SCHEME 1

7 2 0
                                    

"... sa buhay at kalakasan na palagi naming natatanggap..."

Lord, gutom na is me. Bakit pa kasi si Aaron pinagpray ni YP? 10 minutes na siyang nagprapray para sa pagkain baka mamaya marevive ang spaghetti. Bumubulong na nga ang lumpia sa tenga ko, sabi niya 'Kainin mo na ako. Rawr.'

P'wede namang Thank you, Lord! Amen! lang ang sabihin niya. 

Kanina pa akong takam na takam sa shanghai pero hindi ko magawa kasi mukhang mamaya pa matatapos ang prayer ni Aaron. Balak niya yatang isa-isahin ang mga youth. I-reserve niya na lang mamayang gabi ang prayer niya, please.

"... sa 'yo po namin ibinabalik ang kapurihan at pasasalamat..."

Sa sobrang excited ko na matapos prayer niya sumigaw agad ako ng 'In Jesus name' na sinabayan ko pa ng palakpak kaya kahit hindi niya pa gustong wakasan natapos agad ng wala sa oras ang prayer niya. Medyo nakakahiya pero hindi ko na kaya ang gutom at saka patapos na rin naman prayer niya hehe.

Napatingin sa akin ang ibang mga youth kaya nginitian ko lang sila pag mulat ko ng mata. 

"Hehe. Kainan na oh!" agad akong kumuha ng spaghetti at shanghai. Doon na rin ako pumuwesto ng pagkain sa mismong mesa na pinaglalagyan ng mga nakahanda. Technique 'yan para hindi nakakahiyang tumayo sa kapag gusto mo pang kumuha ulit.

"Si Nasa nakakailan na oh!"

Nagtawanan ang ibang mga youth. Kailangan ba 'yang i-broadcast YP?

"Hala hindi po ha! Pangalawa pa lang kaya." Sumandok ulit ako ng spaghetti at kumuha ng shanghai. " Ito pangatlo hehe."

"Gluttony is a sin. Hala ka Nasa."

Nilingon ko si ate Muna na ga bundok ang spaghetti. Wow ha? Nahiya ang pangatlo kung sandok sa burol na spaghetti niya.

Kung hindi tinagalan ni Aaron prayer baka konti lang kinuha ko. Masyado akong ginutom e.

"Ang tagal daw kasing mag pray ni Aaron," biro ni ate Muna tapos ay tinuro pa si Aaron na nakikitawa.

"Feeling ko nga nirerebuke niya ang spaghetti e," dagdag ko pa.

Lalong lumakas ang tawanan dahil doon. 

Some people think that church is boring. Kaya nga 'yong iba hindi umaattend ng church every sunday or saturday kasi what first come to someone's mind when they heard the word church are long sermons, long prayers, boring talks and boring people. Boredom is the condition of being uninterested to a certain topic. The concept of boredom is highly subjective, depending upon individual opinions and feelings. Hindi mo p'wedeng pilitin ang isang tao na maging interesado kaya you have to make them interested. 

In the case of the unbeliever, we need to accept that they will not be interested in church until God's Spirit creates a spiritual thirst within them. The solution is not to change church to appeal to their current level of interest. The solution is to pray that God will change their hearts. 

Noong una halos matulog na ako kapag nagprepreach na ang pastor, which is my father, because I'm not interested pero ngayon I love every words na naririnig ko sa pastor, sa preacher, sa exhorter or anyone na nagsasalita sa unahan talking about the goodness of God. 

Until that day na sinabi ko ang problema ko sa mama ko. 

"Mama kasi pinagtatawanan nila ako. Nakakahiya. Sabi nila lalagpas na raw ako ng langit!" with matching padyak at maluha-luha kong linya.

"Mahiya ka kapag bitbit ka ng pulis dahil may ginawa kang masama."

 My mom was right. Wala naman akong dapat ikahiya kasi wala naman akong ginagawang masama.

"Ate Nasa tawag ka po ni Pastor," mahinahon na sabi sa akin ni Nimba. Kumabog naman ang puso ko habang umiinom ng tubig. Hindi pa nadidigest ang spaghetti na kinain ko baka mapaaga ang paglabas ng sama ng loob ko.

"Hala, lagot."

"Pray ka daw muna bago pumasok."

