Chapter One

2 0 0
                                    

Natigil ang pagbabalik-tanaw ni Rose nang biglang sumigaw ang kundoktor ng bus. Nasa Ayala na pala siya. Napapailing na bumaba ang dalaga at binagtas ang daan patungo sa Mckinley Exchange building kung saan matatagpuan ang terminal ng BGC Fort bus na halos araw-araw niyang sinasakyan para makarating sa opisina.

Dahil lang sa isang kanta sa radyo, natulala siya at muntik nang lumampas sa kanyang dapat babaan.

Oh well, hindi naman iyon basta isang simpleng kanta lang para sa kanya. Heaven By Your Side, isa sa mga kantang pinasikat ng 90’s boyband na A1. Ang theme song na kinanta ng kanyang first boyfriend.

“Boyfriend na hindi ko na maalala kung sino.” Natatawang bulong niya sa sarili.

She was fifteen at that time. Usong-uso noon ang mga textmates pati na ang pagbuo ng mga clan or group kung saan nagkakaroon ng interaction ang ilang kabataan. Bumubuo ng friendship pero karamihan ay nauwi rin sa pagliligawan sa text. Tapos magse-set ng oras at venue para sa eyeball at doon lalong palalawigin ang pagkakakilala. During that time, most of her friends were part of those clans so she ended up joining as well. Nang malaman niyang may nanliligaw sa mga ito thru text messaging, hindi niya maiwasang makaramdam ng curiosity. Kaya naman nang isang beses na nakatanggap siya ng mensahe mula sa isang binatilyong gustong makipag-textmate, lakas loob niya itong in-entertain. Kahit pa nga mahigpit ang bilin noon ng mga magulang niyang huwag makikipag-usap ng basta basta sa kung sino lang, pikit-mata siyang sumuway at naglihim sa mga ito.

Matapos ang ilang araw na pagpapalitan ng text messages, gaya ng naunang hinala niya ay nagsimula itong manligaw sa kanya. Dahil sa pagnanais na malaman ang pakiramdam ng may boyfriend katulad ng mga kaibigan niya, agad niya itong sinagot. Nag-enjoy naman siya sa kilig na naramdaman dahil sa bagong experience na iyon sa kanyang buhay.

However, a problem occurred. Since her curiosity was already satisfied, she ended up losing her interest with the relationship.

They only lasted for one week. Ni hindi sila nagkaroon ng chance na makapag-eyeball man lang. Natakot na rin kasi siyang baka madiskubre ng mga magulang ang sikreto niya kaya isang desisyon ang agad niyang binuo.

She bid him farewell thru a text message, changed her sim card and moved on.

Ni hindi niya na nga naaalala ang pangalan ng binatilyong iyon but for no specific reason, na-retain sa utak niya ang fascination sa kantang Heaven By Your Side ng boyband na A1. Sa tuwing naririnig niya ito ay hindi niya maiwasang matigilan at maalala ang boses ng binatilyong iyon habang kumakanta. She had a couple of relationships after that pero walang ibang boses na nakaapekto sa kanya ng ganito.

Napailing siya. Why am I wasting my time thinking about a nameless boy from the past?

Sakto namang dumating na ang bus na hinihintay niya. Kinuha niya ang beep card sa bulsa at dali-daling sumakay doon.







“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?”

Tiningnan ni Rose ang kaibigang si Claudine na siyang kasabay niyang mag-lunch sa pantry. Pinigilan niya ang sariling matawa dahil daig pa nito ang pinagsakluban ng langit at lupa kung itsura ang pagbabasehan..

“Hindi na magbabago ang isip ko kahit ano pang klaseng pout at paawa effect ang gawin mo diyan, friend. Nakapag-file na ko ng resignation and that’s it. I’m leaving the BPO industry for good.” She smiled at the prospect of starting a new journey in her life.

Halos limang taon din ang ginugol niya sa pagtatrabaho sa call center business. Pagkagraduate niya noon ng Business Administration ay hindi siya agad nakahanap ng trabahong nababagay sa kursong kanyang tinapos. Dahil ayaw naman niyang tumambay lang at iasa sa mga magulang at kapatid ang kanyang personal na gastusin, sinubukan niyang mag-apply sa isang call center na tiyempo niyang nadaanan habang namamasyal sa BGC area. Madali naman siyang natanggap kahit pa sabihing newbie at clueless siya noon sa papasuking trabaho. Mahirap ang adjustment sa umpisa. Masisira ang body clock mo dahil lagi kang mapupuyat sa papalit-palit na schedule. Mararanasan mong makisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao dahil normal na sa ganitong uri ng trabaho ang madalas na pagpapalit ng mga team mates at immediate supervisors. Makukulili din ang tenga mo sa pagsigaw, pagmumura at minsan pa nga’y racist comments ng mga dayuhang nakakausap niyo over the phone. She fondly calls them as her customers from hell. Ilang beses na rin siyang muntik na mag-quit noon pero dahil hindi pa sapat ang ipon niya para magtayo ng pangarap na negosyo, pinagtiyagaan na lang muna niya ang trabahong iyon. Her perseverance eventually paid off. After two years of being a customer service representative, she was promoted as a team leader.

Heaven By His Side Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon