Chapter 1 Hopeless

62 1 0
                                    

Nasa library ako ng school ngayon. Tapos na ang klase ko pero nandito parin ako. Gumagawa ako ng assignment.

Assignment ng iba. Assignment ng mga higher years. Assignment ng mga tamad na estudyante na ayaw gumawa ng homework. Assignment ng-----

" Sam bukas yung project ko ha? Thanks!" Si gil.

Nakalimutan kong sabihin. Taga gawa din ako ng project. In short taga- gawa ako ng school work ng mga tamad na estudyante ng Hemsshire University PERIOD!

Tinaguan ko lang siya at umalis na sya agad. Hayy kung di ko lang to kailangan, hindi ko gagawin ito e. Bakit kase lumaki akong mahirap? =.=

Sideline ko ang paggawa ng assignment at project ng mga students dito. Sideline, which means meron pakong ibang trabaho. Waitress sa gabi. Baby sitter sa umaga at taga gawa ng assignment ng mga kumag nga na to.

Minsan nga nagtataka na ang mga classmate ko, kung paano ko pa daw nagagawang maging deans lister, parang wala na daw akong oras pa na magaral para sa sarili ko. Duh! As if they care no! Alam ko naman na kaya nila ako kinakaibigan ay dahil sa ginagawan ko sila ng pabor!

tss mga plastic yan ang laging nasa isip ko tuwing sinasabihan nila ako ng ganun.

Sa totoo lang wala akong kaibigan. Mahirap lang ako na napasok sa school ng mayayaman ng dahil sa SCHOLARSHIP! Oh diba? Pero sa lahat ng Scholarship ito yung scholarship na hindi namimigay ng allowance weekly kaya tuloy kailangan ko pang magtrabaho ng bongga para may pambaon at pambayad sa upa ng bahay.

" AYY SHET!!" napasigaw ako ng maalala ko ang pambayad sa upa. hindi pa nga pala ako nagbabayad! At baka palayasin na ako ng land lady ko!

Natigilan ako sa pagiisip kase napansin kong nakatingin na sa akin ang lahat. At sabay sabay na nag "SSSSHHHHH"

Nagpeace sign ako sabay sabi ng " SORRY" at tinuloy ko na ang paggawa ng assigment ng mga tamad na estudyante.

Pagkatapos na pagkatapos kong gawin ang katambak kong trabaho dali dali akong umalis ng library at nag diretso sa apartment ko.

.

.

.

Laking gulat ko ng makita ko ang mga gamit ko na nasa labas na ng apartment ko. WAAAAAAAAAAAAAH! NO!!!!!

" Aling linda!" Napatingin naman sa akin ang masungit na matandang dalaga

" O tamang tama ang pagdating mo sam. Ready na ang mga gamit mo pwede ka ng lumayas dito." sabi niya ng nakataas ang kilay.

" Aling linda naman pagusapan natin to. Bigyan mopa ako ng 3 araw hindi pa lang ako nagssweldo oh."

" Tigilan mo akong bata ka! Alam mo naman siguro yung policy ko diba? No pay, No Bed. Kaya hala sige LAYAAAAS!!!"

Tinulak tulak pa niya ako na parang palaboy.

" Aling linda naman o. Tatlong araw. Wala akong tutuluyan mamayang gabi" lumuhod pa ako sa harapan niya pero tinulak niya lang ako. Pinagtitinginan na kame ng mga tao na nagdadaan. At nakikita kopa silang nagbubulungan. Nakakahiya na. Naiiyak na ako!

" May mga uupa na ng bahay na to bukas kaya maghanap ka na ng bago mong malilipatan." Malamig na sabi niya at talagang umalis na.

Naiwan ako sa gitna ng daan na nakaluhod at naiiyak. Nakakaawa ang itsura ko ngayon.

Tumayo na ako at sinimulan ko ng pulutin ang mga gamit ko na nagkalat sa daan. Hindi ko maiwang umiyak dahil sa sobrang hirap ng sinasapit ko. Bakit ba lagi nalang akong pinapalayas. Una ng mga kinilala kong magulang. Ngayon naman sa apartment ko.

Naglakad nako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Wala parin tigil sa pagtulo ng luha ang mga mata ko. At kapag minamalas ka nga naman. Umulan pa ng ubod ng lakas. Napahagulgol nalang ako sa sobrang sama at sakit na nararamdaman ko! Napaupo nalang ako. I'm hopeless. Wala na hindi ko na maibabangon ang sarili ko.

" Nasaan naba? *sniff* *sniff* Nasaan naba ang tunay kong mga magulang? O kung may magulang pa ako!" Sigaw ko na ubod ng lakas!

Nagulat ako ng may sumigaw sa may kung saan.

" Hoy! Kung ayaw mong matulog magpatulog ka!" Sabay bato ng hindi ko alam kung ano yun sapul ako sa ulo. Kaya naging malabo na ang lahat at nawalan na ako ng malay.

-

-

-

A/n

Hey guys! This is just the first part of my true story. kaya short story lang ito. Hindi ko pa alam kung ilang chapters to pero for sure konti lang talaga so guys. Enjoy reading. :))))

THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon