Kabanata 2-B

0 0 0
                                    

"so what kung umiiyak ako! Anung paki mo!", mataray na sagot ni Jera.

"wala naman nagtatanung lang.. Bakit masama ba?" ganti ni Consay.

"Maiwan na nga kita ang sungit mo naman", sabi ni Consay sabay talikod at bumalik sa kusina.

Naiwang tulala si Jera sa inasal ni Consay sa kanya. Sa murang isip niya ay akala niya takot ang mga kapwa niyang bata sa kanya pero ang isang ito matapang. Bumalik sa mansion si Jera at nagtungo sa kanilang veranda. Tamang tama namang palabas si Consay at dahil magkatapat lang ang maindoor at veranda nakita ni Jera si Consay kaya dali daling kinuha ang walis tingting at inilaglag sa kinatatayuan ni Consay. Tumama ito sa balikat ni Consay kaya napatingala sa taas ng veranda at nakita si Jera na pinagtatawanan siya. Di na lang niya pinansin ang batang babae, inirapan na lang niya sabay pasok ulit sa loob. Habang si Jera naman ay lalong naasar sa inasal ng batang lalaki sa kanya. "never.. bale wala lang ako sa kanya huh.. makikita niya", sabi ni Jera sa kanyang murang isipan.

Kinabukasan... Ang araw ng paghahanda ng kaarawan ni Jera. Nagsidatingan ang kanyang mga kaibigan na pawang anak din ng mga kilalang tao sa kanilang lugar.
Sinalubong niya at nagyakapan sila.

"Happy birthday Jera", halos sabay na bati nina Bernadette at Jia sa kanilang kaibigan.

"Thank you.. Salamat at nakarating kayo", ganti sa kanila ni Jera. "tara na sa party magsisimula na".

Habang nasa party ay di mapakali si Jera waring may hinahanap pero di Makita.

"Oh Jera may hinahanap ka yata", pansin ni Bernadette.

"Ah, oo yung nakaaway ko kahapon", ganting tugon ni Jera. Pero sa kanyang isip ay nagtatanong , nasaan na kaya yun? Hindi ba siya imbitado? Magsosory sana ako sa kanya pero sayang wala siya...

Habang si Consay ay naiwan sa kanilang bahay para magbantay sa bunsong kapatid niyang si Jhaell na umaasang makikita din sana niya si Jera. Ang di alam ng dalawa ay kinabukasan din pagkatapos ng selebrasyon ay pupunta na sa Amerika si Jera kasama ang kanyang tiya.

Biglang nagambala ang pagbabalik tanaw ni Consay dahil sa kagat ng lamok. Mag aalas tres na pala ng madaling araw...  

Fate of LoveWhere stories live. Discover now