Libro

0 0 0
                                    

Mag aral ka sabi ng magulang ko
Mag basa ka dahil yan ay para sayo
Ngunit masaya ba ako
Sa mga hawak kong libro

Akala ko nung una mahirap
Akala ko di ko kayang magsikap
Akala ko dahil sa libro kaya ako naghihirap
Ngunit ako pala ang pahirap

Sa mga taon na nagdaan
Na libro lang ang nasisilayan
Humusay ang aking kakayahan
Libro at pag intinti ang daan

Daan para sa kinabukasan
Libro ang naging kasiyahan
Libro din ang naging libangan
Sa libro ako nag karoon ng kadunungan

Na kahit sino man
Walang makaka agaw ng aking nalalaman
Sapagkat ito ang tunay na kayamanan
Kaya makinig sa mga payo ng ating magulang

______
Thanks for reading

Darknessryl

POEMS (english.tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon