Chapter 8 DNA test

18 0 0
                                    

Mabilis akong naka recover mula sa aksidente. Hindi naman ako nagtagal sa ospital dahil hindi naman daw malala ang nangyare sa akin. Nakatira ako ngayon sa bahay nila Greg.

Hindi daw mapapalagay si tita Alison kapag umalis pa ako sa puder nila. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay para naman hindi masyadong nakakahiya sa kanila. Gusto ko sanang magtrabaho kaya lang hindi nila ako pinayagan. =.=

Natigil ako sa pagmumuni muni ng may kumatok.

" pasok" bumukas ang pinto at niluwa noon si Greg.

"Let's go? You dont want to be late dont you?" ngisi niya. alam niya kasi kung gaano ko gusto matapos sa pagaaral kaya nangaasar siya. 

Siya kasi nagaaral lang out of curiosity. Mayaman nga naman.

" eto na po" tumayo nako, kinuha ang mga gamit ko at sumabay na sa kanya palabas.

"  you're sad again. Magsmile ka nga mas bagay yun sayo." tiningala ko siya at nakangiti siya sa akin.

I smiled to him kahit alam ko na hindi din naman yun totoo.  I heard him sigh.

Lumabas na kami ng bahay at agad na sumakay sa kotse niya. Hindi kame nagkikibuan. tahimik lang siya. Sobrang tahimik. He didnt bother to speak naramdaman siguro niya na gusto ko lang ng tahimik na biyahe.

Nakapasok na kame sa school at naghahanap na siya ng parking space. Mejo late na din kaya nahirapan kame sa paghahanap. Paikot ikot siya. At napapamura sa tuwing wala siyang makikita. Nakakatuwa siyang Tignan dahil ang cute niyang magmura hahah. Wala ng choice kung hindi yung dulong parking lot na ang napuntahan namin at madami pang space doon.

" Finally! Damn!" napahagikgik ako sa sigaw niya. Tumingin naman siya sa akin at binigyan ako ng What's- your-problem look. Umiling lang ako at pinigilan ang pag ngiti. Pinark niya ng maayos ang sasakyan. Napatingin kaming dalawa sa lalaking palapit na may seryosong mukha.

Shit!!!

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng mamukhaan ko ang lalaki. 

" Anong ginagawa niya dito?" si Greg na nakatingin din sa kanya. Bumaba si Greg at sinalubong siya.

Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan habang sila ay naguusap sa labas mukhang seryoso. Pagkatapos ng limang minuto ay lumabas na din ako baka malate pa ako sa first subject ko. Napatingin silang dalawa sa akin.

Kumunot ang noo nung lalaki ng dumapo sa akin ang paningin niya. Kaya agad akong nagiwas ng tingin.

" Ah G-greg. Una nako kita nalang tayo mamaya." 

" Samantha wait. Sabay na tayo." napatigil ako hindi dahil sa sinabi ni Greg. Kung hindi sa dahil sa pagsambit nung lalaking kausap ni Greg sa pangalan ko.

" Samantha?" -sya.

" You know her?" tanong ni Greg. Tila nagisip pa siya bago sumagot.

" no." at ibinalik na niya ang tingin kay Greg.

Alam ko na malamang sa malamang ay hindi na nia ako kilala. Pero bakit parang sumakit yung puso ko nung sinabi niya yun.

Hinintay ko si Greg.

Nagusap pa sila ng kaunti bago ko narinig ang pag andar ng kotse at naramdaman ko na nasa tabi ko na si Greg.

"Lets go?" Tanong niya.

Tumango lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Samantha?

Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang pagsambit niya ng pangalan ko.

THE LOST PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon