CHAPTER 21

24 8 2
                                    

Azthrea's Pov.

1 WEEK AFTER...

Mula noong nag-outing kami with our family and friends eh nag-iba na ang trato sa akin ng boyfriend kong si Bryce. He's not the old Bryce na nakilala ko.

Sa mga nagdaang araw eh hindi na siya ganoon ka sweet sa akin, hindi na niya ako dinadalaw sa aming bahay and also hindi na din niya ako sinusundo.

*Tok, tok, tok.

Nagmadali akong pinunasan ang mga kumawalang luha ko bago nagsalita.

"Come in," mahinahong saad ko kaya dahan-dahang bumukas ang pintuan dito sa aking silid na iniluwal si mom.

"Bakit hindi ka pa nakapagbihis baby? You're gonna be late. Hindi ka ba papasok? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mom sa akin na halata sa kanyang boses ang pag-aalala.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili mapahagulgol at mapayakap kay mom. Mom hug me back. Inilabas ko na ang mga nararamdaman kong sakit, mga tinitiis kong galit.

"Tahan na baby. I know you're in pain. About kay Bryce ba ito?" mahinahong tanong ni Mom sa aking habang hinihimas ang aking ulo.

Inalis ko ang aking ulo sa balikat ni mom tsaka ko siya hinarap na luhaan.

"Mom bakit siya nag-iba? Bakit hindi ko na ramdam yung pagmamahal niya na dati ay araw-araw niyang ipinaparamdam sa akin? Bakit niya ako sinasaktan ng ganito?" Paulit-ulit na tanong ko kay Mom. Hindi na mapigil ang mga luhang pumapatak, kita ko din sa mga mata ni mom na pati siya ay napapaluha na din.

"Tahan na anak," pilit na pagpapatigil sa akin ni Mom.

"Mas mabuti siguro kung magbihis kana at pumasok ka para makapag-usap kayong dalawa ng maayos. Hindi niyo maayos ang problema niyo if wala kayong ginagawa anak," Mom said. Siguro tama si mom, lulunokin ko na lamang ang pride ko para magkaayos kami at para maliwanagan na din ako kung bakit hindi niya ako kinikibo.

*****
Andito na ako ngayon sa school. Parang kinakabahan ako na ewan ngayon. Para bang may hindi magandang mangyayari.

Habang nandito pa ako sa loob ng aking sasakyan ay natanaw ko na ang sasakyan ni Bryce na paparating na kaya naman inayos ko na ang aking sarili tsaka nagmadaling lumabas sa aking kotse.

Hinintay ko pa ng ilang segundo si Bryce bago siya tuluyang makalabas sa kanyang sasakyan. Lalapitan ko na sana siya para yakapin pero hindi ko ito natuloy. May lumabas na babae sa kanyang sasakyan at bahagyang hinalikan si Bryce sa kanyang labi. Bigla na lamang nagsiunahang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala.

Bakit ganito? Sa harap ko pa talaga sila naglalandian. Bakit niya ako niloko?

"B---ryce," Nauutal na saad ko sa kanya habang luhaan ang aking mga mata. Ibinaling niya ang tingin niya sa'kin na tila ba inaasahan niya ang aking pagdating.

"Azthrea, what are you doing here?" masiglang tanong niya.

Bakit siya nagkakaganito? Bakit ako nasasaktan ng sobra? Bakit niya ako pingpalit? Sunod-sunod na ang pagbagsak ng mga luha ko dahil sa sakit na aking nararamdaman. Parang tinutusok ng isang libong basag na bote ang aking puso.

"Bryce are you kidding me? If yes please stop. You're hurting me too much," Humahagulgol na sabi ko sa kanya.

"I'm not kidding you Azthrea. She's my new girl. I love her so much so please move on," maangas na saad niya. Bakit ganon kadali para sa kanya na bitawan ako? Anong mali sa akin? Bakit ang bilis niya akong sinukuan. Hindi ko siya maintindihan, sabi niya mahal niya ako ngunit bakit niya ako dinudurog ngayon?

"Ganoon na lang ba kadali para sayo na bitawan ang mga ipinangako mo sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya habang patuloy parin ang mga mata ko sa pagluha.

"Sorry Azthrea. I wanna love you too but i don't know if i can," sagot niya. Parang sinaksak ako sa katotohanan na walang magmamahal sa akin. Parang tinusok ng isang libong karayom ang aking puso dahil sa mga narinig ko mula kay Bryce. Hindi ko inasahan na hahantong pala kami sa ganitong pangyayari. Kung alam ko lang, sana noong una pa lamang hindi na ako naniwala.

"NO ONE WILL EVER UNDERSTAND HOW MUCH IT HURTS."

Kahit pala gaano mo kamahal yung isang tao kung hindi ka niya kayang mahalin pabalik, talo ka parin.


TO BE CONTINUED...



Ano kaya ang mangyayari sa love story ng dalawa?

Abangan po sa susunod na chapter.

Don't forget to vote. You can also share this story to inspire other readers. Thank you!

My First Love Is My First Heart Break (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon