Ilang oras ng nakahiga sa kama si Rose pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Paulit-ulit niyang binabalikan ang pag-uusap na naganap sa pagitan nila ni Ben kanina. Hindi pa rin siya makapaniwalang makukuha niya na ang lupang kinakailangan para sa negosyong itatayo ng walang ginagastos ni isang kusing.
Pero teka sandali, hindi nga pala masasabing libre iyon. Isang buwan ang hinihinging kapalit ni Ben. Isang buwan na kailangan niyang masanay sa presensiya nito bilang ‘boyfriend’ niya.
Noong una ay inakala niyang pinagtitripan lang siya ng lalaki kaya nga muntik na siyang mag-walk out. Nagawa lang siyang pigilan ni Ben nang ipaliwanag nito ng husto kung bakit nito kailangan ng babaeng magpapanggap na girlfriend nito for one month. Ito rin pala ang dahilan kung bakit magulo ang isip ng lalaki habang nagda-drive na nauwi nga sa aksidente nilang pagkakakilala sa BGC ilang araw na ang nakararaan.
Naalala pa niya kung gaano kaseryoso ang mukha nito habang nag-uusap sila kanina.
“I’m an illegitimate child. Hindi pa ko nakaka-graduate ng high school nang mapunta ako sa poder ng papa ko. My mother passed away on the same year and I don’t have any choice but to stay with his family. Mahirap noong una lalo na kapag nakikita kong magkaiba ang trato ni papa sa aming magkapatid. Kuya Paul is the perfect son in his eyes while I remain as the product of his mistake in the past. Wala ring kaamor-amor sa akin si Tita Sabrina, my father’s wife. Hindi na ako nagulat doon kasi ako ang nagpapaalala ng pagiging unfaithful ng asawa niya sa kanya. The living proof that her husband had an affair with their former maid. I only managed to survive living in that house because of my brother. He accepted and loved me despite of everything.” Kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang fondness para sa nakatatandang kapatid.
Nagpatuloy ito. “Ikakasal na dapat siya last year but he got involved in an accident. Napinsala ng husto ang mga binti niya at tinapat na kami ng mga doktor na malabo na siyang makalakad ulit. Na-depress ng husto si kuya. He became restless, moody and suspicious of everyone. Lagi niyang iniisip na wala ng nagmamalasakit sa kanya ng totoo at iiwan din siya eventually ng fiancé niyang si Ylona dahil sa kapansanan niya. Pati ako, pinaghihinalaan niya na ng kung ano-ano.”“Bakit ka naman niya pag-iisipan ng masama? Ano ba ang ginawa mo?” nagtatakang tanong niya dito.
Nag-alinlangan pa ito noong una pero sa bandang huli ay umamin na rin. “Ylona was my ex-girlfriend. But she chose my brother over me because I decided to focus on my career as a songwriter instead of working for my father’s company. She dreams of becoming a powerful CEO’s wife and obviously, I can’t give that to her. She broke up with me and a few weeks after that, she announced her engagement with my brother.”
Awtomatikong nakaramdam siya ng disgusto para sa babaeng ni hindi niya pa nakikilala. She could picture a very sophisticated and beautiful woman with a pair of cold eyes, judging everyone she came across by their status in the society. A woman who ruthlessly and shamelessly uses her beauty to her advantage.
Isa pa, kahit naaawa siya sa sinapit ng kuya ni Ben, hindi niya pa rin maiwasang mainis dahil nagawa nitong agawin ang nobya ng nakababatang kapatid. Hindi ba’t sabi nga ng karamihan, may unwritten rule dapat diyan? Off-limits ang mga ex ng kapatid or close friends mo. Konting respeto naman kaya bawal ligawan. Pero dinedma ng kuya ni Ben ang nasabing kasabihan kaya eto ang resulta. Ngayon tuloy ay ito naman ang napa-paranoid at kinakabahan dahil baka maagawan din ito gaya ng ginawa niya kay Ben. Hay naku! Totoo ngang takot ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Daig pa niya ang nanonood ng ongoing na teleserye sa primetime. Masalimuot ang plot at punong-puno ng kadramahan at problema.
“Pero ano ang kinalaman ko doon? Bakit kailangan mo ng babaeng magpapanggap na girlfriend mo?”
Huminga ito ng marahas. “I must admit, Ylona tried to approach me and win me back. Iniisip niya sigurong sa akin na ngayon automatic na mapupunta ang kumpanya dahil sa nangyari sa kapatid ko. Nilinaw ko na sa kanya na wala siyang aasahan sa akin pero hindi siya nakikinig. Ylona works in my father’s company as one of the marketing executives. Last week, he caught us talking in her office and he started to doubt me as well. Iniisip niyang baka hindi pa rin ako nakaka-move on kay Ylona kaya single pa rin ako ngayon. Nabuo na sa isip niya ang hinala na naghihintay lang akong bawiin si Ylona kay Kuya Paul. Damn! I’m not that stupid to get myself fooled by the same woman twice.” Kakaiba ang naging tingin nito sa kanya pagkasabi ng huling linyang iyon.
BINABASA MO ANG
Heaven By His Side
RomanceIsang aksidente na nauwi sa isang kasunduan at pagpapanggap. May puwang ba ang pag-ibig sa isang relasyong nagsimula sa kasinungalingan?