Nakabusangot ang mukha ko nang pumunta sa classroom ko para maghanda na ng lesson. Nakakainis! Akala ko pa naman, after the long awaited day, magkakaroon na kami ng romantic moment ni Roji sa cr.
Really? Of all places naman di ba? Dun sa cr ko pa naisip na magkaroon kami ng moment?
Napangiwi ako nung naisip ko yung eksena namin na yun.
Pa-cute effect pa ako habang hindi ko tinatanggal sa pagkakahawak ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib kung saan ramdam na ramdam ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko.
“Ano Haiza? Nagpa-flag ceremony ka ba sa cr?” Nakangiting sabi ni Roji. Ibinaba ko ang kamay ko. Napahiya ako dun ahh. Kainis. Anong sinasabi nito? Hindi naman ako kumanta ng Lupang Hinirang sa loob ng cr ahh. “Labas na at ako’y naiihi.” Hindi pa din ako natitinig sa pagkakatayo ko dahil nga nagulat akong nandun siya. Tsaka lang ako natauhan nung nagpumilit siyang pumasok kahit nandun pa ako sa loob. Nagkatulakan pa kami doon. Tss. Isa’t kalahating manyak din eh.
“Eh di sayo na yang cr. Pakasalan mo. Hmmpf.” Pagtataray ko sa kanya at saka lumabas sabay talikod. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa bago niya isara ng tuluyan ang punto ng cr.
Nakakainis ka Roji. Pagkakataon na sana natin yun pero sinayang mo.
At sa bawat araw na ginawa ni Lord, nakakaranas ako ng pambubully. Bully ang mga kabarkada ko. Mali pala. Araw-araw akong nakakaranas ng pambubugaw. Ibinebenta nila ako kay Roji. Huhuhu. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila na wala akong gusto sa kanya? Bakit kasi ayaw nilang maniwala sa akin.
“Sus Haiza. Kitang-kita ang ebidensya na kinikilig ka. Ang pula-pula ng mukha mo oh.” Tinampal-tampal ni Chie ang mukha ko. Magkakausap kami dito sa canteen habang kumakain ng lunch. And as usual. Niloloko na naman nila ako. Buti na lang at wala si Roji dito.
“Wala nga akong gusto sa kanya aba!” Depensa ko. Totoo naman kasing wala akong gusto sa kanya eh. Gusto ko lang siyang maging close friend. Yun lang naman. Wala namang masama dun di ba?
Ipinaliwanag ko pa sa kanila na ang gusto ko sa mga lalake eh yung mas matangkad sa akin. Ayoko din sa mas maputi sa akin. Gusto ko yung lalakeng-lalake. Hindi yung lalamya-lamya. Sinabi ko din na ang gusto ko eh may sense of humor at may sense kausap.
“Bakit? May sense naman kausap si Roji ahh. Kaya lang kelangan mo ng interpreter para magkaintindihan kayo.” Sagot ni Chie at biglang humagalpak na lang sa tawa ang mga barkada ko.
Napairap ako. Yun na nga eh. Isa pa sa mga bagay na ayoko kay Roji eh hindi ko siya maintindihan. Hindi ko gets ang mga sinasabi niya. Hindi ko gets ang mga ginagawa niya. Hindi ko gets ang trip niya. Pero gusto kong mapalapit sa kanya. Ang gulo ko noh?
“Ang kulit nyo. Ayoko na ngang mag-explain. Basta hindi ako magkakagusto sa kanya. Period.” Sumandal ako sa upuan at humalukipkip.
“Aba Haiza. Wag kang magsalita ng tapos. Baka mamaya eh hahabol-habol ka kay Roji.” Pagsusungit ni Chie. Yung babaeng yun talaga.
BINABASA MO ANG
Two Pieces (Unrequited Love)
RomansaIt really hurts to know that you will never look at me the way I look at you.