Chapter 1

1 2 1
                                    

Note!

Ang may akda ay may hinding magandang mga likha ngunit sa ngayon sana ay inyong magustuhan. Isa lamang itong kathang-isip ng manunulat. Ang mga pangalan, lugar, pangyayari at kung anu - ano pa ay Isa lamang likhang isip. Kung meron mang pagkakatulad sa iba, iyon ay isa lamang aksidente.

Monay!

A/N:HELLO AGAIN! NEW STORY AGAIN. HOPE YOU LIKE IT. (LALO NA SA ISA DYAN. PARA SAYO ITO. HAHA)

____________

Kabanata 1

Masaya akong bumangon galing sa kama. Dahil yung ka gabi ay ang pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko. Pero meron pang mas mahigit na pangyayari na nangyari sa buhay ko yun ay ang makasal ako sa taong mahal ko.

Kahit feeling ko may mali sa nangyayari sa amin pero dahil alam kong mahal ako ng asawa  ko ata, Ano ba! hindi na dapat ako mag-iisip pa ng kung anu-ano.

Dahil wala namang pag-iibigan nung nag pakasal kami. Isa lamang fixed marriage ang nangyari sa amin pero halos sa loob ng dalawang buwan ay kusa na akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko naman alam kung may kasintahan ba ito o ano, pero sabi nya single naman sya. Pero isa lang naman ang hiling ko at yun ay ang mahalin din nya ako.

Napangiti ako ng makita ko ang singsing sa kamay ko. Kahit dalawang buwan na kaming kasal hindi pa rin nagbabago yung pakikitungo nya sa akin kahit isa lamang itong fixed marriage, kaya feeling ko nga mas minahal ko pa sya na sana ganun din sya.

Think positive Lia. Wag kang mag isip-isip ng kung anu-ano. Kahit yang hiling mo, alam mong malabong mangyari yan.

Tumayo ako at lumapit sa bintana upang buksan ito. Napagalaw naman yung mahal ko sa kama nung masinagan ito ng araw. Napangiti ako.

Ang gwapo talaga nito, kahit bagong gising lang. Pero mas gwapo ito kung nakangiti.

"Goodmorning... honey." ungol nitong sabi. Rinig sa boses nito na pagod pa ito.

Napakagat labi ako nung makita ko yung katawan nito. Feeling ko ang pula ko. Ang init kahit ang aga pa.

"Goodmorning too hon. Bangon na, maaga ka sa trabaho ngayon diba? Tapusin mo na yung tatapusin mo saka na natin itutuloy yung plano natin hon para wala ka ng poproblemahin pa." saad ko, saka nagtungong banyo.

Natapos na ako pero nakahiga pa rin ito. Pagod kase eh. Kahit pag bawalan ko na wag masyadong magpapagod, ayaw paring makinig.

Anyway, para naman daw yun sa future ng mga anak namin.

Feeling ko namumula ako sa tuwing naiisip ko yung mga plano nya. Nya lang dahil gusto nya daw ibigay ang lahat sa mga anak nya. Well, ako rin naman.

Hindi na nga ako makapag hintay na dumating ang araw na'yon.

Nagsuot ako ng simpleng damit na pang bahay, dahil wala naman akong lakad ngayon. Tinutuyo ko yung buhok ko gamit nung tuwalya nung makita ko itong magmulat ng kanyang mga mata.

Napangiti ako. Lumapit ako dahil sinesenyasan ako nitong lumapit, napakunot noo ako.

"Bakit hon? Masakit pa rin ba yung likod mo? Gusto mo bang masa-" napahiyaw ako nung hilahin ako nitong pahiga sa dibdib nito.

"Gumising ka na honey. Diba may tatapusin ka pa tapos tuloy na tayo sa lakad natin?" saad ko habang nakaangat ang tingin dito.

"Morning again. Yup, I have an appointment right know and meeting also. Tapos nun tuloy na tayo." Napangiti ako.

It Might Be PainWhere stories live. Discover now