Aquilecia POV
Sabado ngayon at andito pa ako nakahiga na parang walang balak bumangon, feeling ko ambigat bigat ng pakiramdam ko, bumalik na naman ang dating akala ko ay mawawala na.
Bumalik na naman yung sakit, memorya at pagkamiss ko sayo Crys. Alam ko, ayaw mong makita akong nagkakaganto lalo na pag ikaw ang dahilan. But what can I do Crys? I'm the one to blame.
Bigla na naman tumulo ang luha ko, ilang oras ang lumipas ay tulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Ilang weeks nalang intramurals na, magiging busy na naman ako. Parte na pala ako ng softball team, ang dating laro na ayaw kong salihan noon. Ilang minuto ang lumipas, naisipan kong maligo at pumunta kung saan nandun si Crys. Bibili nadin ako ng book sa NBS.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos ako sa pagaayos and ready to go na, bumaba ako mula sa kwarto at pumuntang kusina. Nakita ko si Mom and Gael, maybe dad already go to work. Habang pababa ng hagdan, nakita ako ni mom.
"San Ang punta mo dear?" Tanong ni Mommy habang pinapakain si Gael.
"Mom, punta lang akong mall. May bibilhin na book" i said with a smile on my face.
"Okay, be careful." Mom said as I go to her and give her a kiss on the cheeks.
Hindi na ako nagpahatid kay Manong, sumakay na lamang ako ng bus. Ilang minuto ang lumipas ay narito na ako nakatayo habang nakatitig sa Puntod ni Crys. Umupo ako at inalis ang dahon, hindi pa man ako nakapagsasalita ay hindi na mapigil ang luha na umaagos sa aking mata.
"Hi Crys, I miss you. Sana andito ka sa tabi ko ngayon, alam mo ba? Andun na ako sa team natin ulit. Sinali ako ng lalaking walang modo, yung kaklase natin sa high school? " Madami pa sana akong sasabihin ngunit di ko na napigilan ang humagulhol, hindi ko mapigilan ang luha at ang sakit na dinaramdam ko ngayon, sobrang miss na kita Crys.
" Sorry Crys, sorry kung hanggang ngayon ay umiiyak parin ako. Ayoko sanang sumali dun kasi wala ka na eh. Wala na akong kasama, wala na akong kakampi." Sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Magsasalita na sana ako ng may makita akong panyo sa harap ko. Tinignan ko kung san galing yun, at nakita ko ang rason kung bakit ako nasali sa larong gusto ko ng kalimutan.
"Here" he said habang inaabot ang panyo sakin, kinuha ko yun, tumayo at humarap sa kanya.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan, nabigla ako ng hinablot ni Kaleigv ang kamay ko at tumakbo papuntang sasakyan niya. Pumasok kami sa sasakyan niya ng basang basa, inabotan niya ako ng towel na galing sa likuran ng sasakyan niya.
" Why did you bring me here?" Sabi ko habang pinupunasan ang aking sarili.
" Gusto mong magpaulan?" Sabi niya at tumingin sakin. Hindi na lamang ako umimik para walang gulo, ayoko naman magpaulan. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa sasakyan, tanging patak lamang ng ulan ang naririnig.
"Don't tell anyone what you saw earlier" sabi ko habang nakatingin sa kamay kong hawak hawak ang tuwalya.
"Hindi ako chismoso" i smiled. May pagkamaldito din pala eto.
"Bat ka andito? Are you stalking me?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya, tumingin siya sakin na nakakunot ang noo.
" I'm here to visit my mom" sabi niya at umiwas ng tingin.
"I'm Sorry" sabi ko while looking at his eyes. Pinigil ko na ang sarili ko sa pagtatanong at bumuntong hininga na lamang.
" Its not your fault, you know." Napalingon ako sa kanyang tanong at nakita ko siyang nakatitig sa akin na parang inaantay ang sagot ko.
" Hindi mo ginusto ang pagkamatay niya" he continued. Napaiwas ako ng tingin ng maramdamang uminit ang aking mga mata. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan.
Naramdaman niya ata ang pagka emotional ko kaya hindi na siya nagsalita. Ilang minuto ang lumipas ay tumila na ang ulan. Kaya nagpaalam na ako sa kanya na lalabas at may pupuntahan pa.
"Thanks Kaleigv" sabi ko habang nakangiti, tumango lamang siya at pinaharurot ang sasakyan niya paalis.
Pumunta akong NBS at bumili ng books at mga kailangan ko sa school. Kumain na din ako at naglibot libot mag isa. Ng nakaramdam ako ng pagod ay napagdesisyunan ko ng umuwi.
Gabi na ng nakarating ako sa bahay, traffic kasi. Patay na naman ako neto kay Mommy pumasok ako at nakitang nagluluto si Mommy at si manang silya. While dad is playing with Gael.
"Mom, traffic" I said and kiss her cheeks as well as dad and my baby. Inunahan ko na si mama, baka mag imbestiga pa. Isali ko kaya si mama sa part ng imbestigador o soco?
Natawa na lamang ako sa iniisip ko at umakyat na pataas upang maligo at magpahinga.
Ilang minuto ang nakalipas ay natapos na akong maligo, nakahiga ako ngayon sa aking higaan ng maisip ang nangyari kanina. May kabaitan naman pala si Kaleigv, takot lang ipakita.
Ano na kaya ang mangyayari, malapit na ang intrams. 2 weeks nalang ang practice, natatakot ako na hindi magawa ng mabuti ang responsibility ko.
This is it Crys, sana magawa ko. I know nandyan ka lang palagi. I smiled habang iniisip ang palagi niyang sinasabi 'ikaw pa ba Aquil? Kaya mo yan!'
BINABASA MO ANG
Keen Protagonist (Euphoria)
Teen FictionEuphoria, a feeling of great happiness. A happiness felt by someone. An emotion that should've shown to everyone. Love, a feeling of every people A feeling that mostly people know A feeling that is hard to understand This feelings that Kaleigv doesn...