I am Lucas, simpleng lalake na iisa lamang ang babae.
Sabi nga nila bihira lang daw makakita ng kagaya ko.
Sabi pa nila ay maswerte daw saakin ang girlfriend ko not knowing na mas maswerte ako sa girlfriend ko.Alagang alaga ako ng girlfriend ko, lalong lalo na sa tuwing may date kami.
Napaka sweet niya, kaya lahat ng gusto niya pinaghihirapan ko para maibigay ko sa kaniya.Kasalukuyan akong nag tatrabaho sa palengke bilang isang kargador, hindi ko ikinahihiya yon dahil iyon ang bumubuhay saakin.
Ang pag kakargador.Isang araw ay niyaya ko ang girlfriend kong si Eunice na kumain sa labas, at agad ko naman siyang napapayag.
Sakto araw ng sweldo ko non, kaya dinala ko siya sa isang sikat na Chaolongan, doon ko siya dinala dahil gusto kong masubukan niya yaong ibang mga pagkain, hindi puro Jollibee o di kaya ay inasal.Naka upo na kami at agad akong umorder ng dalawang mangkok ng Mainit na Pork Bulalo.
"Babe, sigurado akong magugustuhan mo rito, lalong lalo na yung specialty nilang Pork Bulalo" buong galak kong sambit dito
"Ahhmm, hehe, mukhang masarap nga babe" tipid na sambit nito
Dahil doon ay napangiti ako.
"Oh heto tikman mo" sabay patikim ko sa kaniya ng sabaw
"A-Ang sarap nga babe" sambit pa nito
Ilang sandali pa ay kumain na rin ako ng akin, napansin ko na tila hindi niya ginagalaw ang kaniya.
"Ayos ka lang ba babe?" tanong ko rito
"A-Ah, Ehh medyo masama ang pakiramdam ko eh, kanina pa ako nahihilo." sambit nito
"Bakit hindi mo agad sinabi saakin?" nag aalalang sambit ko rito
"Pasensya na babe" maikling sambit nito
Pagkatapos non ay agad ko na siyang hinatid sa kanila, hindi na namin nagawang ubusin pa ang inorder namin dahil talagang nag aalala na ako sa kalagayan ng girlfriend ko.
....
Isang linggo na ang nakalipas ng matapos ang pangyayaring iyon.
Isang linggo rin akong nag trabaho at nag ipon para sa darating na 1st Anniversary namin ni Eunice.Excited na akong e surprise siya, naalala ko pa nung bago palang kami ni Eunice, gustong gusto niyang makapunta ng EK(Enchanted Kingdom) dahil gusto niyang maranasan ang maging isang prinsesa, kaya ang sabi ko sa kaniya na ako ang magsisilbe niyang prinsipe kapag nakanpunta sila sa EK.
Matapos yon ay sinabi ko talaga sa sarili ko na balang araw dadalhin ko si Eunice sa lugar na yon gamit ang sarili kong pera.
....
Today January 16, the most special day para saamin ni Eunice.
Our first Anniversary.Umaga palang ay Excited na akong makasama siya, agad akong naghanda, bumili ako ng bouquet of red roses, red balloons, chocolate at nang regalo ko para sa kaniya.
I immediately go to EK, then i text her na pumunta siya sa EK.
Halos kalahating oras na akong naghihitay sa reply niya subalit hanggang ngayon ay wala parin.
Napagpasyahan kong e chat siya, sakto nakita kong Active yung account niya pag send ko naman ng chat ko ay bigla nalang siyang nag offline.Diretso na akong pumasok sa EK, dahil napagdesisyonan ko nalang na hintayin siya sa loob, naka bihis na ako ng pang prinsipeng kasuotan, nag set up na rin ako, lahat lahat ay ayos na.
Siya nalang ang kulang.I texted her again, but this time 4 times kong sinend ang parehong message na pumunta siya sa EK.
But still No Response
...
Ang sweet naman niya.
Swerte ng girl ano?
Sanaol talagaaa!
...
Dinig kong sambit ng mga dumaraan sa harapan ko, nakakatuwa dahil kahit papaano ay may nakaka appreciate sa efforts ko, paano pa kaya kapag dumating na si Eunice.
Mag aalas kwatro na subalit wala parin siya, kaya naman agad ko nang tinawagan yung number niya.
Nag ring na ito, at sa di kalayuan ay nakarinig din ako nang familiar na ringtone.
Napangiti ako nang dahil doon, agad kong hinanap kung nasaan ang taong iyon.At nang pagtalikod ko, hindi nga ako nabigo, nakita ko si Eunice.
She's holding her phone, while holding the hands of the other man....
She hangup the call, and i immediately dialled again her number.
But this time, pinatayan niya na ako.
...
I saw her smiling, a genuine smile.
And that scene makes my heart shattered.
...
Subalit ang mas masakit ay yung, makita ko silang naghahalikan.
Na naging dahilan kung bakit walang tigil na sa pagtulo ang luha ko.
Mga luha kong kanina ko pa pilit pinipigilan.
...
Kawawa naman yung lalake, hindi na yata sinipot.
Nakakaawa siya.
Anong nangyare?
...
"Anong kulang sakin?"
"Bakit kailangang ganito?"
Sambit ko habang patuloy na lumuluha, sa harap ng madla.
Na siyang nakasaksi sa pambihirang luha, na bihirang makita, sa mga mata ng mga lalakeng mahina.