Chapter Ten

0 0 0
                                    

“Concert lang ang alam kong pupuntahan mo pero eto, umuwi ka na may bitbit na lalaking mamanungangin ko! Dios mio!” gulat na reaksiyon ng mommy ni Rose matapos nilang ibalita ni Ben ang pagkakabalikan nilang dalawa pati na ang pagpaplano nila ng kasal.

“Huwag po sana kayong magalit sa ginawa kong biglaang proposal, tita. Ayoko na po kasi talagang pakawalan si Rose. Alam niyo naman pong mahal na mahal ko tong bunso niyong nagmana sa inyo ng ganda.” Ben looked at her mother with those pleading eyes and she immediately melted. Napailing na lang ito at napangiti.

“Tita ka diyan! Dapat masanay ka ng tawagin akong mommy, iho!” tuwang niyakap silang dalawa ng kanyang mommy. Walang pagsidlan ang kasiyahang nararamdaman nina Rose at Ben. Ngayon pa lang ay excited na silang harapin ang buhay bilang mag-asawa.


Kahit gustong-gusto nila ni Ben na madaliin ang kasal, inabot pa rin ng halos tatlong buwan ang preparasyon para dito. Iyon kasi ang iginiit ng mommy niya at ng Tita Sabrina ni Ben na siyang punong-abala sa pagpaplano ng kanilang kasal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Rose na ang stepmother ni Ben na dati ay walang ibang gawin kundi ignorahin sila ang siya pang mas excited sa kanilang kasal. Nang magkasundo ang mag-aamang Falcon, hindi rin nagtagal ay lumambot din ang puso ng aristokratang ginang para sa anak ng asawa niya sa ibang babae. Napatawad na nito ang asawa pati na ang yumaong ina ni Ben. Ginusto nitong makabawi sa ilang taong paninikis kay Ben kaya nagprisinta itong tutulong sa pag-aasikaso ng kasal. Mabilis naman itong nakasundo ng kanyang mommy. Sa kabila pala ng una niyang impression na matapobre ito ay nagtatago ang likas nitong kabaitan.

“You’re so beautiful, iha! Tamang-tama ang design na napili natin para sa wedding gown ni Rose, hindi ba balae?” nakangiting sabi ni Tita Sabrina sa kanyang mommy na katabi nito. Ooops! Hindi na nga pala tita ang dapat niyang itawag dito. Ilang araw na siya nitong pinagpa-practice na tawagin itong Mommy Sabrina. Kahit si Ben ay ganoon na rin ang tawag sa ginang.

Pasimpleng nagpahid ng luha ang kanyang mommy na kanina pa nagiging emotional. “Oo nga, balae. Ang galing talaga nating pumili di ba? Everything is perfect. Puwede na tayong maging professional wedding planner.” Nag-high five pa ang dalawang ginang na ikinatawa ni Rose pati na rin ng kuya Randall niya na siyang maghahatid sa kanya sa altar.

“Lovely ladies, mamaya na po kayo magbolahan. Baka atakehin na sa sobrang nerbiyos si Ben kapag na-late ng kahit isang minuto lang si Rose. Medyo paranoid pa naman si bayaw pagdating dito sa kapatid ko.” Natatawa pa ring sabi ng kuya niya.

Hindi na namalayan ni Rose ang mabilis nilang biyahe mula sa hotel hanggang sa simbahan. This is the moment that she imagined a million times for the past three months. Ilang sandali na lang ay matutupad na rin ang pangarap niyang maikasal sa lalaking pinakamamahal niya.

Tinapik ng kuya niya ang nanginginig niyang kamay na nakaabrisyete sa braso nito.

“Everything will be okay, sis. Don’t worry too much. Pag natapilok ka dahil sa high-heeled shoes na suot mo ngayon, andito si kuya para saluhin ka. Tatawa ako pero sasaluhin pa rin kita, sis. Ganyan ka kamahal ng pogi mong kuya.”

“Kuya naman eh. Kita mo na ngang kinakabahan na ako tapos hihirit ka pa ng ganyan.”

Halakhak lang ang isinagot nito. Hindi nakapagtatakang mabilis na nagkasundo ang kuya Randall niya at si Ben. Pareho kasing maloko at malakas mang-asar ang dalawa. Pareho ring overprotective pagdating sa kanya. Tumahimik lang ang kapatid niya nang magsimula ang wedding march.

Marami ang nagtanong kung bakit ang kantang Heaven By Your Side ang pinili nila para sa okasyong ito. Kadalasan ay ngiti lang ang isinasagot nila sa mga nagtatanong. They don’t feel like sharing the details on how they ended up with this as their wedding song. Iilang taong malalapit lang sa kanila ang nakakaalam ng kuwento sa likod ng espesyal na kantang ito.

Heaven By His Side Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon