Part 9

3 0 0
                                    

Nang matapos kaming kumain nag paalam akong uuwi na.

"Hatid na kita Mau" yaya ni Ian. Nakailang padyak na ng motor si Ian pero hindi padin nagbubukas ang motor nya.

"Nako iha mas maiging dito kana matulog at bukas na umuwi, delikado na sa daan makapal ang hamog" sabi ni Mang Ambo.

"Oo nga Mau ayaw gumana eh baka gutom na to" biro ni Ian.

"Pakainin mo kasi ng damo baka maging kalabaw yan" pabiro kong sagot.

"Siguro nga, gagawin ko nga yang suggestion mo mukang maganda" he answered sabay tawa naming dalawa.

Nagpahinga muna ko sa labas ng kalahating oras bago pumasok sa loob. Agad akong pumasok sa C.R para maligo ng makita kong walang  tubig. Pupunta sana ko sa kwarto nila Mang Ambo at Manang Isang kaso naisip ko baka nagtatry padin sila magkababy kaya nagdesisyon na lang ako na hindi na lang, agad naman ako dumaretso sa kwarto ni Ian kaso mukang tulog na ang loko. Dadaretso pa sana ko kay Libby pero wag na lang.

Bigla kong naisip yung pinapaliguan ng mga bata na ilog malapit dito. Napangiti ako kasi gabi naman maganda mag night swim. Agad akong lumabas at pumunta dun.

Nang makarating ako nakita kong sobrang ganda kahit gabi na, ang ganda na libre pa. Agad kong hinubad ang damit ko at lumusong sa tubig ng naka bra at naka short, nakikita ko naman ang paligid dahil sa mga alitaptap na bumabalot sa mga puno. Napangiti na lang ako ng biglang may umahon sa harap ko. Si Libby na walang pang itaas. Nagulat kaming dalawa sa isa't isa. Actually ako gulat na gulat. Napalunok na lang ako dahil Fuck nakita ko yung dibdib nya.

"Gusto mo talaga tingnan yung katawan ko no" seryoso nyang sabi sakin sabay tingin sa dibdib ko.

"MANYAK!" sigaw ko, aahon na sana ko ng bigla nya ng kong hilahin papunta sa kanya. Naramdaman ko namang naka pulupot ang kamay nya sa bewang ko. "Ano ba bitawan mo nga ko!" pagpupumiglas ko pero lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak nya sakin. Ang lapit na naman ng muka nya sakin. Gagong to nakaka dalawang puntos na tong gago na to.

"What?" seryoso kong tanong dahil nakatingin lang sya sakin.

"Why are you here" he asked.

"Wala kasin...." di ko natuloy ang sasabihin ko ng puta hinalikan na naman ako ng gago nato, naging habit nya nako halikan ah, di ba nasaktan to sa sampal ko?, nagpumiglas ako pero hindi sya nagpatinag. Pero parang kahit gusto kong pumiglas pero parang ayaw ng gumalaw ng katawan ko. Napahawak ang mga kamay ko balikat nya ng maramdaman kong hinila nya pako palapit. Tumigil lang sya saglit para huminga ng malalim bago ko tingnan ng bigla nya uli akong halikan. Wala kong nagawa kung si sabayan ang ginagawa nya.

Hinalikan naman ako ni Briant pero hindi ganito ang pakiramdam ko. Ibang iba ang halik ng lalaki nato. Siguro pisces ang zodiac sign nito good kisser eh.

"Stop" patigil ko dahil alam kong mali yung ginagawa ko, maganda ang pinakita ni Briant sa relasyon namin kaya wala kong karapatang gawin sa kanya to. "Pwede ba kung gusto mo ng kahalikan wag ako" inis kong sabi.

"But you like it" pang asar nyang sagot.

"Shut up"

"Then Let's do it again.." he answered ng hinila nya ko pero sa pagkakataon to tinulak ko na sya.

"Ang bastos mo din no?" sagot ko.

"I know" seryoso nyang sagot sakin sabay ahon. Shit anong klaseng tao to! Pag katapos nya kong halikan iiwan ako sa ere, sya pa may ganang mang iwan, at bakit parang wala lang sa kanya manghalik, at sakin pa.

"Umahon kana malamig na" he continued.

Napatingin naman ako sa kaliwa dahil naalala kong naka bra lang ako at kakulay pa ng balat ko.

"Talikod" utos ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay and he rolled her eyes. Tumalikod naman sya agad. Umahon agad ako baka lumingon pato.

"Pakuha ng damit ko sa paahan mo" patuloy ko ng bigla syang lumingon. Nanlaki yung mata ko sa gulat ng inaabot nya yung damit ko. Agad akong napaupo para balutin ang dibdib ko. "MANYAK KA TALAGA!"

"Idiot" bulong nya sabay lapit sakin at inabot ang damit ko. "You said na kunin ko yung damit mo" seryoso nyang sabi. Oo nga no, ok Mau ikaw ang mali.

"Sorry" sagot ko sabay tayo. Kinuha ko yung damit ko sa kanya ng bigla kong umatsing.

"I told you" he said. Agad kong sinuot ang damit ko at lumapit sa kanya.



Tahimik kaming dalawa habang naglalakad pauwi.

"Bakit ka pala nandito ng ganitong oras? Diba tulog kana? Tapos bigla kang susulpot sa harap ko, Pervert" reklamo ko.

"Walang tubig kapag gabi kela Mang Ambo hindi nalagyan yung drum kanina kaya pumunta ko dito" paliwanag nya. "Tsaka mas nauna kong naligo sayo, nagulat na lang ako na pag ahon ko nasa harap kita, kaya ikaw ang manyak, ikaw ang unang tumingin sa katawan ko" he continued, what? did he call me manyak? ang kapal ng muka ninto sya kaya.

"So bakit mo ko trip halika..." napalunok ako ng laway at di natuloy ang sasabihin, I bit my lower lips at naglakad ng mabilis.

"And why are you kissing me back?" napatigil ako sa sinabi nya. Gaga ka Mau halata kasing ginusto mo din. Tangina pano to. Lumunok muna ko ng malalim bago humarap. Pag harap ko nakita ko na naman ang matipuno nyang katawan shit napakit na lang ako ng madiin bago sya sagutin.

"Bakit, eh gusto ko eh, tsaka ikaw lang ba may karapatang humalik pag gusto mo?" matapang kong sagot sabay talikod. "And wait" humarap uli ako. "You're good kisser ah" napatingin na lang ako sa kawalan ng masabi ko yun, puta Mau halatang nasarapan ka ngang hinayupak ka. "I didn't mean to say.." palusot ko but he give me a smirked. "Hey!" tawag ko pero naunan na syang naglakad.

Nang makarating sa bahay agad syang pumasok sa kwarto nya kaya pumasok na din ako. Nagpalit agad ako pero mukang may sinipon nako.


Kinaumagahan naramdaman kong mukang mabigat ata ang katawan ko. Pag labas ko nakita kong nagkakape si  Ian at mukang puyat. San kaya nanggaling to.

"Oh Mau gising kana pala, goodmorning" bati nya sakin.

"Goodmorning, can you give me a ride, uuwi ako" sagot ko. Dahil mukang masama ata yung pakiramdam ko.

"Bakit? Oo naman sandali.." napatigil si Ian dahil biglang dumating si Libby. Pag baba nya ng sasakyan nakita kong muka din syang puyat. Bakit mukang mga pagod to. Tumingin naman agad sya sakin ng seryoso. Napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang kagagahan ko kagabi.

"Pre baka di ka busy pahatid daw si Mau" bungad ni Ian. Napatingin naman ako agad sa kanya.

"No.. I said you" inis kong sabi. Napatingin uli ako kay Libby pero mukang seryoso sya sa mga tingin nya sakin.

"Sakay" biglang nagsalita si Libby at binuksan ang pinto ng kotse.

"Ha? Ah ok lang maglalakad na lang ak.."

"Sakay" ulit nya. Muka na syang mangangagat kaya sumakay na lang ako. Tahimik lang ako sa kotse habang nakatingin sa labas. Nanginginig nako dahil sa lakas ng aircon ng kotse nya. Balat kalabaw ata to. Naramdaman ko namang pinatay ni Libby yung aircon ng kotse nya. Nakaramdam pala.




Pag karating sa bahay baba na ko ng bigla syang bumaba at binuksan ang pinto ko. Napatingin lang ako sa kanya ng pag tayo ko I feel dizzy pero agad nya kong nasalo.

"Sorry, I'm fine you can go now" but I'm not feeling well.

"You look pale, you're not ok"  agad nya naman akong hinawakan pero mukang diko na kaya ang hilo.

"No I'm o.." naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa kanya.

Way BackWhere stories live. Discover now