Chapter 17

20 6 0
                                    

Chapter 17

Sapphire POV


Nakaupo pa rin ako sa malaking ugat ng puno,nakatitig pa rin 'ako sa kwintas na nasa palad ko.Napakunot ang noo ko,hindi kaya pero hindi paano naman niya makukuha 'iyon sa mundo ng mga tao?

Isinuot ko ang kwintas saaking leeg.

Bumuntong hininga ako 'ng makitang lumiliwanag na ang paligid,mag-uumaga na.Hindi naman masyadong malayo 'ang natakbuhan ko,kita ko parin ang mga damong hawi-hawi na.Sinundan ko iyon pabalik 'saaking tinuluyan kanina.Nanghihina man kailangan ko paring kumilos.

Bumibigat ang talukap ng aking mata,nais ko ng pumikit at maramdaman ang kumot at ang malambot na higaan sa palasyo.Pinaalis ko iyon saaking isipan at agad naglakad paalis.Nakita ko ang gamit kong nakakalat sa paligid.Isa-isa ko iyong pinulot.


Bago ako umalis ay kumuha muli 'ako ng kapirasong karne at kinain.Uminom din ako ng dala-dala kong tubig.Nagpatuloy na ako sa aking paglalakbay.

Ng makalayo-layo na ako ay narinig ko ang agos ng tubig.Sinundan ko iyon at tumambad saakin ang malinis na batis.Nagpasiya akong maligo roon at maglinis ng aking gamit.Hinubad ko ang aking kasuotan,wala akong niisang itinira at dahan dahang tumapak sa maligamgam na tubig.

Lumayo pa ako hanggang sa dibdib ko na ang tubig.Ipinikit ko ang aking mata at dinamdam ang tubig saaking katawan.Napabuntong hininga ako at napatulala sa nangyari.

Parang kailan lang,isa akong simpleng babae na may simpleng pamumuhay.Salat man pero kumakain parin ng maayos.Simpleng babae lang na gusto lang makaahon sa kahirapan.Kasama ang kanyang pinakamamahal na kaibigan.Pero sa isang iglap ganito ang nangyari.Kung iisipin parang ang hirap isipin na totoo ang lahat na bangungot lang ang lahat.Pero hindi,nandito ako ngayon sa delikadong lugar at pilit na tinatakasan ang mga humahabol saakin.

Sumalok ako ng tubig gamit ang aking kamay at ibinuhos iyon sa sarili.Ipinikit ko ang aking mata ng may marinig akong kaluskos sa paligid.Iminulat ko kaagad ang mata ko at tiningnan ang buong paligid.

Hinawakan ko ang kwintas ko ng mahigpit.Pero dapat walang makaalam na nasa akin ito.Lalo akong mapapahamak kapag ginawa ko iyon.Binitawan ko ang pagkakahawak ko doon at marahang naglakad pabalik sa aking mga gamit.Napakunot ang noo ko ng makitang wala na roon ang aking mga gamit.

Sinong lapastangan ang kumuha sa aking gamit!Pati ang aking damit at panloob ay wala na!

Nilingon ko ang paligid at nakarinig nanaman ng kaluskos.Tinakpan ko ang aking dibdib.Nanginginig ang aking labi.

"S-sinong nandiyan?M-may tao ba d-diyan?" Tanong ko kahit mga ibon at mga kulisap lamang ang aking naririnig

Nakarinig ako ng mahinang tawa ng isang lalaki,napakunot ang noo ko.Manyakis!Manyakis ang kumuha sa aking mga gamit,hindi.Manyakis na magnanakaw.

"S-sino ka?!M-magpakita ka!" Saad ko at tumingin sa paligid napahigpit pa ang kapit ko sa damo na nasa gilid ko.

Napalunok ako.Paano kung manyakis pala ang kumuha sa damit ko?At gusto niyang makita ang katawan ko!

"Hindi ako masamang tao,"nakakalokong saad nito kung saan

"Hindi masamang tao?Kung Hindi,bakit na sayo ang mga damit at gamit ko.Ibalik mo na iyan saakin.Manyakis!" Inis at galit kong sigaw at masamang tiningnan ang mga damo kung saan

Narinig ko ang malakas niyang pagtawa,naiinis na ako hindi niya ba alam na napakawalang modo ng ginagawa niya!

Suminghap ako para mapigilan ang galit ko.Ayukong magpauto sa kanya!Gusto niya lang akong umahon dito para mahabol siya,pwes hindi ganon ang gagawin ko!

A Sunset Without You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon