Chapter 13

68 44 9
                                    

Azethea's Pov.

Sunday ngayon at maaga akong nagising dahil niyaya ako ni Zylix na magsimba. So narinig ko ng tumunog ang alarm clock ko na nagsasaad na 5:30 na ng umaga and 7:30 susunduin na ako ni Zylix dito sa bahay.

Hmm, about pala sa amin? Well, hindi ko pa siya sinasagot. Plano ko sana siyang sagotin ngayon kase matagal na din siyang nanliligaw sa akin and nakikita at nararamdaman ko naman na sincere siya sa akin. Pinakilala na nga din niya ako sa buong family niya, sabagay matagal na nila akong kilala kasi kaibigan ko si Azthrea ang kapatid niya pero iba kasi ang naramdaman ko noong pinakilala niya ako bilang nililigawan niya.

So bumangon na ako. As usual umupo muna ako para makapagdasal and makahingi ng pasasalamat sa panibagong araw at buhay.

"Papa God, thank you dahil panibagong araw at buhay na naman ang dumating. Sana po ay lagi mong gabayan ang mga taong mahalaga sa akin. Huwag mo po sana kaming ilagay sa kapahamakan. Patawarin mo po kami sa mga kasalanang nagawa namin, salamat din po sa mga biyayang natatanggap namin sa inyo, Amen." 'Yan ang mga katagang lumabas sa aking bibig, mga katagang lagi kong binabanggit o sinasabi sa panginoon na hindi ko pagsasawaang sambitin.

So iniligpit ko na muna ang higaan ko tsaka na ako nagtungo sa banyo para makaligo. Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako ng banyo, alangan naman kasing magstay ako doon 'di ba? Hahaha joke! So bihis dito, bihis doon gano'n. Suklay, polbo and "done" Sigaw ko sa huling sinabi ko.

Anong suot ko ngayon? Simpleng dress and wedge then nakalugay ang hair ko.

Pagkababa ko ay nadatnan kong nagkukwentuhan sa baba sina mom and Zylix. Anong oras na ba? Gano'n na lang ba ako kabagal magbihis?

"Hmm... Anak nandiyan kana pala, kanina ka pa inaantay nitong si Zylix," Mom said. Ang bagal ko pala.

"Hmm... Sorry kung natagalan ako," I said habang nakayuko.

"So ready kana? Tara na?" Zylix asked. Nagpaalam na muna kami kay Mom bago kami lumabas ng bahay namin.

Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay hindi ako mapakali, bigla akong nakaramdam ng kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sana walang masamang mangyari sa amin. Sana iba ang iniisip ko. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata upang mabawasan sana ang kabang nararamdaman ko ngunit napamulat ako ng biglang huminto ang sasakyan namin ni Zylix.

May isang van na humarang sa kotse ni Zylix, nagsibabaan ang mga lalaking nakaitim at nakamaskara na siyang mas lalong nagpakabog ng malakas sa aking dibdib. Binuksan ng isang lalaki ang driver seat tsaka nila hinawakan si Zylix at hinila palabas. Namuo na ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon. Huminga ako ng malalim upang sana makasigaw at makatawag ng tulong ngunit huli na ang lahat, tinakpan na ng isang lalaki ang ilong at bibig ko tsaka niya ako binuhat papunta sa sasakyan nilang van "Zylix" huling katagang binitawan ko bago ako mawalan ng malay.

*****
Pagmulat ko sa aking mga mata ay hindi pa rin mawala sa akin ang takot na nadarama ko ngayon. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso ng mapansin kong walang ibang tao dito at binalot ang buong paligid ng katahimikan at dilim. Linakasan ko ang loob ko upang makaalis na sana dito sa lugar na ito ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay bumukas na ang mga ilaw.

Sa harapan ko ay nakita ko si Zylix na nakaupo na at sa ngayon ay nakatali na ang kanyang mga kamay, kita ko sa mga mata niya ang awa. Tinignan ko ang isang lalaking nakahawak kay Zylix at parang familiar siya sa akin. Akmang tatakbo na sana ako papunta kay Zylix upang yakapin siya ngunit bigo ako dahil biglang namatay ang mga ilang at kasabay nun ang malakas na putok.

Napahagulgol na lamang ako. Nasasaktan na ako sa mga nangyayari ngayon, ayokong nasasaktan ang taong mahal ko. Ayoko! Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Siya lang ang lalaking laging nagpapasaya sa akin.

Napatigil ako sa pag-iyak ng muling nagbukas ang mga ilaw. Si Zylix, nakahandusay na sa aking harapan. Parang tinusok ng sampong karayom ang aking puso. Hindi, hindi ito maaari. Nanginginig ang mga paa kong napaluhod sa kinaroroonan niya, habang umiiyak ay napayakap na lamang ako sa kanya ng mahigpit.

Naagaw ng paningin ko ay isang lalaking sumulpot. Si Bryce, napakunot ang noo ko dahil siya ang may hawak sa baril na kanina lamang ay nakatutok kay Zylix.

Akmang tatayo na ako upang harapin si Bryce ngunit mas lalo pa akong nagulat ng nagsilabasan pa ang ibang kaibigan niya kasama na din ang mga kaibigan ko at mga magulang namin ni Zylix. Ibinaling ko ang tingin kay Zylix na kanina ay nakahandusay lang, nakaluhod na siya ngayon habang may hawak hawak na singsing. Hindi ko na nagawang magsalita kundi niyakap ko na lamang siya ng napakahigpit.

"Ano bang kalokohan ito? Akala ko pa naman mawawala kana sa akin," naiiyak na saad ko kay Zylix habang pinagpapalo ko sya gamit ang kamay ko.

"No! Bakit naman ako mawawala sayo? Ang galing ko umarte 'di ba? Napangiwala ka namin," natatawang sambit niya.

"Kayo din po tita,tito,mom, and dad? Kasabwat po kayo?" I asked to them. Tumango lang sila habang nakangiti

"Sorry baby. Kaya nga sinabi ko kanina na matagal ka ng inaantay ni Zylix para naman makapagbihis na kami," paliwanag ni Mom sa akin.

"Hindi mo man lang pinansin ang pagluhod ko sa harapan mo Ms. Heal pero kukunin ko ang atensiyon ng lahat ngayon, alam kong natakot at napaiyak ka namin ngunit isa lamang ang gusto kong itanong sayo. Can you be my girlfriend Azethea Ivette Heal?" Hindi muna ako sumagot sa kanyang sinabi, yumakap muli ako sa kanya. "Yes Zylix. It's a yes," sambit ko habang yakap yakap ko siya ngunit napalakas ata ang sinabi ko.

Napahiyaw ang mga kaibigan namin habang nagpapalakpakan.  Bumitaw ako sa pagkakayakap tsaka tumakbo palapit kina mom and dad. I hug them tight.

Ibinaling ko naman ang tingin sa mga magulang nina Zylix at Azthea at bahagya akong ngumiti.

"From now on Mom and Dad na din ang itawag mo sa amin," sabi ng Dad nina Zylix and Azthea kaya hindi na ako nag-alinlangan pang yumakap sa kanila dahil sa sobrang saya.

Bumalik ako sa pwesto ni Zylix at muli siyang niyakap, he hug me back then suddenly he kissed my forehead.

Akala ko totoo 'yong hawak ni Bryce kanina na baril, laruan lang pala.

Wala na akong ibang mahihiling pa dahil tanggap ako ng pamilya nina Zylix and Azthrea.

A very special day for me.

My First Love Is My First Heart Break (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon