ikinatungo ko.

"Who's that? 1 day niyo?" Tanong ni Zico habang naturo sa akin, hindi ko magets kung ano ang sinabi nito, basta nakita ko na lamang si Clark na napa tiim ang bagang.

"Watch your words." Banta ni Clark dito na ikinakuno't ng noo ko.

"Pare, hindi...She is Sia friend ni Clark and Ashley." Pagpapaliwanag ni Daniel dito ngunit wala pa rin emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

Unloving you (Completed)Where stories live. Discover now