"Mga kapatid sama sama po nating ipanalangin ang pagpasok ni Nasa sa office."

Feeling nila nakakatawa sila? Lalo akong kinabahan sa pinagsasabi nila e. Mga walang dulot. Wala naman akong ginawang masama e huhu. Dahil ba 'to sa pagsigaw ko noong minsang humayo kami sa kabilang bayan habang nagbibile study? 'Yong aso kasi lapit ng lapit noon e. Feeling yata ng aso lovable siyang tignan. Hindi ako natuwa sa paghimod niya sa binti ko huhu.

Kumatok muna ako sa office kahit bukas naman ang pinto bago pumasok. Pagpasok ko nakita ko si Pastor na seryosong nakatingin sa akin.

"Umupo ka, 'nak," 

Umupo ako sa upuan sa harap ng table niya. 

"Pinatawag kita kasi sa susunod na linggo magkakaroon tayo ng Evangelism Service. Not an ordinary Evangelism. One on one bible study ang magaganap. Isa ka sa isasama ko sa gawain na 'yon. May gagawin ka ba sa araw na 'yon?"

Tinignan ko saglit si Pastor. "Wala po. Sasama po ako, Pastor."

Ang totoo, marami akong gagawin. Hectic ang schedule ko pero I am devoted to God. Hindi ko pwedeng pabayaan ang ministry ko. I always make myself available when it comes to God. That's my promise and my vow to God, kahit anong mangyari uunahin ko siya. 

Ano pa't favorite ko ang verse na Matthew 6:33? That's my life verse, 'But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.'

Ilang beses ko na ring napatunayan ang verse na 'yan. Una, noong may overnight prayer meeting may pasok ako kinabukasan tapos examination day pero umattend pa rin ako. Ang ending puyat ako at hindi nakapagreview. Nang ibinigay na ang test paper parang magic na naalala ko ang lahat ng itinuro ng teacher. Halos maperfect ko na nga ang exam. Pangalawa, noong may midnight prayer meeting may quiz naman sa major subject ko kinabukasan. Hindi ulit ako nakapagreview, nagkataon na nagkasakit ang teacher ko sa subject na 'yon at hindi natuloy ang quiz.

O diba? Amazing. It always amaze me when God works.

Pagkatapos namin kumain naisipan namin ni Ate Muna na dumaan sa 7/11. Hobby na naming dalawa na after church didiretso sa convenience store para bumili ng slurpee tapos siya bibili ng hotdog at ice cream.  

Pumunta ako sa kinaroroonan ng slurpee ng may nakita akong lalaking iniinom ang slurpee niya sa tapat ng slurpee machine pagkatapos ay lalagyan ulit. Kumuha ako ng cup at hinintay na mapuno ang lalagyan ko. 

"Bawal 'yan. Nakikita ka ni God, hala ka," biro ko pa sa kaniya na sinabayan ng mahinang pagtawa. Tinignan ko siya ng hindi ko marinig na nagresponse siya. 

Nagtama ang paningin namin. He holds the darkest eyes I've ever seen in my entire life.

I felt my heart beat faster in fear. 

His downturned eyes look intensely at me. Tagusan ang kaniyang tingin. 

"God isn't true."

W-what? Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi kaagad ako nakapagreact. 

"H-huh?"

"If God is true, where is he? Don't tell me he's in heaven," he chuckled.

"He is everywhere. He's an omnipresent God."

Tinignan niya ako na parang may nakakatawa sa sinabi ko.

"What makes you believe in God?"

I felt like he's hypnotizing me. Budol budol gang ba 'to? Mahihimatay na ba ako mamaya tapos itatakas niya slurpee ko?

"M-my faith."

"The idea of faith is predicated on all religions or other theist-based systems, identified as the belief in an idea that can not otherwise be defended by logic, justification, evidence, or science. Be realistic,  try standing in front of a speeding bus with nothing but your so called 'faith' and see if it'll keep the bus from hitting you. Idiot."

I looked directly in his black eyes. "Even if your faith is small as the mustard seed it can move mountain from another mountain. So how come my faith that is bigger than the mustard seed can't stop the bus from hitting me?"

"Unbelievable. There's so much shit in this world that faith can't solve."

Scientific Scheme (Scheme Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon