Nakaraan

0 0 0
                                    

Naisin ko mang balikan ang nakaraan
Kung saan mas marami akong natututunan
Sa loob ng paaralang aking kinalakihan
At aking kinagisnan

Mahirap nang balikan
Sapagkat may sakit na pwede kang hawaan
Na sa isang pagkakamali maraming masasaktan
At maraming matang luluha at masasaktan

Dahil sa pandemyang ito
Hirap ang studyanteng matuto
Hirap sa proseso ang mga maestro
O ang mga guro ko

Paano ito nakakaapekto
Sa mga studyanteng tulad ko?
Ako ang studyante at guro
Sapagkat sarili ko ang mag proproseso

Pag walang ilaw sa bayan
Diko matatapos ang modules na sasagutan
Lalo na at malapit ang pasahan
Pahirapan pa sa sakayan

Pahirapan maghanap ng signal
Para sa pag aaral
Modules man ay mahirap
Patuloy magsusumikap

At ako'y magtatapos kahit hikapos
At wala nang pang gastos
Patuloy lang para sa diplomang ito
Dahil ito lang ang paraan para makatulong ako.

______
Thanks for reading

Darknessryl 💎

POEMS (english.tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon