Pagkapasok ko sa mansion ay agad kong narinig ang usapan nila. Shit! Tama pala ako! Sila nga ang may ari ng sasakyan sa labas! At ano daw? Si ate Cynthia daw si Princess Samantha? That cant be! Ako yon e!
“ Madam elizabeth siya po talaga si Princess Samantha Santos.” –si mama na tinuturo pa si ate na nakaupo at! What the hell! Ang bait ng itsura!
“ hindi pwede yon dahil may personal maid ako na ganun ang pangalan!” –ma’am Elizabeth
“ opo napagalaman nga po namin iyan pero impostor po siya! Mapagsamantalang bata po iyon. Cynthia Reign po talaga ang pangalan niya. Narinig po niya kaming naguusap noon tungkol sa akin at sa buhay na dapat para sa akin. Kaya po umalis siya sa amin. Bago siya umalis ay nagnakaw muna siya ng malaking salapi sa kinalakihan naming magulang at ng maubos na ito ay dito po siya pumunta sa inyo para makakuha ng pera! Hindi na siya nakonsensya! Gusto pa niyang agawin ang buhay na dapat ay para sa akin!”- si ate Cynthia na kunwari ay maiiyak siya!
Hindi! Hindi! Sinunggaling sila! Hindi ako ganun! Lumabas na ako sa pinagtataguan ko dahil hindi ko na kaya ang paratang nila sa akin!
“ Ma’am Elizabeth.” Tumingin silang lahat sa akin. Matalim na tingin ang pinukol sa akin ni Ma’am Elizabeth at nakita ko ang ngisi ni ate Cynthia. Bakit nila ginagawa sa akin ito!!
“ You! Hinayaan kitang tumira sa bahay na ito dahil alam kong mabait ka!!Pero hindi nagkamali pala ako! Sinunggaling kang bata ka! Paano mo nagawa sa akin ito ha?!”-si ma’am Elizabeth na sobrang lakas ng sigaw ngayon ko lang siya nakita na ganun ka galit. Nabrain wash na sya.
“ Ma’am ako po talaga si Samantha! Nakwento ko napo lahat sa inyo diba ma’am? Alam nyo ang pinagdaanan ko sa bahay nila------
“ at yan pa ang isusukli mo sa dami ng naitulong sa iyo ni mama alice? Ha Cynthia! Wala kang utang na loob!” sigaw ni ate Cynthia sa akin! Grabe ang hirap nito! Nagpapanggap siya na siya ako!
“ Sam anak hayaan mo na siya.” Si mama na akala mo ay isang ina na totoong nasaktan.
“ Madam ito po ang magpapatunay na siya talaga ang tunay ninyong anak.” Tumayo sila mama at ate Cynthia at lumapit kay ma’am Elizabeth
“ sige po tignan nyo yung kanang balikat niya.” Si mama.
Laking gulat ko ng may birthmark din siya na katulad ng sa akin! Paano nangyare iyon?
Nakita ko ang mukha ni madam na gulat na gulat. At biglang lumambot at mga mata. Naniwala siya. Ako! Ako! Ako talaga si Samantha! Hindi siya. Umiyak si Ma’am at agad na niyakap si ate Cynthia!
Hindi ko na rin napigilan ang luha ko ng marealize ko ang lahat.
“ Ma’am e-Elizabeth?”- ako
“ Lumayas kana dito sa pamamahay ko!! Ayoko ng makita ang mukha mo!” sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya.
“ Pero--
“ ENOUGH OF YOUR LIES! GET OUT OF HERE BEFORE I LET THE GUARD DRAG YOU OUT!” Sigaw na naman niya na talagang nagpadurog sa puso ko. Tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ko na parang gripo.
Tumalikod nako at nakita ko sa manang Helen. Umiiling siya at tinignan ako na parang awang awa. Pumunta ako sa headquarters para kunin ang mga gamit ko.
Lalong lumakas ang pagiyak ko nang makarating ako sa quarters.
“ mama! Mama ko!” nasabi ko nalang. At napahagulgol pa ako.
“ tahan na iha!” si manang Helen. Sinundan pala niya ako. Tinignan ko siya at niyakap niya ako. At umiyak ako ng umiyak sa kanya.
“ H-hindi ako *sniff* *sniff* nagsisinungaling*sniff* manang!” ako
“ Shh tahan na. sge umiyak ka lang.” kahit gusto kong umiyak ng umiyak. Ayoko namang Makita pa niya ako dito.
“ aalis napo ako.” Inayos ko na ang mga gamit ko.
“ ipagpaumaga mo nalang iha.” Umiling ako at mapait na ngumiti.
“ ayoko pong mas lalong magalit sa akin sa Ma’am Elizabeth.”
“ o kunin mo to makakatulong yan.” Inabot niya sa akin ang isang envelope. At sigurado ako na pera ang laman nun.
Ibinalik ko iyon sa kanya. “ wag napo mas kailangan nyo po iyan. Aalis napo ako manang alagaan niyo po ang mama ko.” Tumalikod na ako at napaiyak ulit pagkasbi ko ng mama.
Narinig kopa siya na tinatawag niya ako pero hindi na ako lumingon at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan ang mama ko. Ang mama ko na inagaw ng iba!
Akala ko nung umalis ako sa bahay nina ate Cynthia makakawala na ako sa pagpapahirap nila sa akin. Pero hindi pala. Hahanapin at hahanapin pala nila ako para mas pahirapan!
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Kulang ang pera ko para pumasok sa isang hotel. O kaya kahit isang gabi sa isang apartment.
At nakakainis pa! bakit sa tuwing pinapalayas ako ay bigla nalang uulan ng pagkalakas lakas!! Haaaaah! Nakakaasar e! naiinis ako sa ulan! Naiinis ako! Dahil sa tuwing umuulan lagi nalang akong malungkot at nasasaktan!
“ HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” sigaw ko!
At hindi ko na alam ang sunod na nagyari dahil nabangga na ako ng isang kotse..
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCESS
Historia CortaShe thinks she lives in the darkest castle. At lalo siyang naging miserable ng palayasin siya ng kinilala niyang magulang. She wanted to get away from it. Pero parang hinahadlangan siya ng tadhana. Nang makakita siya ng liwanag, nabuhayan siya ng lo...