CHAPTER 45: Another Girl?

3.4K 114 14
                                    

*HYOYEON*

Hindi ko alam na darating araw na 'to. Ang araw na pinakagusto ko sa buhay estudyante.

Ang intramurals!

Oo, pinaka-gusto ko talaga yan (bukod sa JS Prom) kasi araw ng kasayahan ng mga estudyante yan though puro sports lang naman ang gagawin. Pero oks na 'yun!

Busy ang karamihan sa mga estudyante ngayon. Lalo na ang mga nasali sa sports. Si Taeyeon, nasali sa badminton sa single. Sa doubles naman sina Tiffany at Suho. Sa volleyball, sila Jessica, Yoona, Yuri ang nasali. Sa basketball, sila Luhan, Baekhyun, Kris, Sehun, Taemin,
Chanyeol at iba pa ang nasama.

Sa openning ng celebration maraming magpapakitang gilas at kasali na ako run. Kami nila Yoona, Yuri, Sooyoung at iba pa ay sasayaw. Yung iba kakanta.

Masasabi ko lang na si Sunny ang pinaka-maswerte samin kasi wala siyang gagawin. Si Seohyun, nasali sa Quiz Bee. Kagulat nga eh, meron palang Quiz Bee sa FD.

"Pssst."

Napatigil ako sa pagsasayaw at napatingin sa pinto.

Si Lay.

"Excuse me lang sandali." Sabi ko sa mga kamembers ko sa sayaw. Lumabas ako at nakita ko siyang prenteng nakatayo.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Tsk. Miss na kita." Sabi niya. Napangiti naman ako run.

"Nice. Miss na rin kita." Hinalikan niya ang noo ko.

"Date tayo." Sabi niya. Date? Gusto ko! Pero bakit ang wrong timing niya mag-aya? Kitang nagpa-practice kami eh.

"Pero--"

"Sige na."

"Oo na, pero pano?" Sumilip ako sa loob at nakita ko na nagsasayaw parin sila. Napatingin ako sa gawi ni Yoona at nakatingin rin siya sakin, tumango siya at ngumiti. Napangiti rin ako. Binalikan ko ng tingin si Lay.

"Tara." Sabi ko.

Dumiretso kami ngayon sa park, malapit lang rin sa school. Tumambay muna kami for awhile.

"Namimiss ko yung ganito, minsan nalang tayo lumabas eh." Sabi ni Lay at inakbayan ako.

"Ako rin naman, busy lang talaga kasi eh. Yaan mo, kapag nag-bakasyon na, lalabas tayo araw-araw kung gusto mo." Sabi ko at pinisil ang cheeks niya.

Inalis niya ang pagkaka-akbay sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko na nasa pisngi niya.

Matagal siyang tumitig sakin habang hawak parin niya ang kamay ko. Isang minuto ang nakakalipas pero ganun parin ang pwesto namin.

"Uh, Lay?" Patanong na tawag ko. Binitawan naman niya an kamay ko at sinabunutan niya ang buhok niya.

"Tangina, nakalimutan ko sasabihin ko." Bulong niya pero narinig ko pa rin. Natawa tuloy ako.

"Hahahaha. Okay lang 'yan. Tara bili tayoo." Sabi ko at hinila siya patayo. Marami rin kasing nagtitinda ng mga street foods rito.

Nang makabili kami, umupo ulit kami sa bench at nagkwentuhan. Hayy, namiss ko nga yung ganitong feeling. Yung wala kang pinoproblema, yung kapiling mo lang yung taong mahal mo. Yung walang mang-iistorobo sa--

"Lay, is that you?" Napatingin naman ako sa isang babaeng maputi at mukhang Koreana rin. Tumayo naman si Lay at niyakap niya yung babae.

"Jiyeon? Ikaw na ba yan? Ang ganda mo sobra!"

Alam niyo yung simula pag-aya ni Lay sakin mag-date kanina eh parang pagod at balisa yung mukha niya  hanggang makarating kami rito park pero nung sumulpot lang yung babae na 'to eh para bang napuno yung energy niya? Kaasar.

When They Meet Each Other [ExoShidae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon