Gabi na'y di dalawin ng antok si Consay dahil sa balitang nalaman mula sa kanyang ina at pinatotohanan din ng kanyang ama na galing sa mansion ng pamilya Villasis.
Mag-alas nuebe na ng gabi ng umuwi ang tatay ni Consay, si mang Lando, agad niyang sinalubong ang ama at tinanong kung totoong uuwi si Jera bukas.
''oo anak" " uuwi na si Jera at baka dito na raw mamalagi, teka bakit mo natanong?", tugon ng kanyang ama.
''ah..eh... wala po tay.. kaya pala magtatapon ng milyones si Don Paay dahil uuwi na si Jera", pautal na sagot ni Consay.
Biling baliktad sa kanyang higaan, gusto ng magpahinga ng kanyang diwa ng biglang nagbalik ang ala ala ng kanyang kabataan...
(FLASHBACK)
Minsan ay ipinatawag ng Don ang kanyang ina para sa paghahanda sa gaganaping selebrasyon ng ikawalong kaarawan ni Jera. Isinama ni aling April si Consay sa mansion. Habang nasa kusina si aling April ay panay naman ang lakwatsa ni Consay sa bakuran ng mansiyon. Nahagip ng kanyang tingin ang batang si Jera na noo'y nasa swing at nag-iisa. Dahil likas na mahiyain si Consay ay nagtago ito sa likod ng puno habang pinagmamasdan si Jera. Sa murang isip ni Consay ay tila umiiyak si Jera. Nagpalipas ng ilang sandali sa kanyang pinagtataguan bago nagpasyang lapitan ang bata...
"bahala na", sabi niya sa kanyang isip.
"ahhem..."pasimpleng pagtawag pansin ni Consay sa likuran.
Napalingon ang batang si Jera na agad pinahid ang tumulong luha sa kanyang pisngi.
"sino ka?", tanong niya kay Consay.
"ako si Consay, anak ni Aling April yung nasa kusina niyo.", mahabang paliwanag ni Consay sabay tanong. "Bakit ka umiiyak?"

YOU ARE READING
Fate of Love
RomanceFree Preview "Jera Villasis, bago ako umalis nawa'y nasa mabuti kang kalagayan, at gusto kong malaman mo na minahal na kita simula nung una kitang makita sa duyan....ang tanging kayamanan na merun ako ay ang mahalin ka ng higit sa anu pa man..." N...