🍉
°°°
Trigger warning: This chapter contains explicit language, including homophobic slurs, and verbal abuse that may be disturbing to some readers. Please proceed with caution.
(unedited)
Chapter Two
The moment his hand touched mine, a wave of tranquility washed over me, slowly soothing my racing heart and restless mind.
Ang mabilis at mabigat na pagdagungdong ng puso ko ay unti-unting bumabagal at humihina... kumakalma.
Tiningnan ko ang magkahawak naming kamay, at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ko.
Dahan-dahang tumaas ang aking paningin at dumapo iyon sa mukha ng lalaki, ang mga makakapal at itim na itim nitong kilay ay bahagyang magkasalubong, may bahid din ng galit ang mga mata niya dahil siguro sa nangyari kanina.
Bakit siya ganito sa akin?
Bakit kailangan niyang gawin iyon?
We weren’t close enough for him to pull something like that. He was fully aware of how much he got under my skin, always overshadowing me in everything we did.
Sure, I was angry at him for that, but I wasn’t foolish enough to channel all my frustration and resentment his way. It wasn’t his fault he was more talented, that he was smarter. Yet, despite knowing this, I couldn’t help but direct all my bitterness towards him. Every time he excelled, it felt like a reminder of my own shortcomings, and I found it impossible not to blame him, even if deep down I knew it was unfair.
Pero sa ginawa niya ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magtanim ng galit sa kanya.
I know his heart is pure, so genuine. But I can't see that because my hatred for him blinds me.
“Saan tayo pupunta?” mahina at parang batang tanong ko.
Huminto ang lalaki sa paglalakad kung kaya’t napahinto rin ako.
Tumingin ito sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay biglang naging maamo ang mukha niya, ang kaninang galit na mga mata ay biglang lumambot.
Lumapit ito sa akin at tila huminto ang puso ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi niya ako tinanong kung ayos lang ba ako tulad ng tinatanong ng mga taong nakapaligid sa akin sa tuwing nakakaramdam ako ng takot at panginginig, niyakap niya lang ako nang buong-buo at mahigpit.
“You’re skilled, smart, and talented. I just hope you see it the way I do,” mayuming bulong niya sa tainga ko habang mahigpit pa rin akong nakakulong sa mga bisig niya.
Halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko sa lupa nang sabihin niya iyon. Ang mga salitang iyon ay parang yumakap sa buong sistema ko. Those words helped me breathe more easily. Sa boses na iyon, pakiramdam ko ay ligtas ako.
Napalunok ako dahil hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap sa akin. Gumagalaw ako nang kaunti upang mahiwatigan niya na gusto ko nang kumawala sa mga bisig niya dahil baka may makakita sa amin at iba pa ang isipin pero mas lalo niya lang akong idinikit sa kanya.
“Dito ka muna sa akin hanggang sa kumalma ka. I can hear you breathing heavily and your heart pounding fast, pahupain muna natin,” he uttered softly.
BINABASA MO ANG
Fault Beneath the Stars (Stray #1)
RomanceStray Boys Series #1 Academic Rivalry Trope | BL My lifelong goal has always been to surpass Paul Tavin Valdez in academics. I'm driven by this burning desire to outshine him, convinced that he effortlessly steals everything that should rightfully b...