Kabanata 3
Naalimpungatan na lang ako dahil sa sinag ng araw na nanggaling sa bintana na hindi ko pala na sarado. Sinag ng araw? Napabangon agad ako nung makita ko sa labas na umaga na pala at dito pa ako nakatulog sa may sofa.
Naalala ko na hinintay ko ka gabi si Geo pero hindi ko naman namalayan na nakatulog ako. Bumangon ako saka nagtungong kwarto kung anduon ba sya pero pagkabukas ko wala sya roon, ni katiting na ingay o anino ay wala.
Nagtungo akong banyo at ginawa na ang dapat gawin. Nung natapos na ako kinuha ko yung phone ko dahil alam kong chinarge ko ito ka gabi. Kaya din hindi ko natawagan si Geo dahil low bat ako.
Di-na-dial ko yung numero ni Geo habang pababa ako ng hagdan pero puro operator lang ang sumasagot nito. Kinakabahan na naman ako dahil hindi ko alam kung asan sya.
Hindi ko na nagawa pang mag breakfast dahil naalala ko ka gabi na sa lobby lang daw sya, baka duon na nakatulog dahil sa kapaguran sa trabaho.
Feeling ko nga mali dapat na pumunta pa kami dito, Mali na nagbakasyon pa kami dahil alam kong maraming problema ang kompanya, yun ang lagi nyang sinasabi kaya siguro palaging pagod ito.
Sumakay akong elevator at may nakasama din akong ibang tao, may mga foreigners pa nga eh. Nung bumukas ito agad akong nagtungong lobby nitong hotel.
Pero pag dating ko duon wala naman akong nakitang Geo sa loob, nag tanong na rin ako sa mga staff nito.
"I'm sorry ma'am, but we didn't see that guy last night." Aniya sa matigas na English nung babaeng front desk.
Napatungo ako. "Thank you, And can I have a favor?" tanong ko
Ngumiti naman yung babae. "Of course ma'am."
Binigay ko yung card ko na naglalaman ng contact number ko dahil kay Geo lang ang naka sign dito. "Call me when you saw my husband. Thank you."
Nagtungo rin ako sa labas kahit naka bestida lang ako ng above knees at sandal lang. Tinatawagan ko rin yung phone ni Geo na baka sakaling sagutin nito.
*Ring*Ring*Ring*
Sa ikatlong tawag ko, narinig ko na lang na may sumagot dito at halos maguho yung mundo ko ng makarinig ako ng boses ng babae. "Stop calling miss. We're busy." ani ng babae sa kabilang phone.
Hindi pa nga ako nakakapag salita nung marinig ko na lang na pinatay nito yung tawag. Halos hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko at wala akong paki-alam kahit anong isipin ng mga taong dumadaan dito. Naramdaman ko na lang na parang ulan ang mga luha kong nagsibagsakan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung bigla na lang nag ring yung cellphone ko.
Pinahid ko muna yung mga luha ko saka ako pumasok ulit sa loob ng hotel, sinagot ko ito nung makita kong si papa ito.
Umupo ako sa isahang sofa sa lobby. "H-hello po P-papa!" pinagsigla ko yung boses ko pero hindi ko pa rin maiwasan na maluha, pinahid ko ito at tumikhim.
Boses nitong nag-aalala ang una kong narinig at ang medyo may katandaan na rin. "Kamusta iha? Ayos ka lang ba? Sabihin mo sa akin kung may problema ka, si Geo ba ito?" agarang tanong nito.
Binasa ko ng laway ang tuyo kong labi. "Ayos lang po ako papa, ayos lang po kami ni Geo. Wala naman po kaming problema at ayos naman po t-talaga kami. Kayo po kamusta na po kayo?" sagot ko.
"Ayos lang ako iha, wag mo na akong alalahanin pa. Nasabi nga pala ni Geo sa akin na nasa Singapore kayo, Tama ba?" Aniya.
Tumango ako kahit alam kong di nya ito kita. "Opo papa, wag po kayong mag-alala pag may oras po kami dadalawin namin po kayo ni Geo dyan sa New Zealand." Na miss ko na rin kase sya.
YOU ARE READING
It Might Be Pain
Cerita PendekWorst feeling is not being lonely. It's being forgotten by someone you could not forget. - Alia