Kabanata 4

0 0 0
                                    


Hapon na ng matapos ang party. Kaunti narin ang mga tao at bisita magkakaroon pa sana ng sayawan kaso naiintindihan nilang pagod sa biyahe ang dalaga at kailangan narin nitong magpahinga.

Napagawi sa may likurang bahagi ng mansyon ang Don para bisitahin at kumustahin ang mga tumulong sa pagluluto, magpapacatering sana siya para hindi na maabala ang mga tao pero naisip din niyang tumikim ng lutong bahay.

"kumusta na po kayo dito?" ang tanung ng Don sa mga naroon. Kahit isa ito sa mga makapangyarihang tao sa kanilang lugar ay naroon parin ang pagpapakumbaba at hindi umaapak sa katauhan ng ibang tao, kaya naman napamahal na ang mga tao sa kanya.

"okay naman po kami Don Paay Ni Olay" agad na sagot ni aling april.

"oh siya baka kailangan ninyo ng ekstrang tutulong sa inyo magsabi lang kayo" ani ng Don sa kanila.

"Opo" halos sabay sabay ng sagot ng lahat.

Inutusan ni aling april si Con Say na tumulong sa harapang bahagi mansyon. Nagpaiwan na rin ang binata para may kasama ding uuwi ang kanyang ina dahil alam niyang gagabihin na rin ito. Nauna ang mag amang Lando at Jhaell sa kanilang bahay.

(JERA’S POV)
Samantala, dahil sa pagod ay naisip ni JE RA na magpahangin sa veranda ng kanilang mansyon. Tanaw niya ang hasyenda habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw sa kanluran. Parang di pa rin siya makapaniwalang siya’y nakauwi na sa kanilang mansyon. Sa wakas ay nakalanghap narin siya ng sariwang hangin, di tulad sa Amerika na puro usok ng sasakyan ang nalalanghap niya, nauna siyang bumalik sa Pilipinas at naiwan ang dalawang kaibigang sina BErnADette at Jia sa New york dahil may mga back subject at units na kailangan ding tapusin, mas inuna kasi nila ang paglalakwartsa kesa pag-aaral. Siya naman ay pinag buti ang kanyang pag-aaral kaya maaga siyang nakatapos sa kolehiyo. Namiss din ni jera ang kanyang buhay kabataan sa kanilang lugar. Naalala pa niya na minsan ay sumasama siya sa pag aani ng kung anu anong prutas. Sa kanyang pagbabalik tanaw bigla sumagi sa kanyang isipan ang isang pangyayari na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan, at napapatingin sa malayo...

"kumusta na kaya siya?" ang tanung niya sa kanyang sarili.. "consay" ang pangalang naiukit sa kanyang puso’t isipan, sinupladahan niya at inisnab ang pakikipagkilala nito sa kanya, sa kanyang murang edad hanggang ngayon ay kung bakit hindi mawala sa kanya ang pangalang iyon.. ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinalamin sa kanyang diwa ang batang lalaki maamo ang mukha, manipis ang mga labi, matang mapang akit,... muling imulat ang kanyang mata "taglay pa kaya niya ang katangiang iyon?" tanung niya sa kanyang sarili.

Sa di inaasahan, napatingin siya sa ibaba ng veranda. Inikot ang kanyang paningin, may mga nagliligpit ng mesa at mga upuan.. nahagip ng kanyang paningin ang isang lalaking nagliligpit ng mesa... bigla ay parang siyang itinuod sa kanyang kinatatayuan, tumigil ang inog ng mundo, may kung ilang libong daga ang naghahabulan sa kanyang dibdib, hindi siya maaaring magkamali,,, ang lalaki ay bersyon ng batang lalaki na naglaro sa kanyang diwa kanina lang,, habang hindi maalis ang kanyang tingin sa lalaki... sa di inaasahang pagkakataon ay napatingin din sa kanya ang lalaki.. nagtama ang kanilang paningin...

May lumapit na ginang sa lalaki sabay hampas sa tuwalyang hawak nito sa kanya ng tumingin ang lalaki sa ginang ay agad agad bumalik sa loob ng mansyon ang dalaga...

Fate of LoveWhere stories live. Discover now