Chapter 21

16 6 0
                                    

Chapter 21


Shantale POV

Nakatunganga pa rin ako.Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina,hindi pa rin talaga ako makapaniwala.Parang pilit na sumasagi sa aking isip ang ginawa ko,kahit di ko man isipin.Paano kung may pamilya sila,hindi naman iyon kasalanan ng mga tauhan ni Crux dahil napag-utusan lamang sila.

Napaigtad nalang ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Wag mo ng isipin ang lahat Shantale,kailangan mong gawin iyon para sa ikakabuti natin" saad nito saakin

Nakasakay na pala kami sa kabayo.Nasa likuran ko siya habang ako ay nasa harapan niya at nakatalikod sa kanya.Dahan dahan ang pagtakbo ng kabayo.Nasa kakahuyan na kami at tanging mga huni ng ibon at mga hayop ang naririnig ko.Siguro'y nakalayo na kami roon.

"Sumasagi pa rin sa isip ko ang nangyari kahit di ko isipin," matabang kong saad

"Matulog ka na lamang,isandal mo ang ulo mo sa aking dibdib.Pawiin mo ang lahat ng iyan,kung maaari ay binura ko na ang ala-ala na iyon ngunit wala akong ganong kapangyarihan.Wag ka ng mag-alala hindi kita iiwan."

Unti-unting lumapat ang ulo ko sa dibdib niya.Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano.

Ibinigay ko na ang tiwala ko kay Gleord, alam ko na hindi niya ako pababayaan.
Hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.

~~~

May kung anong pumapatak sa aking mukha kaya bigla akong napadilat bumungad saakin ang mga nagtataasang mga puno.Napatingin ako sa nakaupong si Gleord na nasa tagiliran ko.Bumangon ako habang inililibot ang aking paningin sa kapaligiran bago bumalik ang tingin ko kay Gleord.

Kumunot ang noo ko at pinahid ang tumulo kanina saakin.Kumakain siya ng mansanas.Ang bastos naman nitong kumain,pati laway tumatalsik.

Ngumiwi naman ako,lumingon siya saakin habang nakangisi.

"Kung iniisip mo na laway ko ang tumulo,nagkakamali ka" nakangising saad niya saakin at itinuro ang nasa taas ng puno.

Muntik na akong matumba dahil roon.Isang malaking paro-paro ang sumisipsip ng isang maliit na bulaklak na nakapulupot sa puno na nasa tapat ko.Napaawang ang aking bibig.Ang ganda naman,makukulay ang mga pakpak nito.

"A-ang ganda,totoo ba ang n-nakikita ko?!Isang malaking paro-paro?"Exited kong litanya habang nakatitig pa rin roon

"Oo nga,bihira lamang makakita ng ganyan.Mailap yan sa mga bampira.May kapangyarihan yan na lumaki at magpaliit ng anyo."mayabang na sabi nito saakin pinanliitan ko siya ng mata

" At bakit di mo ako ginising?Kumakain kana jan tapos di mo man lang ako ginising para kumain"nagtatampo kong saad,ewan ko ba pero madaling nakapagpalagayan kami ng loob kahit na kakakilala lang namin.

Feeling ko matagal kona siyang kilala at yun ang pinangangambahan ko.Baka mamaya ay may malaman ako sa nakaraan ko dahil sa kanya.

"Mahimbing ang pagkakatulog mo kaya ayukong istorbohin kita"kumagat siya sa mansanas bago nilingon muli ako

"Penge ako niyan,san ka ba kumukuha ng ganyan?" Nagtataka kong ani inihagis niya naman saakin ang isa pang mansanas na nasa kanyang lalagyan pati na rin ang lalagyan ng dugo

"Sa puno na nakita ko sa may tabi ng talon,kumuha na ako ng marami para di na sana ako bumalik pa roon kaso na pasama ako sayo kaya nakapagdala na rin ako"

Tumango ako at kinagatan na rin ang mansanas.Gusto kong malaman kung sino ang pamilya niya.

"Gleord gusto ko lang sana mag-tanong kung sino-sino ang pamilya mo,pwede ko bang malaman?" Tanong ko sa kanya ibinaba niya naman ang hawak niyang mansanas bago nilunok ang kanyang nginunguya

A Sunset Without You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon