Pagod Pero Mahal Kita

0 0 0
                                    

Sobra nakong nasasaktan
Sobra nakong nahihirapan
Gusto ko nalang kunin ako ni kamatayan
Pero bakit parang wala lang?

Mahal kita totoo yan
Pero sa puso mo wala ako jan
Kundi ang yung taong matagal ka nang iniwan
Mahal mo yung taong sinaktan ka lang

Minsan akoy naguguluhan
Ngunit ikaw lang ang mahal kasintahan
Saglit ano nga ulit? Kasintahan?
Naalala ko wala palang tayo kasintahan pa?

Hindi ba pwedeng ako naman
Di ba pwede ako na lang?
Di ba pwedeng sakin kana lang
Di ba pwedeng siya ay kalimutan na lang?

Nangakong ako'y maghihintay sayo
Ngunit puso'y nadudurog ng pino
Sapagkat kahit maghintay sayo
Sa pagbalik mo siya parin ang gusto mo

Ipagpasensya kung ako'y bibitaw na
Gusto ko na kasing magpahinga
Gusto ko namang sarili ang iuna
Kaya sana tama na kasi pagod nako sinta

Pagod nakong mangulit sayo
Pagod nakong habul habulin ang tulad mo
Pagod nako suko nako
Pero ikaw lang ang mahal ko

Maraming nagsasabing tanga daw ako
Bat ba daw di ako bibitaw sayo
Bat itatali ko sarili ko sa taong iba naman ang gusto
Syempre mahal kita kahit walang tayo.

______
Thanks for reading

Darknessryl 💎

POEMS (english.tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon