Chapter 36

8 2 0
                                    

Zylix's Pov.

Kinakabahan na kaming lahat dahil wala pa ang kapatid ko. Nabanggit sa akin ni Mom na makikipagkita daw siya sa mga kaibigan niya, dahil 'yon daw ang sinabi niya kaninang umalis siya ngunit ang sabi naman ng mga kaibigan niya ay hindi daw siya sumulpot sa usapan. I'm trying to contact her pero nakapatay ang phone niya.

"Zy, ano na anak? Hindi pa ba siya sumasagot sa mga tawag mo?" Natataranta na si Mom dahil sa sobrang pag-aalala, pabalik-balik siya sa paglalakad. Hindi siya mapakali kahihintay kay Azthrea.

Nandito na kaming lahat, si Bryce at Azthrea na lang ang wala dito.

"Teka, wala si Azthrea at wala din si Bryce. Hindi k-kaya magkasama 'yong dalawa?"

"Azthea, alam mo naman na hindi gagabihin ng ganito si Azthrea right? At kapag ginagabi siya ng uwi ay lagi naman siyang nagte-text o tumatawag," sagot ko. Natataranta na din ako dahil ngayon lang ito nangyari.

"What are we waiting for? Why don't we find them?" Wika ni Arc. Sumang-ayon kami sa kanyang sinabi at walang oras na sinayang.

"Mom, stay here. Dad samahan niyo na lang po si Mom, kami na lang po ang bahala."

"I want t-"

"Dad please, kaya na namin ito." Tumango ito bilang kanyang pagsang-ayon. "Azthea," baling ko sa babaeng minamahal ko.

"Yes, hon?"

"Samahan mo muna sina Mom dito. Isarado mo lahat hanggat hindi pa kami nakakabalik, make sure na hindi kayo magpapapasok ng ibang tao dito dahil hindi na maganda ang kutob ko." Aaminin kong iba na ang nararamdaman ko, parang hindi na maganda ito.

"Wait, sasama kami kuya Zy. We want to see our best friend."

"Girls, masyadong mapanganib ang ganitong sitwasyon. Mas mabuting dito na lang muna kayo, kapag hindi pa kami dumating sa loob ng dalawa o tatlong oras ay tumawag na kayo ng pulis."

"May idea ba kayo kung saan pwedeng pumunta si Azthrea?" Bahagya pa silang nag-isip-isip. Hindi ko kasi kabesado kung saan pumupunta ang kapatid ko.

"If I'm not mistaken, sa isang coffee shop sa Mc Sheldie. Doon siya tumatambay sa tuwing gusto niyang mapag-isa." Seriously? Pumupunta ang kapatid ko doon? And take note, na siyang mag-isa pa? What's going on with my lil sister? Delekado sa lugar na iyon.

"Sa lumang coffee shop?"

"Eh, 'di ba delekado doon?" Hindi ko na pinansin si Arc. Lumabas na ako kaya sumunod na rin silang dalawa sa akin.

Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay may isang pamilyar na kotse sa gilid ng kalsada. Wait, that car is for my sister. Bakit nandito?

"Hindi ba 'yan ang kotse ni Azthrea?"

"Oo, ihinto mo." Inihinto niya ito sa katapat na sasakyan at dali-dali akong bumaba, gano'n din sila.

"Azthrea!" I thought she's here but I'm wrong. Binuksan ko ang sasakyan at nandito pa ang phone niya. Nandito ang mga gamit niya, pero siya? Wala.

"Tignan niyo sa paligid baka nandito lang siya," utos ko sa kanila.

"Azthrea! Lil sis, nasaan kana ba?" Sigaw ko na halos mangiyak-iyak na ako sa sobrang pag-aalala ko sa kanya.

"Hindi na maganda ito, look." Tumingin kami ni Arc kay Krystan na may hawak na isang bonet.

"Shit!"

"Bakit ngayong kailangan natin si Bryce ay wala siya?" bulyaw ko. Hindi naman sa nagdududa ako ngunit iba na ang nararamdaman ko.

"Kanina ko pa nga siya tinatawagan pero out of coverage area," wika ng pinsan niya.

"Malaman laman ko lang na may alam siya sa nangyayari ngayon, pasensiyahan na lang." Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nabitawan ko ang katagang iyon.

"Pre, relax. Hindi magagawa ni Bryce 'yon sa kapatid mo, girlfriend niya si Azthrea."

"Hindi tayo nakakasiguro, hindi ba kayo nagtataka?" Nagkatinginan silang dalawa at hindi na muling sumagot. Sumakay na kami sa sasakyan, hawak-hawak ko ang phone ng kapatid ko. Iniwan namin ang sasakyan niya dahil wala ang susi nito.

"Saan tayo pupunta?"

"Puntahan natin si Bryce, sa bahay nila." Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko sila nakikita pareho. Sana walang masamang mangyari sa kapatid ko.

*****
"Nandito po ba si Bryce?" Tanong ko sa Mommy nito.

"Hmm... Kaaalis lang niya, may kakausapin daw siyang kaibigan niya." Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa sinabi ng Mom niya. Ang weird naman ng ganito, bakit ngayon pa siya wala.

"Kaibigan? Maliban sa aming dalawa, wala na akong alam na iba niyang kaibigan tita kasi po hindi naman siya mahilig makihalubilo ' di ba?" Dahil sa naging sagot ni Arc ay mas lalo akong nakaramdam ng kaba at inis.

"I see, but that's what he said." Nagpaalam na kami dahil wala ng oras. Kailangan naming maghanap, hindi ako titigil hanggat hindi ko kasamang umuwi ang kapatid ko. Azthrea is the best thing in the world. She's like my second Mom, the only difference is that they grow along with me. Having a sister like her means I have a friend for life. Of course, she might be weird and troublesome at times. However, she's the only ones who care about me, and will always be there for you, no matter what the circumstance is. My sister inspires me, she drives me crazy and motivates me when I'm down. She is the one who knows me from the inside as well as the outside. She knows all my darkest secrets, yet love me for who I am. Now, I miss my sister so much. Azthrea, where are you?

"Ipinagpalit na yata kayo ng kaibigan niyo," wika ko saka bahagyang natawa.

"I guess, wala ng ibang kaibigan 'yon. Hindi naman siya lumaki dito kaya hindi siya nakikipaghalubilo sa iba." Ipinaglalaban pa rin ni Arc na walang kaibigan dito si Bryce maliban sa kanila.

"Eh, 'yon ang sabi ng Mom niya."

"Hanapin na lang natin sila. Kapag hindi pa natin nahanap si Angel sa loob ng isang oras, kailangan na nating tumawag ng pulis."

"So, saan tayo maghahanap?" Tanong ko sa kanila.

"I don't think so pero puntahan na natin lahat ng alam niyong pwedeng puntahan ni Angel," sabi ni Krystan.

My First Love Is My First Heart Break (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon