🍉
°°°
Chapter 4
"For sure, panalo 'yon."The whole scene between Paul and me feels like a foggy memory, hindi pa rin lubos na matanggap ng utak ko ang lahat. I can't even say how I managed to get out of there, like I was running on autopilot, lost in a daze. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
I can't wrap my head around how he manages to say those words, like it costs him nothing. It's as if he doesn't even feel the weight of them, while here I am, left reeling.
Sa lahat ng taong p'wedeng magsabi noon, hindi ko siya inaasahan.
Matalino siyang tao para basta-basta na lang bitawan ang mga salitang iyon.
Kung hindi pa ako naihi at napadaan doon ay hindi ko alam na tinitira niya pala ako patalikod.
I scoffed. "Panalo 'yon, sa hambog ba naman no'n."
"Ang init naman agad ng ulo mo. Parang kahapon hindi kayo nag-bebe time." Si Leorin.
Kaagad ko itong inirapan nang sabihin niyo iyon. "Bebe time, kunwari niya lang 'yon, plastik."
"Bakit ano na naman bang nangyari sa inyo?" usisa ni Misco.
Hindi ko pa rin sa kanila sinasabi ang nangyari kahapon dahil hinihintay ko munang makaalis ang lalaki sa school dahil kapag sinabi ko sa dalawa kong kaibigan ang nangyari, siguradong susugudin nila iyon.
I certainly don't want that to come to pass.
Masyado ko silang mahal para masira ang imahe nila sa eskwelahan.
"Long story short, he's homophobic," may diin sa boses ko.
Sabay silang napabuga ng hangin nang marinig iyon. Para bang hindi na bago sa pandinig nila. Sabagay, hindi rin naman imposible na ganoon ang lalaki.
Pero umasa ako na iba siya.
"Ah, so hindi siya kumakain ng pwet?"
Inismiran ko si Misco.
"True ba?" Parang hindi pa rin nada-digest ni Leorin ang pinaguusapan namin. "Sayang, akala ko mari-rim ka na niya soon."
Now, I can't help but give them both the stink eye. They're just standing there with these mischievous little grins, like they're innocent or something. It's like they know exactly how to push my buttons, and they're loving every second of it.
Hindi ko na sila hinintay at tuluyan nang umakyat ng hagdan para pumunta sa classroom. Narinig ko pa ang humahabol nilang yapak at ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang first period at ayaw kong ma-late roon.
Kaaalis lang ng sasakyan ng school at sakay no'n si Paul at isang babae na makakasama nito sa kompetisyon. The only teacher joining them and guiding them will be Ma'am Charity. Kung hindi lang si Ma'am Charity ang kasama nilang teacher, hihilingin ko talaga na sana ay 'wag silang manalo and from what I know, they'll be staying in Batangas City for three days for the legal ethics competition.
Tama lang 'yan. Magpakasasa siya sa mga extracurricular activities, para sa akin na lang ng points sa recitation.
Tapos pagbalik niya, mababa na siya sa lahat ng subjects at marami siyang dapat i-comply.
BINABASA MO ANG
Fault Beneath the Stars (Stray #1)
Lãng mạnStray Boys Series #1 Academic Rivalry Trope | BL My lifelong goal has always been to surpass Paul Tavin Valdez in academics. I'm driven by this burning desire to outshine him, convinced that he effortlessly steals everything that should rightfully b...