Kabanata 2Hila-hila ni Geo yung maleta namin habang nasa balikat ko yung string bag ko. Buti nga nakapag book na ako bago kami pumunta dito, nakalimutan daw kase ni Geo na gawin yun.
Pinalibot ko yung paningin ko sa loob ng hotel. Ang ganda nga eh kahit yung muwables lang nya parang salamin na sa sobrang kintab tas yung dingding nya ay kulay dirty white at maraming mga halaman.
Narinig ko na lang na nag salita si Geo sa tabi ko. "Let's go." nakangiti nitong sabi. Tumango ako.
Pumasok kami sa elevator at may dalawang pumasok din, tantsya ko baka mag boyfriend at girlfriend to. Napatingin ako sa babae dahil parang pamilyar ito, para bang nakita ko na ito. Tinititigan ko ito nung biglang magsalita si Geo.
Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa likod ng babae ngayon. Para kaseng pamilyar.
"May sinasabi ka ba Geo?" tanong ko dahil malay mo kausap na nya pala ako pero di ko napansin.
He looked at me. Napapatitig ito. Napakunot noo ako. "Bakit?" dagdag ko.
"You looks bothered?, may problema ba?" he asked while looking at me intensily.
Umiling ako. Ngumiti ako bago sinagot ito. "Wala hon, kala ko kase kilala ko yung sexy-ng babae na yun." bulong ko habang nakanguso sa babae na ngayon ay naglalakbay na yung kamay ng lalaki sa katawan nung babae.
Ano ba yan! Hindi man lang makapagtimpi. Narinig ko namang napa-igik yung babae.
Tumingin si Geo duon sa babae na nginuso ko. Bigla na lang nagbago yung mood nito. I mean bigla na lang nagsalubong yung mga kilay nito na para bang papatayin niya ito.
May problema ba?
Hinawakan ko ito sa kamay na nakakuyom na ngayon upang pakalmahin ito. Malay nyo naisip nya na binabastos na yung babae, I mean kahit mag jowa lang sila, galit pa naman ang honey ko sa mga taong ganun kahit ako din galit ako, lalo na sa mga manloloko at manggagamit.
Pero ayos lang naman kung bagong kasal kayo o legal na mag-asawa na talaga kayong dalawa ng partners mo.
Tinangala ko ito. "Ayos ka lang ba hon?" tanong ko. Hinawakan ko yung mukha nito saka hinaplos ko. Napapikit ito.
Para bang ang sakit ng nararamdaman nito, yun ang kita sa mukha nito. Nangangamba ako.
"May problema ba hon?" nag-aalala kong tanong.
Hinawakan nito yung kamay ko sa mukha nito, na para bang ayaw nyang haplusin ko ito. Nasaktan ako. Oo, nasaktan ako sa kinilos nyang yun.
"Nothing hon, just nothing." sa matigas na boses nitong sabi at para bang may meaning pa ito.
Bumukas yung elevator at na unang lumabas yung dalawang mag-asawa ata.
Hindi ako hinintay ni Geo na makalabas din kaya halos patakbo akong sumunod sa kanya.
Tinatawag ko rin ito pero patuloy lang itong naglakad. "Hon! Hon!? Ayos ka lang ba?" saad ko ng maabutan ko ito.
Kinuha nito yung susi, nasa harapan na pala kami ng kwarto namin.
Nung mabukasan ito, kinukulit ko parin ito. Sinundan ko rin ito sa kusina. Parang kanina naman na ang saya-saya namin tapos bilang lang yung minuto ganito agad?.
Hinawakan ko ito pero tinabig lang nito yung kamay ko sa sobrang lakas halos hindi ko ramdam ang sakit nun. Nagulat ako, halos manginig yung tuhod ko at ramdam ko na rin na para bang maiiyak na ako.
YOU ARE READING
It Might Be Pain
ContoWorst feeling is not being lonely. It's being forgotten by someone you could not forget. - Alia