Please read the author's note. Thankyou :)
Tiffany's POV
Bakit kaya biglang nag-back out si Baekhyun sa plano namin? I thought paseselosin namin si Taeyeon hanggang sa mapaamin namin siya na gusto niya si Baek. But why the f he back-out? Hays. Sayang naman yung efforts.
Pagkatapos kasi nung araw na hinarana ni Sunny si Xiumin, tinext ako ni Baek na tapos na daw yung plano namin. I asked him why after that day pero sinabi niya lang na ayaw na niya. So, I just respect his privacy and desicion nalang.
"Uy, game na ulit." Sabi ni Suho. Tinulungan niya ako tumayo kasi nakasalampak ako sa sahig. Nandito kami sa gym ng school, nagpapractice kami para sa badminton game namin sa intrams. Puspusan talaga ang practice kasi kalaban namin ang MiYoung which is ang school ko. Hanep. -.-
"Chill ka lang." Sabi ko dahil smash siya ng smash.
"Ay sorry." Sambit niya. "MY pala makakalaban natin, 'no? Magagaling ba mga tao dun?" Tanong niya.
"Noon dun pa kami nag-aaral, maraming magagaling. I don't know kung pati ngayon." Sabi ko.
"Ang gara. Pinaglalaban yung EU sa MY."
Tumawa ako. Pinulot ko muna ang shuttlecock dahil hindi ko nasalo. "Alam mo bang walang kaibigan ang MY? Kahit mataas ang Exotic, hindi nila kakaibiganin 'to. You wanna know why? Ang MY kasi mataas ang standards, facilities were extremely great. Ayaw nilang may ka-close sila, gusto na nag-iisang mataas ang MY."
Kumunot ang noo niya at nagpahinga nanaman kami. Wala naman si coach eh.
"Talaga? Ang taas naman ng tingin ng MY sa sarili nila." He's talking about the owner and stockholders which tend to be our parents.
"Yes. Dahil mataas naman talaga kami." Tinaasan ko siya ng kilay. I think he forgot na kami ang may-ari ng MY.
"Ay, peace." Sabi niya. "Hehe."
"Sino nga pala makakalaban natin?" Tanong niya.
Tumawa ako saglit. Iniisip ko palang na makakalaban namin ang gusto niya eh baka ipatalo niya yung game, but I won't let him do that.
"Wait. Sa basketball, makakalaban nila Baek ay yung Dragons." Ngumiti ako. "My favorite team." Tumawa ako ng sumimangot siya. "But still, I'll support Exo's team. Makakalaban nila sila Clark." Kumunot ang noo niya.
"Clark? yung----""Yes Krystal's boyfriend--rather ex." Kumindat ako.
"Tss. Magaling ba'yun?"
"Yes. Super."
"Edi wow." He form a 'W' sign in his fingers.
"Sayang. Hindi ka kasi marunong mag-basketball."
"Marunong ako 'no kaso----"
"Kaso maliit ka. Yeah, I know." Putol ko.
"Aba! Hindi yon 'no. Tsaka 'wag ka nga, mas matangkad parin ako sayo 'no." Umirap siya.
"Yeah. Yeah. Sabi mo eh."
"At yung makakalaban natin ay sina Krystal, I don't know the other one."
Nanlaki ang mata niya. "Krystal?" Pag-uulit niya. Tumango ako.
"Weh?"
"Oo nga."
BINABASA MO ANG
When They Meet Each Other [ExoShidae]
Fiksi PenggemarThanks to @myuniki for my cover. [COMPLETED] Meet Girls Generation, a simple girls yet all beautiful. Tumira sila at nag-aral sa Pilipinas. They transfered in the weird school named 'Exotic University' . Hanggang sa nakilala nila ang EXO na sila pa...