Makalipas ang isang buwan pumasok ako sa school at pagtapak na pagtapak ko palang sa school grounds ay sumalubong na sa akin ang galit na mata ng mga tamad na estudyante na nagpagawa ng assignment sa akin.
Patay. Napangiwi ako sa naisip ko dahil alam ko anag kaya nilang gawin.
“ Alam mo bang pinalabas ako ng prof ko dahil wala akong assignment!” Gia. Isang alagad nung queen bee.
“ Nagsumbong yung prof ko sa daddy ko na wala akong assignment kaya grounded ako?!” Mia. Alipores din to
At marami pa silang sinabing nakakainis. Sinisisi nila ako dahil hindi ko naihatid kahapon yung mga assignments nila. Hindi ako nagsasalita kahit sa isip ko ito ang sinasabi ko.
Anung pakialam ko sa inyo!
Bagay nga sayo! Grounded kana habambuhay!
Mamatay na kayong mga tamad kayo!
Yan ang gusto lumabas sa bibig ko. Pero ewan ang tanging salita lang na nasabi ko ay.
“ SORRY” damn it!
“ Pagkatapos ng mga nangyare. Tingin mo ba makukuha kame ng sorry mo?” shit! Eto na yung queen bee! Siya na mismo ang nagsalita! Si! Si! Si! Si ATE CYNTHIA! Yes tama kayo. Siya! Siya nga ang queen bee ng school na to. Siya daw kase ang pinakamaganda. Pinakahot. At higit sa lahat ang pinaka masama magalit! Edi siya na! sus!
“ Ate----
“ Shut up! You! Don’t you even dare!” Sigaw niya. Muntik ko pa siyang matawag na ate. Ang alam kase sa school maid nila ako =.=
“ Sorry----
“ I told you! Your sorry is not enough!” siya ulit! Hilig niya talaga ang sumigaw.
Ngumisi siya. Tinignan ang mga alepores niya at. Shit patay na ako.
“ Wag naman ganyan.” Pero palapit pa din sila. Umatras ako.
Ang akala ko sasabunutan or pagbabatuhin or sasaktan nila ako. Mali ako. Maling mali dahil.-______________________-
“ oh ayan! Sagutan mo lahat ng assignments na yan! Mamaya na namin ipapapass yan! Kaya dapat sagutan mo at maibigay mo na mamaya! Kapag hindi mo nagawa yan! You’re dead!! Tandaan mo yan!”
At sabay sabay na silang umalis! Tsk! Mga tamad! Pero bago sila makaalis lumingon sa akin si Ate Cynthia.
Lumapit siya at bumulong.
“ Kukunin ko ang dapat para sa iyo.” Huh? Ano daw?
Sasagot sana ako pero agad siyang nakalayo sa akin. Nakita ko yung balikat niya. Huh? Pano siya nagkaroon ng birthmark na kapareho ng sakin?
Hindi ko nalang siya pinansin.
Pinulot ko yung mga notebook na hinulog kanina nung mga alipores ni ate at lumakad nako. Tumingin ako sa malaking orasan sa school at sabay na. Shit! Late nako!
Nagmadali akong lumakad kaya hindi ko napansin yung puno sa maydadaanan ko kya sumabit ang t-shirt ko!
“ AW! Ngayon pa nasira yung tshirt ko!” eh pano ba naman nasira at natanggal yung sleeves ng t-shirt ko! Kapag minamalas ka nga naman oh. Tatangalin ko na sana ng Makita ko ang birth mark ko sa may balikat at napangiti.
Yung birthmark ko na hugis tiara. Nakakatuwa nga e kase ito yung mark na nagbibigay sakin ng pag asa at kahit papano ay nararamdaman ko na balang araw magiging prinsesa ako ng sarili kong kastilo.
Biglang tumunog ang bell kaya bigla akong napabalikwas at nagtatakbo na ulit papunta sa classroom.
First subject palang kaya mejo konti lang kame. Nandito na din ung prof at nagsimula ng magturo. Wala nga akong maintindihan dahil lutang ako ngayon! Hindi kasi mawala sa isip ko kanina yung lalaking nakita ko bago ako makapasok sa classroom.
