Chapter Three

7.2K 684 114
                                    

🍉

°°°


Chapter Three

Maaga akong pumasok kinabukasan dahil wala akong gana na harapin sila Mama. I couldn't bear the thought of joining them at the dining table, so I quietly made my own meal. I cooked in silence, then carefully packed my breakfast to bring to school, where I could eat in peace.

Ewan, may parte sa puso ko na sisingsisi ako na sinagot ko pa nang ganoon si tito. Mas inuna ko pang pakinggan ang emosyon ko kaysa ang utak.

Tuloy ngayon ay hindi ko alam kung paano sila haharapin.

Kakaunti pa lang ang tao sa school nang makarating ako. Halos lahat pa ng mga nakakasalubong ko ay laging na sa akin ang mga mata.

Am I really that stunning in their eyes?

Patuloy na lang akong naglakad at hindi sila tinapunan ng tingin. Hindi ko naman sila kilala.

Habang patuloy na binabaybay ang daan ay nakarinig ako ng isang boses sa likuran, "Yuriko!"

Mukhang sigaw iyon ng isa sa mga taong kilala ko na masisikip sa mundo.

Kung meron lang sa Guinness Book of World Records na pasikipan, nilaban ko na siya.

"Oh?" nagtatanong ang boses ko nang makalapit sa akin si Leorin at akbayan ako.

Sa aming tatlo, siya talaga ang maaga sa aming pumapasok-walang palya. Kaya sa kanya na ibinigay ng Adviser namin ang susi ng classroom.

Ang nakaakbay niyang braso sa balikat ko ay dahan-dahang napunta leeg ko at kaagad na rumolyo iyon. "Pokpok ka talaga!"

I quickly tapped his arm wrapped tightly around my neck, struggling to breathe.

I was being choked!

Tangina, papatayin ba ako nito?

Nang alisin niya iyon ay kaagad kong hinabol ang hininga ko at sinamaan ito ng tingin habang inaayos ang nagulo kong kwelyo.

"Ang aga-aga parang gusto kitang sampalin."

He laughed. "Pokpok ka kasi, kalat na kalat na sa buong school ang picture niyo ni Paul na naghahalikan sa Band room!"

My forehead creased in confusion.

Tangina, mukha ba akong haliparot at hahalikan ko ang lalaking iyon?

We just had a quick interaction in the band room, and now there's a scandal going around?

Mga gago ba sila?

"'Eto, oh!" Tinapat ni Leorin sa akin ang screen ng cellphone niya.

I saw the picture he was talking about, the one where Paul and I are supposedly kissing-which never even happened-and damn, people's minds really go wild!

We were facing each other at that moment, and the angle of the photo made it look like we were kissing. The guy was turned away from the camera, so it really seemed like we were locking lips, but that wasn't the case at all!

Sino naman kayang kumuha sa amin ng larawan?

"Iyan 'yong oras na bago kami umuwi ay may dumapong tutubi sa kilay ko at tinulungan lang ako ni Paul na alisin iyon." Frustrated, I let out a quick, heavy sigh. "Mga isip talaga ng mga tao!"

"Ay, gano'n ang story?" hindi makapaniwalang tanong ni Leorin.

Tinaasan ko ito ng kilay. "At talagang naniwala ka rin na naglaplapan kami sa band room?"

Fault Beneath the Stars (Stray #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon