Part 4

3 0 0
                                    

"Dad I want to go a vacation" paalam ko.

"Sure san ba gusto mo?" tanong sakin ni daddy.

"Somewhere, I don't know" sagot ko.

"Somewhere? kasama mo ba si Briant?"

"No dad, I want to be alone" sagot ko sabay pasok sa kwarto ko. "Sino ka bang talaga" tanong ko sa sarili ko. Ayokong magtanong sa kahit sinong tao na nakakakilala sakin ng matagal dahil hindi nila ako sinasagot l, that's why all my memory in the past was still unknown.

"Aalis nako dad, Briant" paalam ko.

"Are sure kaya mo mag isa?" tanong sakin ni Briant.

"Yes" at ngumiti ako.

"Mag ingat ka" bilin sakin ni daddy.

"Umm" sagot ko.

Papunta ko ng Banguet dahil ewan ko bakit yun agad ang pumasok sa isip ko. Habang nabyahe ako mag isa ang daming napasok sa isip ko, mga tanong na hanggang ngayon mananatili na lang sigurong tanong.

Makalipas ang ilang oras narating ko na rin ang Benguet at tumigil sa isang simbahan. Agad akong pumasok ng biglang may alaala na biglang pumasok sa isip ko. Napahawak ako sa upuan habang hawak ang ulo ko ng biglang may umalalay sakin.

"Are you ok miss?" tanong nya sakin. Agad nya naman akong inupo.

"Salamat" sagot ko ng bigla nya kong inabutan ng saging.

"Namimigay kami nyan miss baka nagugutom ka lang" napatingin ako sa saging at hindi ko alam bakit nasasaktan ako.

"OY IAN TARA NA" ng biglang may tumawag sa lalaki.

"Andyan na! Sige miss" paalam sakin ng lalake.

Ewan ko bakit di ko mapigilan na umiyak sa loob ng simbahan ng walang dahilan. May naalala ko pero napakalabo. Isang lalaki ang kasama ko na nakatayo sa harap ng simbahan habang magkahawak ang mga kamay namin.

Paglabas ko ng simabahan hawak ko pa din yung saging na binigay sakin pero hindi ko din alam bakit napangiti ako. Sumakay ako ng kotse at bumyahe papunta sa bahay na tutuluyan ko.

Nang makarating ako sa barangay na tutuluyan ko nakita ko yung mga taong naglalakad at binabati ako ng may ngiti sa muka nila.

"Magandang hapon" bati nila.

"Magandang hapon po" bati ko din.

"Napakagandang dalaga naman ng batang ito"

"Ay salamat po"

"Kaano ano mo ba ang may ng bahay na yan?"

"Ah nakita ko lang po na pwedeng bakasyunan yung bahay na to"

"Ganun ba? Nag iisa ka lang ba iha?"

"Opo"

"Wala ka bang boyfriend?"

"Ahh meron po pero di ko sya kasama"

"Ganun ba, o sige iha dito na kami at kukuha pa kami ng mga gulay" paalam sakin ng dalawang matanda.

"Sige po." sagot ko.

Pagpasok ko sa bahay agad akong napangiti dahil sa sobrang simple ng bahay na parang nakapasok na din ako sa ganitong bahay dati. Nagpahinga muna ko tsaka inayos yung mga gamit ko sa kwarto,habang tinitiklop ko yung damit ko nakita ko yung picture ng lalaki na kasama ko, tinitigan kong maiigi yung picture, napangiti na lang ako, masaya kong titigan yung picture parang im feel comfortable to this man. Nilagay ko sa mini table na katabi ng kamo ko.

Way BackWhere stories live. Discover now