*flashback*
Nagsimula ng magsipasukan ang mga estudyante sa room. May mga nagmamadali din na katulad ko dahil late na nga.
Medyo madaming tao sa hallway kaya nahirapan akong tumakbo.
“ Excuse me. Excuse me.” Ako
Nagulat ako ng biglang mawala ang lahat ng estudyante sa hallway. Akala ko para sa akin yun. Ngayon pala hindi may isang grupo ng lalaki na ang aangas ng dating ang naglalakad sa opposite way ko. Madami sila siguro lessthan 20. Pinagmasdan ko silang lahat. Pero sa isang lalaki napako ang tingin ko.
Hindi ako pwedeng magkamali! Siya yun! Kahit na mejo may pasa siya alam kong siya yun! Siya nga! Ung lalaking nasingahan ko! At yung lalaking tumulong sa akin at yung lalaking nagbigay ng utang sa akin!!
Alam kong hindi niya ako napansin dahil hindi naman ako kapansin pansin. oh god! Bago pa man sila makarating sa kinalalagyan ko ay pumasok na sila sa isang room. Habang nagiisip ako meron isang lalaking lumapit sa akin.
“ Close your pretty mouth honey baka pasukan ng langaw yan.” Sabi niya sabay ngumiti at umalis na. naginit ang mukha ko at alam kong pulang pula na ako ngayon. Lumakad na ako ulit at dumiretso na sa klase ko.
*End of flashback*
“ nakatingin ka nga sa akin pero mukha naman hindi ka nakikinig!” sigaw nung prof naming sa akin sabay bato ng chalk!
“ AW!” sapul ulo ko dun!
I heard my classmates laughed! Kainis naman oh!!
“ Ano gising kana?!” prof
“ Sorry po.”
“ now stand up and answer my question!”
Tumayo ako.
“ Ma’am ano po ulit yung question?” tanong ko.
“ Ms PRINCESS SAMANTHA SANTOS! GET OUT OF THIS ROOM!!” malakas na sigaw niya kaya lumabas ako ng hindi man lang nakuha ang mga gamit ko. Ang hilig manigaw ng mga tao ngayon ah? First time kong mapalabas ng room kahiya hiya! Deans lister pa naman ako! Bwiset!
Kakatok na sana ako para kuhanin yung mga gamit ko. Biglang bumukas yung pinto at hinagis yung mga gamit ko sa sahig! Mga bastos nga naman oh! Wala nakong nagawa at dumiretso nalang ako sa library para gumawa ng mga assignments. Ngayon na daw nila kailangan kaya gagawin ko nalang.
.
.
.
Natapos ang buong araw ko ng wala ako sa sarili. Shit! Dalawang beses akong napalabas sa room. First and last subject. Nakakahiya na talaga pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko.
Agad akong pumara ng taxi at nagdiretso na sa bahay ng mga perez.
Pagdating ko dun may nakita akong isang pamilyar na kotse. Tumingin ako sa plate number at yun nga confirmed! Pero ano naman ang ginagawa ng kotseng to dito? Tss makikita ko nanaman yung mga taong nagpahirap sa buhay ko.
“ Manong anong meron?” tanong ko sa guard.
“ May isang nagcclaim na siya daw ang anak ni Ma’am Elizabeth. Ewan ko nga e parang hindi naman.” Sagot ni manong na halatang dismayado.
Napa ahhh lang ako at naglakad na papasok sa bahay.
Anak ni madam? Baka binenta na yung kotse na yun at iba na ang nagmamayari kaya ganun. Siguro nga. Hindi ko nalang inisip yun. Bagkus ay naging excited pa dahil baka siya na ang tunay nyang anak. Pero hindi ko maitanggi na medyo may lungkot akong naramdaman.
BINABASA MO ANG
THE LOST PRINCESS
Kısa HikayeShe thinks she lives in the darkest castle. At lalo siyang naging miserable ng palayasin siya ng kinilala niyang magulang. She wanted to get away from it. Pero parang hinahadlangan siya ng tadhana. Nang makakita siya ng liwanag, nabuhayan siya ng lo...