Imbitado ang lahat ng manggagawa sa hacienda villasis para sa home coming ng nag iisang prinsesa ng pamilya villasis... lahat abala sa paghahanda habang hinihintay ang pagdating ni JE RA... utos ng Don sa lahat ay wag munang magtrabaho sa bukid at magrelax sa araw na yun.. Nangako naman ang Don na tritripplehin ang kanilang sahod sa araw na iyon.
Sa ayaw man o gusto ni Con Say ay kailangan niyang sumama.. sayang din naman ang tripple salary kung hindi dadalo. Mas pinili niyang magpunta sa mga nagluluto at tumulong sa gawain kesa maupo sa lamesa. Nakita siya nina Jac Que Line at kapatid niyang si Jha Elle.
"kuya pwede magpahinga ka naman? saka magrelax ka", ang nasabi ni elle sa kanyang kuya.
"mabobored lang ako", tipid na ganting sabi ni consay
"naks, ang sipag talaga ni crush", ani ni jacky sabay kindat at pagkalapad lapad na ngiti with matching kilig action kulang nalang ay maging puso ang dalawang mata.
"hay nako... pwede ba jacky tigil tigilan mo ako... baka bigla kitang irekomenda kay boryong.", si boryong ay palayaw ni Lino Laoyan Jr. ang kanyang kaibigang patay na patay kay jacky. bigla umasim ang mukha ni jacky.
"hmp! makaalis na nga baka masira pa araw ko dito", sabay walkout at naglakad palayo kay Consay hila hila si Jhael. Natatawa nalang si Consay sa inasal ni Jacky habang pinagmamasdan ang pakembot kembot na balakang ni jacky habang naglalakad palayo sa kanya
"wow, itik... swabe kung maglakad nasa bukid tayo wala sa rampahan!" pahbol na sigaw ni consay sa magkaibigan.
Ilang sandali pa at dumating ang pinakahihintay ng lahat. Sakay sa mamahaling new model BMW na ineskortan ng tatlo pang sasakyan. Lahat ay napatingin sa direksyon kung saan huminto ang sasakyan... wariy hinihintay ang paglabas ng prinsesa. Naunang bumaba ang isang mataba ngunit ubod ng cute na si Joy ang yaya ni Jera mula pa pgkabata hanggang ngayon... kulang nalang ay siya na ang nanay ni jera. Mas malapit ang kalooban ni jera sa kanyang yaya joy kesa sa kanyang mga tita.Sumunod na bumaba si Jera.. Wari’y tumigil ang pag inog mundo, lahat ay napatitig kay Jera.. eto na si Jera... suot ang bestidang ginawa pa ng isang sikat na designer sa buong mundo... tinernuhan ng pinaghalong silver and gold glittering., nakalugay ang aalon alon na mahabang buhok, maikukumpara sa isang diyosa dahil sa taglay kagandahan... ang maputi at makinis na balat na animoy alagang alaga sa kung anung klase ng mamahaling lotion... mapupula at kissable na lips... mga matang mapupungay na sa kanyang tingin palang ay mabibighani ang sinumang nilalang.
"maligayang pagbabalik unica hija" ang salubong ng don sa kanyang anak habang nakahandang yumakap sa papalapit na anak.
"thanks dad, i miss you so much... " sabay yakap at halik sa pisngi ng kanyang butihing ama.
"maligayang pagbabalik señorita jera" halos sabay sabay na sabi ng mga taong naroon.
"maraming salamat din po sa inyong lahat" ganting wika ni jera sa kanila.. boses na nakakaantig pakinggan.
Ibinigay ng emcee ang mic kay jera para sa kanyang simple message.
Habang naghahalo ng pansit si consay ay biglang nakarinig ng boses ng babae na nagsasalita sa mic... hindi niya makakalimutan ang boses na yun... animoy parang musika sa kanyang pandinig... dali daling nagtungo sa pinagdarausan ng party... subalit hindi na niya naabutan ang nagsasalita sapagkat pumasok na ito sa loob ng mansyon... nanlumo man ay di nawalan ng pag asang masisilayan niya ulit ang babae.
Nagbalik sa lutuan si Consay subalit nasunog na ang pansit na hinahalo niya kanina.... "paktay! paanu na ito...." nag aalalang wika sa kanyang sarili.
"oh, anak anung nangyari sa pansit!?" ,sita ni aling April sa anak....
"nasunog inay..." sambit ni consay habang nakakunot ang noo
"hay naku... anu bang ginawa mo? buti nalng di natin inilagay lahat... dibale magluto ulit tayo may oras pa naman bago magtanghalian", ani aling April
YOU ARE READING
Fate of Love
RomanceFree Preview "Jera Villasis, bago ako umalis nawa'y nasa mabuti kang kalagayan, at gusto kong malaman mo na minahal na kita simula nung una kitang makita sa duyan....ang tanging kayamanan na merun ako ay ang mahalin ka ng higit sa anu pa man..." N...