Before this fvcking pandemic comes, we used to go to school, talk to our classmates, teachers, friends, crushes, and also lovers.
Mayroon pa ngang mga oras noon na nagsasaya tayo, nagtatawanan, nagsisigawan, at nag aasaran na talaga namang mahirap kalimutan.
Iyong mga panahon na iyon ay talagang ang sarap balikbalikan.
Pero iyon din ang panahon na dapat ko nang kalimutan, hindi dahil iyon ay nakaraan na, kundi dahil nakatanim sa panahon na iyon ang sakit na dulot nang unang lalaking minahal ko....
"Ok, Good morning class!"
"Good morning.. Maam Elly.." sabay sabay naming saad na tila nagpapabahabaan pa nang hininga.
Tumigil na ang iba, ganon rin ako.
Napatingin naman ako sa katabi kong si Luis, hindi parin siya tumitigil kaya naman tumingin na sa kaniya si Maam Elly."Mr. Luis Villano, come to the front and you will lead the prayer!" -Maam Elly
"M-Ma'am bakit ako?" saad ni Luis kaya nagtawanan kaming lahat sa klase.
"Kasi ikaw ang favorite student ko, ayaw mo ba non?" sarcqstic na saad ni maam Elly dito.
"Eh ma'am, di ako marunong hehehe?" sambit muli ni Luis, dahilan kaya pigil na tumatawa ang mga kaklase namin.
"Ok, Mr.Villano pumunta ka rito sa harap and pumili ka nang pwedeng tumulong sayo." - Ma'am Elly
Isang nakakalokong ngite naman ang sumilay sa labi ni Luis, atsaka dahan dahang lumingon saakin.
"I'm sorry Josh, hehehe." sambit ni Luis atsaka hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa harapan.
Uyyyy, shemaaaay sanaol HoldingHands!
Ganda mo sa part na yan Josh!
Josh how to be you?
"Class stop it! Magsisimula na tayo!" -Ma'am Elly
"Ok, Josh and Luis you may now lead the prayer." -Ma'am Elly
"Wooiii, bat naman kasi ako yung napili mong kasama dito sa harap!" saad ko kay Luis.
"Hahaha sorry, You're too attractive kasi, kaya ikaw unang nakita ko." paliwanag nito, na naging dahilan kaya may kakaibing kuryente ang dumaloy sa katawan ko.
Nag simula na kaming magdasal, lahat ay tumahimk na.
"C-Classmates are you ready to pray?" sambit ni Luis na tatawa tawa pa, kaya naman binatukan ko siya.
"Ayusin mo!" sambit ko rito, humarap naman siya saakin na tatawa tawa, dahilan kaya lumabas ang naglalaliman niyang mga dimples na talaga namang nakaka akit.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti, dahil sa sinabi niya pero tinago ko iyon sa kunwaring seryosong ekspresyon.
Nagsimula na kaming magdasal at sa wakas natapos rin.
Nagsimula nang maglecture si Ma'am Elly, and sa buong klaseng iyon ay nakatitig lang ako kay Luis habang nagkukwento siya nang kung ano ano sakin, wala rin naman akong naintindihan hahaha.Ilang linggo na ang lumipas matapos mangyari ang bagay na iyon, hetoo parin ako inaadmire siya hehehe.
...
Today is Friday, March 6, 2020
Cleaners ako, syempre ka grupo ko si Luis na laging takas.Sa pagkakataon na ito ay andito siya at tumutulong sa paglinis, pero di ko talaga sure kung tumutulong oh nanggugulo lang dito.
Paano ba naman kasi, kumakanta kanta pa rito, kahit libag naman ang boses.